Chapter 28.1

16.8K 585 32
                                    

Mahigpit na hawak ko ang baril at nakatutok sa ulo niya. Hindi niya ako maiisahan dahil alam ko kung ano agad ang balak niya.

"You better watch out.." I hissed "stop pretending you know who am I even you don't"

"Cool ka rin pa lang tingnan habang may hawak na baril? Pero hindi kita type" she smirked.

Idiniin ko ang baril sa temple niya when she touched Lauren's lips using her index finger. Those are mine.

"Soft skin, soft lips ugh that's my baby girl and i'm craving for her damn gorgeous body"

May isa pang dumating at itinutok ang baril sa kanya. Mukhang natakot na dahil dalawang baril ang nakatutok sa kanya.

"Uh huh? Another personal bodyguard"

Umalis siya sa kama habang nakataas ang kamay. Inayos ko ang damit ni Lauren na bumaba bago siya buhatin.

"F*ck you! Dahil sayo nasisira ang lahat!"

"That's not my problem.. you can drool over her body but you will never taste it" nginisian ko siya kaya mas lalong namula ang mukha niya sa galit. Iniwan namin siyang frustrated

"Thank god, hindi tayo nahuli.." she murmured habang lulan kami ng elevator

"Beatrise, wala ka bang bilib sa akin?"

"Oo na, ang yabang mo talaga and will you stop calling me Beatrise!"

I just gave her a slight smile. Pinagmasdan ko si Lauren, so weak and innocent. That's why she took advange.

"Mukhang, alam ni Jeiden Morales ang tunay na identity mo"

"Yeah pero hindi lahat"

Lumabas na kami ng elevator at tinungo ang sasakyang ginamit namin. Inilapag ko si Lauren sa backseat. Nauna nang pumasok sa passenger side si Bea bago ako.

"Sasabihin ba natin ito kay tito Marco?"

"Marami na siyang pinoproblema, h'wag muna nating dagdagan"

Nagsimula na akong magdrive at hindi maiwasang pagmasdan ang babaeng mahimbing na natutulog sa backseat.

"Nasa harap ang daan hindi sa likod" pang-aasar niya kaya inirapan ko na lang "Zia, masyado kang halata magselos. Alam mo ba yun?"

"Hindi maiiwasan yun.."

"Kaya nga wag pahalata masyado"

"Eh ikaw?"

"Going strong pa rin, bakit?"

"Alam ba ni Lauren na gf mo ang pinsan niya?"

Natawa siya sa tanong ko "nope at tsaka natatawa ako kapag magkasama silang dalawa puro kaartehan ang alam"

Napailing na lang ako bago lumiko sa ibang ruta. Kanina pa sila nakasunod simula pa nung papunta kami sa resto. Dito ko sila dinala dahil walang bahay at katao-tao ang daan na 'to. Puro puno at damo ang nasa paligid.

"Shoot them.." utos ko sa kasama ko

Inilabas niya ang baril at ibinaba ang bintana. Mabilis niyang kinalabit ang gatilyo ng baril niya nang pumantay sa amin ang van at sakto sa sentido nung driver. Hindi naman tinted ang salamin kaya natamaan niya doon. Nagpagewang-gewang ang sasakyan nila hanggang sa tumama sa harang ng bangin at nahulog ang van.

"Oops, karma" takip na bibig na tawa niya

"Good shot.." puri ko

"Thanks, pero wala pa ako sa kalinkingan ng galing mo pagdating sa paggamit ng baril"

Nagkibit-balikat lang ako bago binilisan ang takbo ng sasakyan. Mabilis naman kaming nakarating sa mansion ng mga Ruiz kahit ibang ruta ang dinaanan namin.

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Maddy

"Nakatulog lang siya.." sagot ko bago umakyat ng hagdan

"Bakit di mo sinabi kay Maddy ang totoo?" Tanong niya nang mailapag ko na sa kama si Lauren

"Makakarating kay tito Marco ang nangyari at lalo na kay Tita Lorraine.."

"Geez, but we should tell them the truth"

"Just let me handle everything.." walang gana kong sagot

"Ewan ko sayo.. mauna na ako"

Hindi na ako sumagot at inayos ang higa niya. Napansin ko na masyadong hapit ang suot niya. Pinagmasdan ko siya at nakaka-intimidate ang katawan ng batang 'to.

"Letizia.."

Napalingon ako sa pinto at nakita ko ang naka-cross arm na si Maddy.

"More patience pa.." ngisi niya "ako na ang pagpapalit ng damit niya" naglakad na siya palapit ng closet para kumuha ng pamalit ni Lauren "alam kong hindi lang siya basta nakatulog.. h'wag kang magsinungaling"

Seryoso siyang humarap sa akin at binigyan ako ng tingin na nagbabanta.

"May inihalo sa ininom niyang wine, tutal amoy wine siya"

"Hmm... drugs na naman ba?"

"Pwede"

"Makakaalis ka na"

Naglakad na ako papuntang pinto at nang bubuksan ko na ay nagsalita siya.

"Nakakahalata na si Lauren... kaya mag-iingat ka na sa bawat kilos mo at isa pa bantayan niyo siya ng mabuti"

Tumango na lang ako bago lumabas. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at pinag-iisipan ang sunod na gagawin ko kay Jeiden Morales.

Hindi ko palalagpasin ang ginawa niya...

-----

My Bodyguard Secret Identity [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon