When I was a child, I dreamed the world to be better by people not having emotions. Emotions are the reason why people go insane. Jealousy can make you do things that you don't want to. Excitement can ruin the fun that you're expecting. And love can transport you to another world. You enter a state of mind comparable to hallucination in which you start thinking and imagining things that have nothing to do with reality!
In short, Emotions can ruin one person's life in an instant.
Hawak-hawak ko ang isang matalim na gunting habang nakatingin sa salamin.
What have I done to myself? I blame my curiosity, my emotions! It was discovered that when we try to do new things, our epistemic curiosity, in particular, follows the courses of the reward of dopamine, which is this neurotransmitter connected with pleasure in our brains.
Gusto ko lang naman gayahin ang bangs ni Janette.
"Diyos ko! Anong nangyare sa buhok mo?!" Bungad kaagad ni Manang Tes pagkababa ko ng hagdan. Kaagad akong sumimangot at hinawakan ang buhok ko at hinaplos-haplos 'yon. I once saw Janette cutting her hair. She told me that it is called "wolf cut" that you don't need to go to a parlor shop to do it.
Kaya ginawa ko naman kahapon mag-isa, naging resulta ay hindi pantay ang buhok ko sa likod at harapan. Yung bangs ko naman ay nasobrahan sa gupit sa may gitna. Naglagay nalang ako ng mga clips sa gilid para hindi masyadong sumagabal ang buhok ko sa mata ko.
Hindi na ako tinanong ni Manang Tes nang makita niya ang itsura ko, inayos niya nalang ang lunchbox ko, tahimik nalang akong nagpa-salamat nang kinuha 'yon bago sumakay sa kotse. Nakikita ko pang tinitingnan-tingnan pa ako ni Kuya Tony sa rear-view mirror kaya siniksik ko ang sarili ko back seat.
"Thank you po, Kuya Tony. Ingat po kayo pabalik." Sabi ko nang makadating na kami sa harap ng Abella. Kinuha ko ang bag at sinabit 'yon sa balikat ko bago ko hinawakan ang door handle at buksan 'yon.
Dali-dali akong pumunta sa classroom namin, malayo palang ay naririnig ko na ang ingay nina Yohan, Caleb at Eman. Kumatok muna ako sa pinto bago ko ito binuksan. Napatigil ang lahat sa mga ginagawa nila at tumingin sa akin. Kaagad naman akong ngumiwi.
Napatigil si Ava sa pagsasakal kay Yohan at natahimik ang paligid ng ilang segundo bago natumba si Eman sa upuan niya at si Anthony naman ay nabuga ang tubig na iniinom niya sa mukha ni Caleb.
Tinakpan ko ang mukha ko at binagsak ang sarili ko sa upuan. Rinig na rinig ko ang malakas na tawa nina Anthony habang nakatingin sa akin.
"Ganda naman! Mukha kang gambare gambare senpai!" Panga-asar ni Anthony at hinawakan ang buhok ko kaya pinalo ko ang kamay niya.
"Anthony, huwag mong asarin." Saway naman ni Caleb na hanggang ngayon ay basa pa din ang mukha, lumapit siya sa table namin at tiningnan si Anthony ng seryoso bago tumingin sa akin. Tinanggal niya ang kamay ko na tumatakip sa sarili ko para hawakan ang pisnge ko.
Napakurap ako ng ilang beses bago magsalita si Caleb, "Isang arigato naman diyan."
Napasimangot ako at tinanggal ang hawak niya sa pisnge ko. Kaagad naman silang tumawa ni Anthony at nagpapaluan pa nga sa balikat habang tinuturo-turo ako. Buti nalang at pumagitna si Janette at binatukan silang dalawa.
Ang hilig nila ako pag-tripan! Pag nakikita nilang naiinis ako ay mas lalo silang tatawa! Comfort zone ba nila makita akong naiinis sa mga katarantaduhan nila? Sabi pa sa akin ni Eman no'n ay sobrang nakaka-proud daw sa kanila na makitang naiinis ako. Wow, achivement?!
BINABASA MO ANG
The Love Theory
Teen FictionSTE SERIES #1 In her sixteen years, Inoko was all alone. She grows up thinking that everything that surrounds us has a scientific explanation behind it. There's a lot of things she doesn't understand, and one of them? The concept of love. Is love a...