Chapter 1
“Hala! Lumilindol!” Bigla akong naalimpungatan mula sa pagkakahimbing ko. Napaupo ako bigla sa higaan ko at kumapit sa gilid ng double deck kasi baka bigla na lang akong tumilapon dahil sa lindol.
“Oohhh…” Narinig kong umungol ang kasama ko sa room. Nagising din ata dahil sa lindol. Grabe ang malas ko naman. Unang gabi ko sa Maynila nilindol kaagad ako. Bad omen ba yun? Dapat bang hindi na ako pumunta dito? Sinasabi ko na nga ba na dapat sinunod ko na lang si Lola. Hindi na ako dapat pumayag nung niyaya ako ng pinsan ko na dito na sa Manila maghanap ng trabaho. Dapat nakuntento na ako sa probinsiya. Kita mo ngayon minamalas na kaagad ako. Hindi lang pala ngayon. Simula nung paalis pa lang ako sa amin minalas na ako.Limang oras na nadelay ang flight ko kasi daw nagkaroon ng traffic sa runway. May ibon na pumasok sa engine ng isang eroplano kaya nagkadelay delay ang mga flight. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ibon lang ay nahihirapan na sila.
Nung makarating naman ako dito sa Maynila, hindi ako nasundo ng pinsan ko kasi may rush daw sa opisina nila kaya pinasundo niya ako sa isang pinsan namin na lalaki at 9PM na kami nakarating sa boarding house ng pinsan namin na si Lance. Mabuti na lang talaga at nagkataon na walang umuukupa sa taas ng isang double deck kaya doon niya ako pinatulog bago siya sa umalis para sa call center job niya. Night shift kasi siya. Bukas na lang daw ako susunduin ni Lisa sa boarding house nila Lance.
Pagkahiga na pagkahiga ko kanina sa higaan nakatulog agad ako dahil na rin siguro sa sobrang pagod at stress. Akala ko, katapusan na ng kamalasan ko sa araw na yun pero mukhang hindi pa pala kasi ito ngayon at lumilindol.
Diyos ko wag niyo naman akong ipahamak dito sa Maynila. Madami pa akong pangarap sa buhay.
Huminga ako ulit, nag sign of the cross at nagsimula nang manalangin sa lahat ng santo. Gusto kong bumaba sa double deck kaso hindi ko pa kabisado ang hagdan at baka mahulog pa ako.
“Ouch!” Nagising na nga ata ang roommate ni Lance. Babae ang roommate ni Lance? Grabe talaga dito sa Maynila, pwede na sa iisang kawarto ang mga babae at lalaki.
“Sorry. Did I hurt you?” Nanlaki bigla ang mga mata ko. May lalaki din?
“Dahan dahan lang please.” Sabi ulit ng babae.
“Sorry sorry. I’ll be gentle baby.” Malambing na sabi naman ng lalaki at humina ng kunti ang lindol. Hindi lang nanlaki ang mga mata ko, napanganga na rin ako at lalong humigpit ang hawak ko sa gilid ng higaan. Hindi lang mga santo ang natawag ko kundi pati ang pangalan ni Virgin Mary.
Then lumakas na naman ang lindol kasabay ng paglakas ng mga ungol, halinghing, impit na sigaw at kung ano ano pa.
“Ohhhh my God SP!!” Sigaw ng babae. Omaygahd talaga! Napapa omaygahd na rin ako.
“Faster! Faster! Harder” Nanay ko po! Nag sign of the cross ulit ako ng paulit ulit. Paano kasi parang sinasaniban ng masamang espiritu ang dalawa na nasa ibaba ng double deck.
“Yeah, baby.” Tinakpan ko na ang tenga ko ng unan pero naririnig ko pa din sila habang lalong lumalakas ang lindol. Natatakot na tuloy ako na baka masira ang double deck.
“Im com…ming…ahhhh.” Juskolord. Take me now!
Pakiramdam ko titilapon ako dahil sa lakas ng uga ng double deck. Nagdududa na tuloy ako sa tibay kahit na nga ba gawa sa kahoy at mukhang makapal naman kanina nung tingnan ko.
