"Ahmm….. Ki-King p-pwede ba kitang maging pa-partner sa Valentines Day Ball?" PaUtal-Utal na tanong ni Chelsea. Nahinto sa pagwawarm-up si King at tumawa. "Miss Ano, Are you serious? Or are you out of your mind?" Sabi nito habang hawak ang tiyan at tumatawa. "Miss you’re not my type Miss, your too unattractive and too plain. So will you look for another partner?" Tumalikod agad ito habang tumatawa.
Parang may matalim na bagay na sumaksak sa puso niya, hindi niya inaasahang sasabihin yun ng lalaking iniibig at sinasamba niya. Labis na nasaktan si Chelsea sa mga narinig niya na dahil dun gusto na niyang magbigti o mag suicide sa oras na iyon. "Ang sakit palang mareject ng taong pinakamamahal mo." sabi nito.