(A/N: May mature scene ahead pero mild lang..hahaha)
"So, how long have you two been sleeping with each other?", tanong ni Chie, umupo ito sa tabi ni Alyssa at kumuha ng fries mula sa pinggan nito.
Ilang araw ang makalipas simula noong date nina Samantha at Alyssa at nang 'Game of Thrones' episode, matatagpuan ang dalawa na kumakain ng lunch sa dining hall ng kanilang school.
"Chie...", Samantha warned, ngumiti lang si Chie
"Nagbago aura n'yo simula noon. You're all glowy and gross.", tumingin si Chie kay Alyssa na kumakain ng sandwich.
"'Di kaya.", bulong ni Alyssa pagkatapos lunukin ang kinakain.
"Oo kaya. Tell me flexible ba si Samantha katulad ng sabi n'ya?"
"Umalis ka na nga. You're ruining our lunch date.", sinipa ni Samantha ang binti ni Chie sa ilalim ng lamesa
"Fine. Pero lalabas tayo mamayang gabi at magpapakasabog.", natatawang sabi ni Chie, tumayo na ito sa kinakaupuan n'ya at lumakad palayo.
"Sure. Now let me enjoy my sandwich." sambit ni Alyssa
"Good?", tanong ni Samantha, tiningnan nito si Alyssa na kinakain ang sandwich na ginawa n'ya para rito.
"Pwede ka na maging chef.", nakangiting sabi ni Alyssa matapos n'yang punusan ang kaniyang bibig.
"I try.", Samantha shrugged, hinayaan n'ya na halikan s'ya ni Alyssa sa pisngi
"You're really pretty."
"You're not so bad on the eyes either."
"Go on another date with me."
Nag puppy eyes si Alyssa kay Samantha kahit alam n'ya na hindi ito kailangan. Sa puntong ito hinding hindi makakaayaw si Samantha.
"Napaka romantic mo naman.", natatawang sabi ni Samantha at tsaka hinalikan si Alyssa
"I'm a charm machine, you know?"
"I can clear my schedules. Move around some appointment."
"Napaka accommodating mo naman."
"Kainin mo na nga yang sandwich mo."
---
YOU ARE READING
Group Chat
FanfictionSamantha and Alyssa have never met before, but a group chat created by their friends may change that. After a series of missed opportunities and conflicting schedules, the two eventually met.