Chapter: 18 Father

53 34 0
                                    


Flashback

"Pa,wag mo kaming iwan ni mama...pa" humahagulgol ako habang pinipigilan ko si papa sa pag-iimpake nya.

"Anak pag-pasensyahan mo na si papa mo,pangako mag-papadala ako para saiyo" halik sa noo at nag mamadali itong lumarga...ang panghuli ay ang naiwang bangong kumapit sa hangin ng makaalis na ito.

Simula ng iwan nya kami ni mama at Pumunta sa ibang pamilya...nagtanim ako ng poot,galit sa ginawa nyang paglisan sa amin.

Pero kahit kailan ay hinding hindi ko parin kayang maipagtabuyan si papa bilang isang Ama ko.

Noong tumagal tagal na ay nawalan na ako ng communication kay papa,Maging ang mga pangako nya ay nawala rin...kaya todo ang pagbabanat ng buto ni mama para lamang mabuhay ang kanyang nagiisang anak na walang iba kundi ako.

"Nang,Gusto mo pag-aralin ko nalang dito si Mielicent?...Pangako hinding hindi ko sya papabayaan at isa pa baka maaari na ring makatulong saiyo ang iyong anak" tumawag ito sa Cellphone ni mama...(L.D)Long distance kung tawagin...At ako naman nakikinig palihim sa usapan nila mama at auntie habang nanonood ako ng T.V.

A--ano nalamang ang isasagot ko kay auntie,kung ayaw kong iwanan ng mag-isa rito si mama sa pinas!...kulang nalang maglumpasay ako sa sahig dahil naguguluhan talaga ako kung ano ang decision ko.

"Anak,mien pumayag ka na sa gusto ng auntie mo...wag mo akong aalalahanin nandyan naman si auntie mo cellia" binulungan ako ni mama ng mag lakas loob itong humarap saakin ng hindi umiiyak.

"Pero ma..." ani ko pabulong
"Wala ng pero,pero" kumunot ang noo ni mama pero mababa ang tono ng boses nito.

At dahil sa kagustuhan nito ay pumayag na rin naman ako...wala ehy,wala akong magagawa.
Si papa kasi bakit nya kami nagawang iwan ni mama,pati sustento nya saakin kinalimutan nya na,nakakatawang isipin kung may kinakasama na sya...pero kung yun nga ang katotohanan edi wala akong magagawa kundi ang magpakatatag sa sarili kong mga paa ng makaahon naman kami ni mama sa hirap.

***

"Mielicent,kamusta ang pag-aaral?" Tanong ni auntie Hailey sakin.

3 taon nang lumipas simula nang kunin ako ni auntie Hailey puntang Italy "maayos lang po Auntie,maraming Salamat po,Sakatunayan nga po marami na akong nakilala sa room namin tsaka mga inaral namin ay hindi madali kumpara sa pinas at isa pa ang Lingguwahe." Kakarating ko lang nun sa bahay,matapos akong ibaba ng service bus ko at agad namang bumungad saakin ang mukha ni auntie na ani moy napaka excited sa mga ipapamalita ko tungkol sa school.

" Matututunan mo rin iyan mielicent kung pupursigihin mong mag-aral,wag kang mawawalan ng pag-asa hanggat nandito ako maging ang mama mo sa pinas,hinding hindi ka namin papabayaan." Napayakap nalang ako ng tuluyan dahil sa mga sinabi nya.

"Maraming salamat Auntie." Bigla namang namuo ang mga luha ko na pilit bumabagsak sa aking pisngi.

Auntie Hailey pov

Dalawang oras nang nakakalipas nang mapansin kong abala si mielicent sa mga asignatura nito sa kanilang paaralan.

Parehas kaming nasa kusina nung mga oras na iyon,nakaupo ito habang ako naman ay nag luluto ng panghapunan namin.
Pinag mamasadan ko ang kanyang napakagandang mukha na maaaninag mo rito na may tinatago itong hinagpis at lumbay.

Dibale bibilang nalamang ako ng tatlong araw para masabi ko at malaman niya kung nasaan nga ba ang kanyang Ama.

My Hot Lascivious Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon