Chapter 67

11K 239 147
                                    

“Tell me, why did you do that?”

Kalmado ang tanong ko but deep inside I'm hurt. I've never thought of her betraying me. She's my partner in crime and twin for Pete's sake!

Akala ko ay wala na siyang balak pa na sumagot. Humarap siya sa direksyon ko at walang bakas ng kahit na anong emosyon ang kanyang mga mata.

“Do I have to answer that?” Balik na tanong niya.

Mahina akong natawa pero hindi rin ito nagtagal. “Sagutin mo na lang ang tanong ko, Olivia. Ikaw lang ang pinagsabihan ko tungkol sa binabalak kong paglayo kasama si Lauren.”

Hindi ako pwedeng magkamali ng iniisip. Dahil matagal nang planado ang lahat, at siya lang ang nag-iisang tao na malapit sa akin ang nakakaalam nito.

“Na-fall ka na rin ba sa kanya? At dahil sa selos ay nagawa mo akong ilag-lag kay Dad.” Hindi ko mapigilan na mag-jump ng conclusion.

Umangat ang right eyebrow niya na tila hindi nagustuhan ang narinig. “So ano ang gusto mong palabasin huh? Ikaw ang victim rito?” Mabilis ang mga lakad na lumapit siya sa akin. Huminto lang nung magkaroon ng dalawang hakbang sa pagitan namin. “Zian, kung victim lang ang pag-uusapan? Sina ate Ziljan at Lauren na yon. Victim sila ng selfishness mo.” Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagdiin niya sa huling dalawang salita.

“Paano naging selfishness yon? Gusto ko lang naman siya makasama.”

Naningkit ang mga mata niya. “Pero hindi rin dapat rason yan para lokohin mo ang dalawa.”

Gusto kong magsalita para depensahan ang sarili pero, pinili ko na lang ang manahimik.

“Zian, you were hired as personal bodyguard and accomplish the mission to bend her straight background. Nothing else.” Mahina pero may diin na paalala niya. “Pero anong ginawa mo? Kinausap mo si Tita Lorraine para baguhin ang kasunduan nila ni Dad. Sa simula pa lang tutol na sina Mom, Dad at Tito Marco nung mag-volunteer ka pero, si ate Ziljan lang ang pumayag.”

Huminga muna siya ng malalim bago ulit nagsalita.

“Kung iniisip mong inilaglag kita dahil sa jealousy then nagkakamali ka. Para rin sa kaligtasan niyong dalawa ang ginawa ko. At h'wag mo rin kalimutan na si Lauren lang ang nag-iisang anak at heiress ng mga Ruiz. Ipapahamak mo lang siya kung ipagpipilitan mo pa rin ang mga gusto mo.”

Tumalikod siya at nagpaalam na aalis na dahil dumaan lang siya rito para makausap si Dad.

Napapikit ako nang makalabas na ng silid si Olivia, at nagmulat lang nung mag-recall sa isipan ko ang mga sinabi niya. Pero kahit na ganon pa man, kailangan kong makaisip ng paraan para makalabas dito. Hindi ako papayag na manatili rito at walang gawin.

Natigil ako sa iniisip nang makarinig nang tatlong katok mula sa pinto.

“Miss Zian, pinapapunta ka po ni Sir sa office niya.”

Umangat ang gilid ng mga labi ko dahil pwede kong magamit ang pagkakataon na 'to para makatakas.

Bumukas ang pinto at dumungaw ang isa sa bodyguard na nagbabantay sa akin. Walang salita na sumunod ako sa kanila. Mabuti na lang ay nakasuot na ako ng sneakers. Anim silang nagbabantay. Dalawa sa harapan, dalawa sa both sides ko at ganon din sa likod.

Sa dulo ng third floor nila ako ini-lock at ang office ni Dad ay nasa second floor.

Nasa hagdan na kami at dito ako gagawa ng scene. Nang makatapak ang dalawang kasama ko sa second floor, doon na ako kumilos. Hinawakan ko sa braso ang lalaking nakatayo sa right side ko para pagpalitin ang pwesto naming dalawa. Hindi agad sila nakapag-react lalo na ang nasa gitna pa ng hagdan. Itinulak ko ang isa papunta sa lalaking nasa baba at dumagan siya rito. Sunod kong inatake ang nasa left side ko kanina, sinipa ko siya sa sikmura na naging dahilan para mapaluhod siya. Nalipat ang atensyon ko sa isa pang nasa baba at tumalon para masipa sa kaliwang bahagi ng mukha niya.

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon