4ᵗʰ Note

16 2 0
                                    

4ᵗʰ Note

"I'll fill up for her," Fuego informed Elle who's distributing the enrollment form.

Kasama niya rin 'yong dalawang boys na kasabay ko kahapon. I wonder if they're roomies, too. Mage-enroll din 'ata. Meron din akong nakita na enrollees from other departments. Meron na galing sa Jophiel na painters at artists according to what I've heard from them. Meron din from Raphael na Science classes 'ata 'yong tini-take. Then, Michael na hindi ko alam ang specialization.

May other departments pa daw pero hindi na napangalanan ni Elle. It's best to discover them myself na lang daw. Wala namang kaso sa 'kin if hindi ko alam 'yong mga 'yon kasi may sarili naman akong department.

"Hey, enrollment document ko 'yan. That's personal," I scolded Fuego.

Ano siya, nakakasuwerte? Baka mamaya kung anong ilagay n'ya d'yan. Inis pa naman 'yan sa 'kin kanina pa.

Suot ko na nga rin pala 'yong heels ko na mukhang ayaw pa niyang ibigay kanina. Pinipilit ko daw, eh hirap na 'ko. 'Di man lang siya na-concern kung may sapin ako sa paa.

The registrar on our table eyed us. Sinasagutan na ni Fuego 'yong form ko. Pasimple kong inaagaw kaso tuloy-tuloy siya sa pagsusulat. Nang matapos mag-fill up sina Reese at Ylona, kinolekta na 'yon ni Elle kaya sa 'kin na siya pumunta.

Hindi pa rin tapos si Fuego. I'm a little panicky because of what he could write on the form. Ni hindi ko alam 'yong mga kailangan i-fill up kasi naagaw na niya nang mabilis 'yong form ko from Elle.

"'Anyare d'yan? New student ka din, F?" tatawa-tawang tanong ni Elle.

Fuego didn't speak. Tutok lang siya sa pag-fill up. Gosh, ano ba 'tong ginagawa niya. I want to be with him pero hindi 'yong extent na siya pa 'yong gagawa ng paraan for my enrollment.

"Fuego, baka may mali kang malagay. Important record ko 'yan," I said, a bit bothered.

"I know what to write," he answered simply.

"May gusto din ba s'ya sa 'yo? Ang weird na nagi-insist siya for that." Si Elle.

Nagkibit-balikat ako. "I don't know with him. Parang bibitayin siya if he's got no involvement sa pag-enroll ko."

"Ang weird talaga. He's nothing like the F I know."

"Bakit? Pa'no ba siya dito?"

She's about to speak when Fuego handed her the enrollment form. Sinilip ko 'yon at nakitang tama naman ang first name, middle name, at surname ko. Saka 'yong contact number. He memorized it?

Pero 'yong nasa bottom part, hindi ko na nakita kasi pinasa na ni Elle 'yong forms. Hinihingi na no'ng sa registrar. After that, we received our schedules. Saka pa lang kami nilayuan ni Fuego to check on his juniors.

Two weeks pa before magsimula 'yong first day of classes. Dama ko na agad 'yong katamaran ko. Maaasahan naman ako pagdating sa practical exams or performance-based events pero kapag acads talaga, I'm not sure. Tinamad na 'ata 'kong magsipag kasi nakikita ko na si Fuego.

He's the one who encouraged me to study well. I did. Naging studious ako for two years na wala siya. Pero that's not the real me. It was a distraction to not think of him for a while. Kasi nalulungkot ako.

"Parehas kami ng section ni Elle. Sa'n kayo?" tanong ko kila Reese.

"11 D kami. Sa A 'ata kayo. Special class."

"Special class?"

"You'll know soon," kindat ni Elle at inakbayan ako.

Kasabayan namin na maglakad sina Fuego na 'tapos na din pala. Huling sulyap ko sa kanila parang may na-encounter pa silang problema. Ang bilis naman nilang maayos para makasabayan pa namin sila.

Dead TuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon