Chapter 2
Biglang tumigil ang nagbabadyang lindol. Napahinga ako ng malalim at maya maya lang nabalot ng liwanang ng buong kwarto.
“Sino ka?” Unti unti kong inalis ang kumot at unan na nakatakip sa mukha ko at sumilip sa nagsalitang penis este lalaki na base sa narinig ko kanina ay nagngangalang SP.
Napapikit ulit ako nung nakita kong nakasuot lang siya ng boxer shorts habang nakapameywang na nakaharap at nakatingala sa akin.
“Ako?” Tinuro ko pa ang sarili ko.Tuluyan na akong naupo sa may higaan ko.
“Ay hindi po. Ako po. Sino po ako?” Inis at naiinsultong sabi niya. “Siyempre ikaw! Pambihira naman.”
“Ako lang naman ang taong naeskandalo dahil sa mga ungol niyo at nagising dahil sa lindol na ginawa nito. At ikaw wala kang pakundangan. Hindi ka man lang namili ng lugar!” Talak ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin at nakakunot ang noo. Maya maya pa, itinaas niya ang isang kamay niya, signalling me to stop.
“Teka lang ha, sa huling pakakaalala ko, apartment namin to. Sa pagkakaalala ko rin isa ako sa nagbabayad sa kwartong ito at sa hinihigaan mo. Sa pagkakaalala ko pa hindi kita kilala kaya sino ka at bakit andyan ka.” Ay! Oo nga pala. Bisita pala ako dito at natutulog lang. Medyo nakalimutan ko yun dahil sa shock na naranasan ko.
“Sa pagkakaalala ko din pinatulog ako dito ng pinsan ko hoping that I will have a goodnight sleep and could sleep peacefully only to be disturbed by your…your… indecent actions.” Mataray pa din na sabi ko. Huli na para magpakabait. Natarayan ko na, lubos lubusin ko na lang.
“Aba aba aba! Bumaba ka nga dyan at dito tayo mag usap. Ikaw pa ngayon ang galit , nakikitulog ka na nga lang!’
“Yun nga nakikitulog lang ako, pero may nakuha ba akong tulog? Wala!”
“So kasalanan ko?” Tinuro pa niya ang sarili niya na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig.Tumaas naman ang kilay ko.
“Ay hindi! Kasalanan ko kasi kusa kong inuga ang higaan at kusa akong umungol para lang magising!” Puno ng sarkasmo ang pagkakasabi ko.
“Pilosopa ka ah.”
“Bakit ikaw hindi?”
“Bumaba ka dito.” May halo nang banta ang boses niya pero hidni ako natitinag at hidni ako papatinag.
“Ayoko nga. Ayokong makipag usap ng matino sa taong naka boxer. Malay ko ba pati ako manyakin mo. Manyak!” Pero ang totoo, natatakot akong baka sakalin niya ako pag nasa baba na ako. At least, pag siya ang umakyat pwede ko siyang sipain agad sa mukha. Strategist ata ako.
“Aba talaga naman! Bumaba ka!” Umismid ako sa kanya.
“Ikaw ang umakyat!” Matigas na sabi ko. Over my gorgeous and sexy dead body. Ayaw kong bumaba.
“SP tama na.” Narinig ko ang boses ng babae. Napatingin si SP sa babae at biglang lumambot ang kaninang galit na mukha.
“Yan kasing babaeng yan….”
“Ano ako ha? Kasalanan ko ba na may taong katulad mo na mahalay at makasalanan?”
“Makasalanan?”
“Bakit hindi ba? Hindi ba kasalanan yang ginawa niyo? I’m sure d pa kayo kasal. You’re doing premarital sex and it’s a sin. Ni hindi mo nga ata gf yang ka sex mo. Bakit girlfriend mo ba yan?” Sabi ng Mama ko dati, minsan, pigil pigilan ko din daw ang bibig ko dahil baka ito ang ikakapahamak ko. Pero minsan kasi hindi ko talaga mapigilan.
Katulad ngayon, hidni na dapat ako nakialam sa kung anuman ang relasyon nilang dalawa.Hinintay kong sumagot ang isa sa kanila para ipamukha sa akin na may relasyon sila pero walang nagsalita.
BINABASA MO ANG
More Than Fiction
HumorMore Than Fiction A battle between fiction and reality. A battle between a fiction becoming real and reality becoming fiction. Which side are you?