Chapter: 12 Wishing well

57 37 0
                                    


Flashback

Muli akong nag-istambay sa playground na kung saan ito ang unang tagpuan ng pag-kakakilala namin ni kirkson...Mahigit isang linggo ko ng hindi nakikita si kirkson kaya napapatanong ako sa aking sarili,bakit?! At anong dahilan ng wala manlang pasabi o paalam nito saakin.

Napansin ko rin na itong week na ito ay wala nang bully sa paligid ko,napangiti naman ako pero muli akong nalungkot ng maalala ko na aalis na rin pala ako tungo sa aking auntie na nasa Italy,sa katunayan doon ko ipag-papatuloy muli ang aking pag-aaral....pumayag naman na si mama sa kagustuhan ni auntie na kunin muna ako.

3 years later,

Natupad nga ang sinabi ni auntie na dito muna ako sa pwader nya,sa totoo lang nalulungkot ako rito dahil hindi ko kasama si mama.

Pangatlo

Muli akong nag hagis ng barya patalikod

"Hahaha frenny i'm done" tumawa lang ako na pawang nakakaloko

"Nakailang hagis ka?" Tanong nito saakin na parang nagtataka.

"Tatlo,bakit?"napakunot noo tuloy ako sa tanong nya.

"Hahaha Yiee Sabi kasi ng Auntie ko kapag naka tatlong hagis ka ng Coins you will find love and marry" kinikilig ito habang sinasabi saakin.

Sa totoo lang first time ko lang mamasyal dito at sa pagkakataong ito naiirita ako dahil ni hindi ko man lang alam ang patakaran rito,tsk Grabe hindi rin sinabi 'tong frenny na ito na may ganyan ganyan pala.

"Aherm,akala ko kasi hihiling lang mismo sa isip mo,Tssk Bat hindi mo agad sinabi saakin frenny!" Napapisil tuloy ako sa magkabilaang pisngi nito dahil sa panggigigil

"Ouch naman frenny,sorry naman treat ko na nga lang" Paglalambing nito saakin.

Si Zandria Millea Riyz ang naging bestfriend ko simula ng lumipat ako sa oxted school,mabait naman sya hindi tulad ng iba na traydor.

"Yiee, yan ang gusto ko sayo ehy" ngumiti lang ako rito at ibinaliwala ang nakita maging ang nangyari kanina.

***Sangiorgio Restaurant!

Umorder lang kami ng natipuhan naming pagkain saka nag-umpisang mag-kwentuhan.

"Frenny alam mo,matagal ko na kayang pangarap ang maging Managership ng isang kompanya,pinapangako ko na matutupad yun balang araw" ngumisi ito na ani moy pursigido talaga ito sa kanyang kagusuhan..."ehy ikaw nga frenny anong balak mo?!" Pahabol pa nitong tanong saakin na ikina gulat ko.

"Ah--ehy--gusto ko sanang Maging slim 'tong katawan ko" napatawa nalang ko ng malakas, natigilan nalang ko ng makita ko na hindi lang pala kami ang tao rito..."And i want to take revenge" medyo kinilabutan ako,napatingin din ako kay frenny na nakatulala dahil siguro sa sinabi ko.

"Diba masama yun?!mamaya ikaw pa ang mahulog sa bangin" pag-aalala nito saakin

"Hahahhaa! IT'S A BIG NO! Frenny,sisiguraduhin kong hindi ako mahuhulog sa sarili kong patibong" pagmamatigas ko rito.

"Ikaw ang bahala basta kung magkatotoo yung sinabi ko,nandito lang ako kapagwala kang trabaho" she smile at me sabay lagok sa tea na kanina nya pa hawak.

Kirkson pov

"Bro kanina kapa tulala,what's wrong?!" Tanong ni Matthew saakin na sinagot ko naman kaagad

"Yung papel na may sulat na number,hindi ko na matandaan kung saan ko nilagay,sina mama kasi tara-tara papunta rito sa Italy" Muli akong umupo para isipin kung saan ko na nga ba ito nailagay.

"Si Mielicent?!yung bestfriend mong mataba?" Pag-aasar nito saakin na ikinasama ng loob ko.

Tumayo ako sa harap nito at kwinelyohan..."whoa--whoa,Calm,calm couz i'm just kidding masyado ka kasing seryoso sa babaeng iyon,hindi ka naman mabiro" tumawa lang ito na parang gulat na gulat sa nagawa ko.

"Wag muna ngayon bro,mukha ba akong nakikipag-biruan?" Seryosong sabi ko kay matthew.

Sa pagkakataong iyon ay hindi na tuloy namin naituloy ang pag-lalaro ng basketball.

"I have to go" muli na ako nagpaalam rito at iniwan itong nakatayo mag-isa na parang gulat na gulat sa nangyayari sa akin.

Nang makauwi na ako sa aming tahanan ay agad kong hinanap si mama dahil sa katunayan ay may bumabagabag saaking isip

"Ma" nahagilap ko si mama sa kusina na nagluluto ng meryenda
"Kailan uli tayo lilipad tungo sa pinas?" Hindi ako nagpaligoy ligoy na tanungin iyon kay mama.

"Kirkson,anak,wala pa tayong isang buwan rito gusto mo nang mag pa pinas...sa palagay ko matagal tagal na uli yang hinihiling mo" hinaplos lamang ni mama ang aking buhok,tsaka nag tanong muli "O baka naman may napupusuan na itong anak ko" ngumisi si mama na parang alam ang lahat...Sa pagkakataong iyon natigilan nalamang ako at ngumisi ng pilit.

"Hahahaha--sige ma,papakilala ko nalang sya saiyo balang araw...Hindi ako susuko hanggat hindi ko ito nakikikita" muli kong niloko si mama at sya rin namang pagkatahimik nung oras na iyon.

"Sige anak basta ayokong madisappoint kaming dalawa ng papa mo." Bigla akong napaisip ng malalim sa sinabi ni mama saakin.

Matthew's pov

"Bro bakit konsinting-konsinte sya doon sa babaeng iyon?!" Napatanong ako kay jake na kakarating lang....

Isa si jake sa mga naging classmate ko noong nasa pinas pa kami,Kasamahan ko rin ito pagdating sa pambubully ko kay mielient.

"Baka malay mo na fall na sya roon,hahaha" sa totoo lang yan na rin ang sumagi sa isip ko matagal tagal na."pero hindi ka ba nakokonsensya sa mga pinag-gagagawa mo sakanya since elementary tayo?! Grabe naalala ko yung time na,pinatid mo...pinagtawanan,binuhusan ng tubig....vinideo at ang mas malala pa ay ikinulong mo ito sa restroom...mabuti nalamang at may body guard doon na nagtsetsek,kung hindi panigurado doon na yun natulog sa loob ng banyo" nagtawanan kaming dalawa dahil nagfla-flash back lahat ng ginawa ko kay mielient sa isip ko.

"Teka matthew,matanong ko lang...bakit napaka-init ng dugo mo pag-dating sa kanya?kwento ka naman bro oh!" Napatulala lamang ako sa pagkasabi nya ng matauhan ako ay nasagot ko ito.

"Tssk it's none of your business" napahalukip kip tuloy ako magkabilaan, ng magkatitigan kami ay bahagyang natakot si jake sa mga titig ko at hindi nakapagtiis ay nagpaalam na ito para umalis.

Hummp,napa sipa tuloy ako sa trashcan namin ng maalala ko nanaman ang bangungot ng kahapon ko.

End of flashbacks

My Hot Lascivious Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon