“ Any problem?” I ask my friend who is looking at me as if I did something wrong. As if naman diba.
“ Why so sungit?Nag away na naman ba kayo?” she asked.
I let a deep sigh and continue typing on my laptop.
“ He can’t understand kasi.. I already told him na hindi pa ako ready umuwi ng Pilipinas” medyo naiinis kong sabi sakanya. Napabuntong hininga din sya dahil alam kong sawa na sya, well alam nyang yan palagi ang problema ko.
“ Bakit nga kasi hindi ka pa ready? It’s been 2 years simula ng nangyari yun and you already said na nag move on ka na. So anong problem mo dyan?” naiinis na tanong nya sakin. I know, I know naman na nakakainis na ko dahil wala namang kaso kung umuwi ako ng Pilipinas. Ako lang talaga ang maarte.
“ P-paano kung mag kita kami? Anong sasabihin ko sakanya? ‘Hi Guevarra!Nag move on na ko ikaw ba?’ ganoon bay un ha Belinda?” hindi ako mapakali kapag pinag uusapan namin ang pag balik ko sa Pilipinas. Alam kong matagal nang nangyari yun but kapag naaalala ko lang eh nababaliw ako.
Tiningnan ako ni Belinda na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
“ Hoy Shanice ha! 2 years nangang nakalipas tapos sabi mo naka move on ka na sakanya tapos para kang tangang natataranta dyan?” lumapit sya sa kinauupuan ko at tinapik tapik ako sa balikat “ Kung ako sayo sasama na ko kay Chan sa Pilipinas at harapin mo ang mga iniwan mo dun. Hindi pwedeng magtago ka na lang dito sa New York habang ang mga tao dun hindi malaman kung buhay ka pa ba” and with that she left me hanging.
“ Hey!” napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Napangiti ako ng makilala ko kung sino iyon.
“ Are you going home? Hatid na kita” alok nya sakin. Tumango naman ako at sinimulan ng ayusin ang mga gamit ko.
“ Akala ko nauna ka na. Busy?” balik na tanong ko sakanya habang ipinapasok ko sa bag ko ang mga folder. Ngumiti naman sya at nakita ko nanaman ang mga magaganda nyang dimples.
“ I reviewed some papers then nakita kita dito kaya naman inaya na kita since pauwi na din naman ako” sagot nya sakin. Hindi ko mapigilan ang kiligin dahil napaka bait nya talagang tao. Ilang saglit lang ay nagpaalam sya na mauuna na sa labas dahil may tumawag sa phone nya. Pinagpatuloy ko lang ang pag aayos ng mga gamit ko.
Before anything else, Shanice Rivera is my name and im already 25 years old. Yung kausap ko naman ay si KrisChan Fuentes. Nakilala ko sya dito sa New York and sya din ang dahilan kung bakit ako nakapasok sa kumpanya na ito which is pag-aari nya. He is one of the hottest bachelor here and in the Philippines.
After kong maayos ang gamit ko ay lumabas na ko ng building. Naabutan ko si Chan na nakasandal sa kanyang sasakyan habang hawak ang phone nya. Nang mapansin nya ko ay agad syang tumayo ng diretso at pinag buksan ng pinto ng sasakyan nya.