Chapter 8

1.5K 96 41
                                    

Gali's POV

"Shit!" Masamang tingin ang ipinukol ko sa bumunggo kay Ioana. "Hindi ba uso tumingin sa dinaraanan?"

Tinayo ko kaagad ang natumbang kasama ko.

"Ako ba o siya?"

Tinulungan ko munang mag-ayos si Io, medyo malamya nga pala talaga ang babaeng ito, napansin na namin iyon nina Ronin dahil naging magkakalapit kami nitong nagdaang araw.

"Tsk harang amputa, lampa pa."

Nang marinig ko 'yon halos umusok ang tenga ko, talagang nagpintig kaagad kaya naman nahila ko kaagad ang lanyard niya at bahagya kong nasakal. Protect your friends at all cost.

"Inaano ka ba? Tangina mo, tapang mo, ah?" Halatang-halata kung paano nanlaki ang mata niya sa biglaang aksyon ko, ang lapit niya ba naman, eh. Sinipat ko ang I.D niya at third year ito na taga department nila Hadri, mabilis niya ring inagaw iyon at umatras. Lucy yata ang pangalan.

"Gali, tara na, ayos na, ayos lang ako."

Ayos? Hindi, putspa, ano 'yon trip niya lang banggain? Siya 'yung hindi marunong tumingin sa dinaraanan ta's may gana pang magsabi ng kung ano.

Bubuka na sana ang labi ko kaya lang naunahan ako ng bagong dating, si Ronin.

Talagang inulan niya kaagad ito ng kwestyon.

Napahakbang tuloy ako paatras, luh? Aligaga talaga siya, concern yarn? Iling na tinignan ko ulit ang sigang bumangga rito.

Sandali.

Pamilyar ang babae.

Saan ko nga ba nakita 'to?

"That's enough." Biglang sumulpot si Kahel, may dalang juice kaya naman nakuha ko iyon at napainom ng konti. Nakakauhaw kaya makipagtalo.

Ibabalik ko na sana nang umiling ito, sa akin nalang daw, edi mas okay kasi uhaw pa ako, nakatipid pa ako ng sampong piso sa mineral water.

"Gosh." Rinig kong sabi ng babaeng—wala akong pakialam, basta 'yung bumunggo—masama itong tumingin sa akin bago kami nilagpasan lahat.

Aba't!

Hindi man lang nag-sorry, walang modo, ang sarap tirisin ng gagang 'yon. Malaman ko lang talaga kung sino 'yon, nako! Pasalamat siya hindi ko nabasa ang buong pangalan niya sa I.D. Luca ba o Lucy o what?

Nakarinig ako ng mahinang tawa, ba't ako tinatawanan ng Kahel na 'to? Hindi ako nagpapatawa, may nakakatawa ba sa babaeng 'yon? Lalo tuloy nagsalubong ang kilay ko, putspa.

"Hobby mo bang mang-away ng mas bata sa 'yo?" patanong na sabi niya ngunit halatang hindi niya kailangan ng sagot ko, nilagpasan niya na rin ako kaagad.

Syempre laglag panga ko, aba! Bakit parang kasalanan ko pa?

"Hoy! Hindi naman ako 'yung nagsisimula!" Kahit sa daan ay patuloy akong nagpapaliwanag sa kaniya, napapatingin pa ang mga nadaraanan namin sa paminsang pagtaas ng boses ko pero hindi ko sure kung naniniwala ba siya, 'yung muka niya kasing gan'yan parang 'yung ang hirap palaging mapaniwala.

Pagkaupo niya sa upuan niya ay napairap ako, pagkatingin ko sa upuan ko ay si Ronin ang naroon, oo nga pala at nagpalit na talaga kami.

Kalmadong umupo ako sa upuang katabi ni Kahel, pinagkrus ko ang braso at tinitignan siya dahil alam kong napapansin niya pa rin ako kahit sa laptop niya siya nakatingin, ayan nga at gumalaw ang mata niya upang sipatin ako hanggang sa tuluyang hinarap ako.

Wave Back, KahelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon