Ito sana ang gagawin kong post sa Facebook at YM ko. Paano ba naman, gusto mo nang mag-asawa ako (kahit alam mo namang wala akong GF. Masunurin lang siguro akong anak para ibigay kung ano ang sa tingin mong ok at sa tingin ko na ok din naman. Nakakatuwang alalahanin na sinabi mo sakin na ikaw ang bahala sa lahat ng gastos kung magpapakasal ako kahit alam naman natin na wala tayong pera. Gusto ko na rin naman na magkaroon na ng partner sa buhay pero naisip ko rin naman na ang paghahanap ng makakasama o syota o asawa ay hindi dapat itulad sa pagluluto ng pancit canton na INSTANT. Hindi dapat madalian. Nagtatalo pa tayo noon dahil sabi ko hindi muna ako mag-aasawa hanggat hindi tapos sa pag-aaral lahat ng kapatid ko at tutulong muna ako sa inyo pero nagagalit ka sa akin kasi ipinipilit mong hindi ko responsibilidad yun dahil nanjan ka naman.
Napakaraming nangyari. Mula sa isang malaking problemang pampamilya hanggang sa nagkasakit ka. Wala ka sa tabi namin noong mga panahong iyon kahit gustuhin naming kami ang mag-alaga sayo. Wala ka upang mapagsilbihan namin. Pero alam mong di kita nakalimutan. Hanggang ngayo'y nandito pa rin sa cellphone ko ang mga text mo pati ang mga reply ko sayo. Hindi ko mabura at ayokong burahin kahit masakit para sa akin na paulit-ulit kong nababasa ang mga iyon.
Alam kong nahihirapan ka na noon sa sakit mo kaya naman nakipagkasundo ako sa KANYA na hatian ka sa sakit mo. Weird pero hiniling ko na bawasan ang mga taon ng aking buhay at idagdag sayo. Alam kong pinakinggan nya ako at sa tuwing masama ang pakiramdam ko ay natutuwa ako at nananalangin na sana ay nababawasan ang tinitiis mong sakit at hirap. Naaalala ko, sinabi ng doktor sa amin na 6 months na lang ang posibleng itagal mo. Halos di ako makatulog, kaming lahat. Hanggang sa pinagtipon-tipon tayong lahat kasama ang lahat ng mga kapatid, pinsan at immediate family para ipaalam sayo ang state ng sakit mo na noo'y wala kang idea. Stage 4, Malignant Stomach Cancer. Hindi ko mapigilan ang luha ko noong tagpong iyon. Pilit kong tinatakpan ang aking mukha. Ayaw ko sanang ipakita dahil ayokong magparamdam ng kahinaan ngunit hindi ko kinaya, hindi kinaya ng mga kapatid ko, hindi kinaya ni Mommy, hindi kinaya ng mga kapatid mo at ng mga pinsan ko - lalo na ng makita kitang umiiyak habang inaakap ang dalawa kong kapatid na bunso, si Vincent at L.A.
Ang tanging magagawa na lang ay isang major operation pero it does not guarantee 100% na gagaling ka. Maaaring mapahaba ang buhay pero may risk pa rin na lalo itong umikli dahil sa hindi magandang kondisyon ng katawan mo. Nagdecide ka na huwag na lang. Siguro ay natatakot ka at yun ang masusunod dahil ikaw ang dapat magdesisyon. Mula noon, Madalas na tayo sa ospital. Halos linggo linggo. Turok dito, turok doon, Blood tranfusion, sari-saring tests, sari-saring gamot, sari-saring pagkain, sari-saring kwento sa bawat araw na magkakasama tayo. Inaamin kong mahirap pero hindi ako dapat umangal dahil mas mahirap ang kalagayan mo.
Hirap ka nang lumakad nun pero pinipilit mo. Nagpabili ka ng tumba-tumba sa Paco. Antagal namin ni mami dun kasi di kami makapagdecide kung magugustuhan mo. Umuulan nun pero tiis lang. Kelangan may dala kami pag-uwi. Pagdating sa bahay, may niluto kang lomi. Medyo maalat para sakin pero sabi ko sayo masarap. Pinaghirapan mo kasi kahit alam kong hirap ka nang kumilos. A week after, hindi ka na makalakad, kailangang alalayan ka na sa pagtayo, pagpunta sa CR at paglabas ng bahay, tanging sa tumba-tumba ka na lang tumatambay noon at alam kong naiinip ka kaya nagpabili ka ng wheelchair. Sugod na naman kami para ibili ka. It doesnt matter how expensive it is basta komportable ka. Di ko pinangarap na uupo ako sa wheelchair at subukan ang tibay nito. Alam kong natuwa ka nung makita mo yung wheelchair. Pero nalulungkot ako dahil di ko akalain na uupo ka doon dahil di mo na kayang lumakad. Nagbibiro ka pa na 4 wheels din ang sasakyan mo. I can't imagine a man with a very weak condition throwing a joke like that. Siguro pinalalakas mo lang ang loob namin.
Nagkaaircon lang sa bahay nung naging ganun na ang kundisyon mo, kailangan kasi nasa cool temperature ka para hindi ka gaanong iritable. Kahit pinayagan na ng doktor na medication na lang sa bahay habang may nakasabit na dextrose at gatas bilang pagkain mo at may nakaabang na dalawang tangke ng oxygen, di pa rin maiwasan na dalhin ka namin sa hospital sa mga pagkakataong sobrang nahihirapan ka. At dahil mas marami na ang araw sa isang linggo na nasa ospital ka kesa nasa bahay, nagresign ako sa trabaho - at ako na siguro ang pinakamasayang nawalan ng trabaho dahil araw-araw na kitang makakasama at mababantayan. Ang trabaho? makakahanap ako nyan, bata pa naman ako pero ang panahon na makakasama kita, alam kong kaunti na lang. Pero natatakot din ako para sa bukas, hindi ko alam kung ano ang nakalaan para sakin, ok lang. Tulad ng lagi kong sinasabi sa humihingi ng payo sa akin, doon tayo sa kung saan tayo mas kailangan.
BINABASA MO ANG
WANTED: SYOTA - Urgent Hiring
PoesíaNaghanap ka na ba ng isang taong makakasama mo at magiging katuwang sa bawat lungkot at saya ng buhay mo? Minsan at kadalasan hindi naman syota lang ang makagagawa nito para sayo....