“I’m coming again.” Again? Second coming na ba? Sumigaw ang babae and the guy grunted. Tapos biglang tumigil ang lindol. Ito ba ang sinasabi nilang calm before the storm. Katapusan na ba ng mundo?
“I love you SP.” Malambing na sabi ng babae.
“I love you too babe.”
Ilang saglit na katahimikan. Lalong humigpit ang hawak ko sa gilid ng higaan, hindi ko napansin na nakabalot na pala ako ng kumot at ang unan ko nakatakip na sa mga mata ko.
Naramdaman ko na may tumayo.
“Saan ka pupunta?” The girl whined. Clingy agad?
“I’ll just wash up. Do you want to take a shower?”
“Mamaya na. I’m still sore.” Paano hindi magiging sore, kung makapagrequest ba naman ng faster at harder parang mauubusan.
“Okay babe.”
May naglakad papuntang banyo.
“Aray.” Sabi ng lalaki.
“Bakit baby?”
“May nabangga akong bag. Nagkalat na naman si Lance.” Kung di ba naman kasi tanga. Hindi man lang binuksan ang ilaw. Kulang na lang na sabihin ko yun pero hindi ko ginawa. Sa hindi ko alam na dahilan, natakot at nahiya ako na malaman nila na narinig ko ang lahat ng mga ungol nila. At ako pa talaga ang nahiya. Ako na nga itong na corrupt ang pag iisip, ako pa ang may ganang mahiya. Pero kasi, ako naman talaga ang intruder.
Nakita ko mula sa ilalim ng manipis ko na kumot ang pagbukas ng ilaw sa banyo then ang lagaslas ng tubig sa shower.
Siguro naman matutulog na sila. Napabuntonghininga ako ng mahina at pinilit na hindi gumalaw. Natakot ako na baka mapansin ng babae sa ibabang na may tao sa itaas niya. I mean not that she would mind kasi kanina nga may tao din sa taas niya at pinatungan pa siya pero mukhang sarap na sarap siya pero mabuti na yung nag iingat.
Napapaidlip na ulit ako nung marinig ko ang mahinang pagsara ng pinto ng banyo at ang paggalaw ng higaan sa ibaba dahil siguro nahiga na ang lalaki.
Ilang minuto ding tahimik at nagpasalamat ako dahil mukhang makakatulog na ako ulit that is kung di ako babangungutin ng mga narinig ko.
I close my eyes and pray para mabigyan ako ng mahimbing na tulog. Mamaya pa, naglalakbay na ang kaluluwa ko sa dreamland pero agad ding bumalik nung makarinig ako ng hagikgik.
What the! I silently grunted.
“SP!” Sabi ng babae na may kasamang impit na tawa.
“Wag dyan. Nakikiliti ako dyan!” I rolled my eyes. Unti unti nang bumabangon ang inis sa dibdib ko. Unti unti ko na ding nakalimutan kung nasaan ako at bisita lang ako sa boarding house na ito at nakikitulog lang. Napapasukan na ng demonyo ang utak ko dahil sa kademonyohang pinaggagawa ng dalawa sa ilalim.
“Eh di alisin natin ang lahat ng kiliti mo.”
Tumili at nagtatawa ang babae pero maya maya pa, hindi na tawa at hagikgik ang naririnig ko kundi ungol.
“Oohhhh SP..gusto ko na ulit.” Ay ang landi. Langya. Mapagod naman kayo oy! I wanted to shout but stop myself.
“Ako din gusto ko din.” Isa pa to. Tapos nakarinig ako ulit ng mga ungol.
I bite my lower lip but it was not enough. Hindi ko napigilan ang sarili ko na magsalita.
“Ako! Hindi ko na gusto!” I loudly said.
BINABASA MO ANG
More Than Fiction
HumorMore Than Fiction A battle between fiction and reality. A battle between a fiction becoming real and reality becoming fiction. Which side are you?