Chapter 15

1.3K 88 16
                                    

Gali's POV

Hindi ko inaasahang dadalaw ang mama ngayon, tumawag lang ang office at sinabing may naghihintay sa akin sa may student's lounge. Halos maluha pa ako, maganda ang pangangatawan ni mama ngayon hindi tulad noong huli naming kita a year ago.

Mahigpit na yakap ang sinalubong sa akin ni mama.

"Dumaan ako sa sa office, nangamusta lang ba, gan'to pa rin pala rito."

"Kumain ka na niyan?" tanong ko habang hinihila siya papuntang canteen, nakaabay pa ako na para bang magtropa kami.

"Hindi pa nga eh, libre mo ako?"

"Goods lang, Ma, gutom na rin naman ako."

"'Yan naman ang gusto ko sa 'yo, nak! Kaya favorite kita, ha."

Iniwas ko ang muka ko dahil nanggigil niyang pinipisil ang muka ko, alam kong ramdam din ni mama ang tingin ng iba sa amin ngunit dedma lamang ito.

"Bumabalik na sa dating kulay 'yung buhok mo." Haplos niya sa buhok ko nang makaupo kami. "Ang panget! Nasaan nga pala ang mga makukulit? Mas miss ko sila kesa sa 'yo."

Nagtawanan kami ro'n, patayo na sana ako upang um-order nang may tumikhim at nagsalita galing sa likod.

"Bantot, can you hold this for me, I'll pick it up later."

Mabilis lang ang pag-abot niya ng drawing sheet tube sa akin, hindi niya pinansin ang kasama ko, halos tumaas rin ang lahat ng balahibo ko nang marahan niyang tinapik ang pagitan ng leeg at balikat ko. Malamig sa balat ang suot niyang singsing.

Lunok laway ko siyang sinundan ng tingin, this sexy woman and her...utos! Pinahawak niya sa akin ang capsule niya, hindi ko pa naman alam kung mag-i-stay ako sa campus kasi kasama ko nga si mama.

"Mabantot ka ba anak?" Napakurap ako at sinamaan si mama ng tingin! Hampaslupa kami pero hindi mabantot! "Sino 'yun?"

"Kahel, bebe ko."

"Ano?! Hindi mo ako pinakilala lintian ka!"

"Ma, natulala ako diba! Sana ginising mo ako! Tyka ako lang may alam no'n."

Inirapan ako ni mama, siya na rin mismo ang pumunta sa counter upang bumili ng makakain namin, habang wala siya ay hindi ko mapigilang ilibot ang tingin ko, naririnig ko pa ang bulungan ng ilang malapit sa amin...

Kilala siguro nila si mama.

Napabugtong hininga ako, sikat 'yan dito ngunit sa hindi magandang reputasyon, kaya nga bihira dumalaw ang mama ko rito sa Baron kahit na mas gusto niya manatili rito kaysa sa Manila.

"Bakit po kayo napadaan dito, Ma?" Walang paligoy ligoy na tanong ko.

Hindi normal ang araw niya sa tuwing dumadalaw ito, palaging may problema sa dapit-hapon o hindi kaya ay sa trabaho niya sa Manila. Kapag mabibigat, palagi niya akong dinadaanan upang makausap, wala naman siyang ibang masasandalan kundi ako.

Naramdaman kong humawak ang mainit na kamay niya sa akin, warm, so warm. Na-miss ko siya ng sobra, my very own legit marites at ang walang katapusang reklamo niya sa mga work niya.

"Kung ano man 'yon ako na ang bahala, Gali."

Ngayon ko nalang ulit narinig 'yon mula sa kaniya, tulad ng lagi kong naririnig noong bata ako, siya ang bahala, kung pwede nga lang ay tatakbo ulit ako sa kaniya tuwing kailangan ko ng taong susulusyon sa mga problema ko, magsusumbong ba? Gano'n lang kadali, tapos hindi ka na matatakot kasi gagawin niya lahat para saluhin ka, protektahan ka. Hindi ko mapigilang maisip 'yung mga panahong 'yon. The comfort those words gives, sobrang nakakagaan.

Wave Back, KahelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon