0

2.1K 61 9
                                    

Naalala ko pa nung unang beses kitang makilala.

Naglalakad ako, naglalakad ka. Wala sa isipan kong magkakaroon ng kahit anong pag-asa na huminto ka o huminto ako para malaman ko ang pangalan mo at malaman mo ang pangalan ko. Pero para bang isang pelikulang gawa ng star cinema o storya sa wattpad ang lahat.

Ayon ako, nahulog bigla. 

Ayon ka, tinulungan ako.

Hindi ko naman inaasahang may tutulong sa akin sa totoo lang. Matagal ko nang alam na lampa ako sa lahat ng bagay, na hindi lilipas ang isang linggo na hindi ako nadadapa, nahuhulog o kahit ano pa. 

"Tangina." 'Yan pa ata yung unang salitang lumabas sa bibig ko.

"Miss okay ka lang?" 'Yan ata yung mga unang salitang sinabi mo sa akin.

Nagmura ako dahil naiinis ako na nadapa nanaman ako, nagmura ako dahil naiinis akong wala naman akong dala kundi ang bag ko lang pero nakuha ko pa rin madapa, nagmura ako dahil sobrang nakakainis yung araw na 'yun, nagmura ako dahil putangina simula na pala ng paggulo mo sa buong mundo ko.

Diyos ko, Lord. Bakit wala man lang warning?

Naalala ko pa nung huling beses kitang makita.

Nakaupo ako, nakaupo ka. Wala sa isipan ko na hahantong pala tayo sa ganito; na kelangan nating umupo para hindi bumigay ang mga tuhod natin sa bigat na dinadala ng mga puso natin. Putsa, hindi pang star cinema o wattpad yung tagpo na 'to.

Tumingin ako sa iyong mga mata.

Tumingin ka sa aking mga mata.

"Talaga bang ayaw mo na?" 'Yan ata yung mga huling salita na lumabas sa bibig mo.

"Talaga bang masaya ka pa?" 'Yan ata ang mga huling salita na sinabi ko sa'yo.

Wala na akong masabi pa, hindi ko na kayang ilarawan pa ang araw na huling beses kitang nakita basta ang alam ko sa aking isipan, isang tanong pa rin ang naglalaro at ayaw lumisan:

Anong nangyari sa atin?

--

Babala: Maraming feelings 'to. 

Mga KahuluganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon