The Breakup

4 0 0
                                    

Jess POV

Napaka sakit ng ulo ko. Ano bang nangyayari? Bakit Ganto? Bakit ang sakit ng dibdib ko?

Kriiiiiiiiiiiiiing....

"Hello?" Sagot ko sa phone

"Hello Mars! Anuna? May date pa tayo nila Zeb." Pag aaya ni Rochelle. Best friend ko.

"Hindi muna ako sasama. Masama pakiramdam ko." sabi ko

"Tigilan mo kami. Nag away lang kayo ni John e. Halika na, pag hindi ka pumunta, FO na tayo. Intayin ka namin ni Adrian sa crossing. bye." At ayun nga, binaba na nya. haaays.

oo, tama kayo. kaya ako ganito dahil nag away kami ng boyfriend ko. 4 months na kaming hindi nagkikita dahil busy sya sa work nya. malayo din yun kaya hindi siya makauwe sa kanila. Miss kona sya. huhuhu

Bumangon ako sa higaan ko at naligo. baka kapag hindi ako pumunta ay mawalan ako ng kaibigan. haaaaysss...

-----------------------------

Nasa crossing nako pero walang bakas na Adrian at Rochelle ang nakikita ko, haaays nasan naba yung mga yun??

"Maaars! Dito!" Napalingon ako at nakita ko si Adrian at Rochelle. Nakaakbay si Adrian sa kaibigan ko. sinamaan ko sila ng tingin. haaays

"really? sa harapan ko pa talaga kayo naging sweet ha." sabi ko

"Wag kang bitter dyan. haha hayaan mo, next time makakasama na yun sa gala si John. Halika na" Sabay hinila ako ni Rochelle.

"Ano ba, nagmumukha akong third wheel sa inyo. kainis!"

"Wag ka nang maarte, hahaha"

"mga mars!!" sigaw na galing kay Zeb

"Hay nako. kahit kailan ang tagal mo talaga Zebby!" sabi ko sa kanya

"Ikaw naman high blood agad? palibhasa wala jowa dito e, hahah" si Zeb

"O bakit, nandito din ba sayo?" sabi ko

"osya sya. wag na kayo magtalo. tara na." si Rochelle

"Ikaw kase e. sinama mopa si Adrian. OP tuloy kami. Tara na nga Jess, kunware di natin sila kasama. hahah" saka Ako hinila ni Zeb papasok ng restaurant.

Ako nga pala si Jessmine Fontanilla. Yepp weird yung name ko. e ano magagawa ko? haha

Yung 2 kasama kong babae ay ang mga pranka pero mahal na mahal kong mga marites. haha

si Zebby Montecillo. Ang hottie kong friend. Maganda, habulin nga ng mga guys e. Kalog, pranka, palaban pero duwag sa multo. kung gaano katapang sa ibang tao, ganun naman ka duwag sa bagay na di sya kayang saktan. haha

Si Rochelle Morcadilla, Maganda, matalino at sobrang inosente. super love ko yan kase good listener. kabaligtaran sya ni Zeb. Si Zeb madaldal, siya tahimik. maingay lang kapag kami ang kasama. haha

tinatanong nyo ba yung jowa ni Rochelle? sya si Adrian Arguelles. First Jowa yan ng kaibigan ko. sa dami ng lalaking nag hamak na manligaw ay Kay Adrian lang pala babagsak. haha Tropa rin nya si John. yung Boyfriend ko. haaaays John....

"Hoy! kanina kapa tulala dyan. sabi ko anong oorderin mo?" Si Adrian

"Ha? sorry diko narinig. haha" sabi ko

"Ay nako. tawagan na nga yang John na yan." si Zeb

matapos kami umorder ay tinawagan ni Adrian si John.

Once In A LifetimeWhere stories live. Discover now