" UMALIS KA NA DITONG MALANDI KA!"
Wala akong nagawa kundi ang talikuran silang lahat at mapabuntong hininga Mga walanghiya ang tao don kaya mas mabuti na din siguro ang umalis ako sa impyernong kainang yon. Ang kapal ng mukha nang matabang yon na sabihan akong malandi eh ang asawa nya ang manyak. Kasalanan ko bang mas maganda ako kaya nahuhuli nyang madalas akong . tinitingnan nang asawa nyang gago? Aba, imbyerna pala sya eh! Kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabaho ay hindi ako magta-tsaga na magtrabaho sakanya at tiisin ang pangmamanyak ng asawa nya.
Tss.
Napalingon ako sa paligid dahil sobrang tirik na tirik ang araw. Tanghaling tapat at nawalan ako nang trabaho. San naman ako kukuha nang panggastos ko ngayon? Naasar na naman ako dahil sa pagtanggal sa akin nang matabang yon dahil sa walang kwentang bagay. Kung hindi dahil sakanya ay hindi ako mamomrobelema ngayon. Wala akong choice kundi ang maghanap nang trabaho. Kahit ano basta pagkakakitaan papasukin ko na pwera nga lang sa pagbebenta ng laman. Ano sila sinuswerte? Sa sobrang ganda ko ibibigay ko na lang ang sarili ko sa kung sino man? Asa sila no!
Hindi naman ako mayabang dahil sadyang may ipagyayabang talaga ako pagdating sa aking itsura. Masasabi kong maganda ang aking mukha at maraming nagsasabi sakin na bagay akong sumali sa Binibining Pilipinas dahil sa tangkad ko. Hindi ako maputi o maiitim dahil katamtaman lang ang kulay ko. Proud ako na kahit wala akong pera pambili nang pampaganda ay wala akong kahit anong tigyawat at peklat, lalo na't makinis ang balat ko. Madalas akong kasali ng mga pageant nung highschool ako at madalas din akong manalo.
Naglalakad lang ako sa kawalan hanggang sa makarating ako sa tinutuluyan kong apartment. Madaming bata at tambay ang nandito dahil isa itong iskwater. Alam kong delikado ang tumira dito nang magisa pero wala akong magagawa dahil wala naman akong pera at higit sa lahat ay wala na akong pamilya. Mag-isa na lang ako sa buhay dahil 4 years ago nang iwan ako ng mga magulang ko.
" Oh bat an gaga mo ata Sam? Wala na bang tao sa karindirya?" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Napasimangot ako ng makita ko si Ana na nasa tapat ng tindahan habang nagluluto nang banana cue nya.
Walang anu-ano ay kumuha ako ng lutong banana cue at agad na kinagatan iyon. Inirapan naman nya ako pero wala na syang nagawa dahil kinagatan ko na iyon. Mag kaibigan naman kami kaya okay lang yon sakanya.
" Tinaggal ako nang balyenang yon dahil nilalandi ko daw ang asawa nyang bisugo! Ako malandi!? Ang kapal nang mukha nya!" hindi ko mapigilan ang sumigaw dahil talagang naiinis ako ngayon. Itong si Ana naman ay natatawa lang sa akin. Sanay na sya sa pagiging palingkera ko.
" Eh anong plano mo ha, Sam? Nagpunta kanina sa bahay mo si Aling Marga, malamang maniningil nanaman yon" napatampal na lang ako sa noo ko dahil sa kamalasan. 2 months na akong hindi nakakabayad kaya panuguradong palalayasin na din ako.
Napabuntong hininga ako at tiningnan si Ana nang seryoso " Maghahanap na ako ng bagong trabaho. Balita ko may hiring ngayon sa ibat-ibang kumpanya" tiningan ako ni Ana at tinaasan ng kilay " Ang tanong natanggap ba sila ng hindi tapos ng college?"
Napaisip na lang ako dahil tama sya. Hindi ako nakatapos ng collge dahil hindi umabot ang naiwan sa aking pera nang mga magulang ko kaya naman hanggang 3rd year lang ang inabot ko. Napilitan akong magtrabaho para mabuhay ko ang sarili ko kahit gustong gusto ko mag-aral. Isang taon na lang kasi ga-graduate na ako kaya hindi ko mapilan ang manghinayang.
" Bahala na Ana"
Sana talaga swertehen na ako bukas.
==
" Pasensya na pero kailangan namin ng naka 4 year course" tumango na lang ako at nanghihinang lumabas.
Pang pito ko na tong pinag-applyan pero ni isa sakanila ay hindi ako tinaggap. Kung hindi sila nangangailangan nang tapos ng college ay may experience naman ang hanap nila. Badtrip na experience yan! Kaya nga ako magta-trabaho ay para magkarooon ng experience tapos hinahanap nila yung may experience!? Asan ang hustisya!?