---
"How's the wrist and the wound on your chin?", tanong ni Samantha kay Alyssa na naglalagay ng mag chips sa cart
Ito ang unang pagkikita ng dalawa simula noong samahan ni Samantha si Alyssa sa hospital. Parehas sila busy nitong mga nakaraang araw at walang masyadong ganap sa GC kaya hindi makahanap ng pagkakataon si Samantha na makita ang atleta. Buti na lang at nag aya si Benedix na mag grocery nagyong araw. Kaya nasa hypermarket sila ngayon kasama ang mga kaibigan nila.
"Recovering well."
Ipinakita ni Alyssa ang kaniyang kamay kay Samantha at inilapit din nito ang kaniyang mukha upang makita sa kaniyang sugat sa baba. Inobserbahan ni Samantha ang wrist at chin nito at mukhang naghihilom naman ng maayos.
"I'm glad."
"Kamusta na nga pala yung bago mong part time job sa gym?"
Napabuntong hininga na lang si Samantha. Maayos naman magpasahod ang pinapasukan n'ya nagyon ngunit nakakasawa na din ang paulit-ulit na kaniyang ginagawa isama mo pa dito yung mga customer na mahilig mangulit.
"Uneventful. Ikaw kamusta? Gusto mo na siguro pumalo ng bola 'no?"
"Oo eh, kaso hindi pa pwede ang sabi sa'akin ipahinga ko daw muna ng dalawang linggo ang wrist ko."
"Eh anong ginagawa mo ngayon pag practice n'yo na?"
"Ayun, tumatakbo lang. Nakakasawa na naga eh."
"I see."
"Can I ask you something?"
Itinigil ni Alyssa ang pagtulak sa cart nila at tiningnan nito ang paligid kung malapit sa kanila ang kanilang mga kaibigan.
"Sige.", pagtango ni Samantha
"Would you like to out with me?", Tanong ni Alyssa habang namumula ang pisngi nito.
"Hmm, pag-isipan ko.", pabirong sgot ni Samantha
"What's there to think about? Ako na 'to Sam yung gustong-gusto mo makita dati. A-ayaw ka pa ba!?", tanong ni Alyssa na may pag taas ng isang kilay
"Wow! Nasa loob na nga tayo ng grocery store humahangin pa din."
"Biro lang, but I promise you na you won't regret this date.", nakangiting sabi ni Alyssa
"Sige na nga, kawawa ka naman pag nag no ako. I'm free naman this week after 5pm."
Kumuha si Samantha ng isang plastic ng loaf bread at nilagay ito sa cart ngunit a sobrang puno na nito ay nalaglag ang mga box ng cereals.
"I'll call you then.", sabi ni Alyssa habang kinukuha nito ang mga nalaglag na kahon ng cereals.
"Sure. Asahan ko 'yan.", sabi ni Samantha na nakangiti
YOU ARE READING
Group Chat
FanfictionSamantha and Alyssa have never met before, but a group chat created by their friends may change that. After a series of missed opportunities and conflicting schedules, the two eventually met.