1

1.4K 47 5
                                    

Una


"Mahal."


Isang salita, pero ang daming kahulugan.


At sa ngayon, hindi ko gusto 'yung kahulugan niya. Tiningnan ko sa mata ang lalaki sa aking harapan. Napataas ang kilay ko sa kanya, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, pero isa lang ang nangingibabaw.


Inis.


"Mahal? Buti nga binibigay ko lang sa'yo ng 150! May mahahanap ka ba sa iba dyan ng ganyan ng presyo? Hindi!" Reklamo ng lalaki sa harapan ko. Siya na nga 'tong nagbebenta, siya pa 'tong kupal. Wala bang rules and guidelines ang mga nagbebenta dito sa palengke na di ka dapat kupal sa mga may planong bumili sa'yo?


"Kuya hindi ako pumasa ng UP para maloko mo lang. Wala pa ngang kalahating yarda 150 agad! Kuya, miske English Studies ang major ko sanay pa rin ako mag math no!!!" Inis kong sabi. Nakakainis akala ba nitong kumag na 'to cute siya? Mas maputi pa kili-kili ko sa mukha niya eh! Naramdaman kong may humihila na ng braso ko. Napatingin ako sa gilid ko.


"Besh, kumalma ka. Agit ka nanaman eh. Maghanap na lang tayo sa iba." Bulong ni Lea sa akin. Hinila na niya ang braso ko at pinilit akong maglakad. Sayang, magsasabi pa sana ako ng final words sa kumag na 'yon.


"Sino ba kasing di kakalma sa gagong 'yun? Akala naman niya maloloko niya ako sa 150 niya sampalin ko kaya siya ng 150 times!"


"Huy. Kahit kalian ka 'no? Parati kang may gustong gyerahin. Kalma." Naglakad na kami ngayon. Sa totoo lang hindi lang naman 'yung kumag na 'yon ang pinagmumulan ng galit ko sa mundo. Ang dami kasing problema, hindi ko na alam kung paano pagsasabayin lahat. Dumagdag pa 'tong roleplay sa isa naming GE.


Tangina sobrang high school lang.


"Nakakainis na kasi eh." Simple kong sagot. Wala, wala na akong masabi. Nakakainis. 'Yun na lang ang lumabas sa bibig ko.


"Tsaka Lea, ang init na oh. Pwede ba bumalik na tayo ng UP, magtatanong na lang ako ng tela sa mga kaibigan ko." Sabi ko sa kanya. Pumayag naman siya. Buti na lang kundi pati siya handa na akong awayin.


Wala nang naging tama sa araw ko na 'to.


Sumikat ang araw, nasilaw ako. Lumubog ang araw, naiwan ako.

Naglalakad. Ilang segundo, ilang yapak, ilang minuto, ilang tao ang nakasalubong, ang lumipas? Hindi ko na alam. Basta, ngayon naglalakad ako. Hawak ang strap ng bag ko, nakatingin sa baba.


"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo."


Napangiti ako. Parating sinasabi 'to sa akin ng mga kaibigan ko. Ginagawa ko naman pero parati nilang sinasabi ito. Siguro dahil nga sa—


"Miss tabi!" Napalingon ako sa aking likuran. Hindi ko alam kung ako ba 'yung tinatawag perobakit ba gusto ko mag-assume. D'yan tayo magaling hindi ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga KahuluganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon