First Encounter

5 1 0
                                    

"𝘚𝘰𝘮𝘦𝘵𝘪𝘮𝘦𝘴, 𝘺𝘰𝘶 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘤𝘢𝘯'𝘵 𝘨𝘦𝘵 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘢𝘯𝘵, 𝘣𝘶𝘵 𝘪𝘵 𝘥𝘰𝘦𝘴𝘯'𝘵 𝘮𝘦𝘢𝘯 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘤𝘢𝘯 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘪𝘵. 𝘌𝘷𝘦𝘳𝘺𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘬𝘦𝘴 𝘱𝘭𝘢𝘤𝘦 𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘳𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘵𝘪𝘮𝘦." — 𝘜𝘯𝘬𝘯𝘰𝘸𝘯


"Dalian mo na nga diyan, sayang ang oras!" sigaw ni Ante Elizabeth.


Tsk, si Ante talaga. Siya 'tong hinihintay ko, kanina pa siya sa salamin tumitingin. Gusto niya daw maging kamukha si Sasha Padilla. Alam kong malayo mangyari yun kasi may katabaan si Ante, pero may kunting curve din naman siya sa baywang. Maputi ang kanyang balat dahil may lahi daw kaming intsik. Nasa 40+ na si Ante Elizabeth, single na negosyante. Pero sabi ni Ante may mga naging boyfriend siya before pero hindi siya pumapayag pag-inaalok siya ng kasalan kaya ito siya ngayon, single and beautiful daw-- motto niya sa buhay.

"Hay nako nawawala na naman ang pabango ko, eh dito ko lang naman iyon inilagay", dagdag ni Ante Elizabeth habang ginuguhitan ang kilay niya. 

"Aba ewan ko, dadalawa lang tayong nakatira dito sa bahay, at tiyaka hindi ko type yung pabango mo Ante ha!" wika ko. Ganito talaga ang eksena sa bahay tuwing umaga. Suklay, eyebrow, lipstick, at pabango ang kadalasang hinahanap ni Ante pero maya-maya'y mapapansin lang niya na nasa harapan lang pala niya 'to.

Nauna akong lumabas para tingnan kung andiyan na ba si Mang Nicanor-- ang tricycle driver na sinusuhulan ni Ante para ikarga ang mga paninda namin. 

"Hija ikakarga ko na ba ang mga paninda niyo?"

Nagulat ako kasi nasa likuran ko lang pala si Mang Nicanor. Nasa 50+ na siya, medyo may kaputian na ang buhok pero kumakayod pa rin para sa kanyang sampung anak. Mabait at maasahang kapitbahay si Mang Nicanor lalo na ang kanyang maybahay na si Aling Lilita. Matagal ng magkaibigan ang mga pamilya namin. Lima sa mga anak ni Mang Nicanor ay may mga sarili ng pamilya pero kahit ganu'y sa kanila pa rin umaasa ang mga ito. Ang natirang lima naman ay nag-aaral pa. 

"Tay nakalimutan niyo po ang tubig niyo" sabat ni Larry, ang ika-walong anak ni Mang Nicanor. Labing-pitong taon na siya, kaedad ko lang, at tinuturing kong matalik na kaibigan. 

"Kiara sabay na tayong pumasok" aya niya. Tumango lang ako at tinawag si Ante para sabihing andito na si Mang Nicanor. Tumulong ako para ikarga ang mga panindang medyas, cellphone casing, at iba pang mga paninda na abot bulsa lang. 15 years na si Ante sa negosyong ito. Araw-araw kaming gumigising ng umaaga para i-display ang mga paninda niya sa palengke. Tutulong ako kay Ante para ayusin ang mga gamit niya at pagkatapos 'nun ay pwede na akong pumasok sa skwelahan kasabay si Larry.

"Wala naman tayong assignment ngayon 'no?" tanong ko kay Larry. Napaisip si Larry at tumango. Hala may assignment pala kami ngayon?! Nakalimutan ko na naman. Tumingin ako kay Larry at ngumiti. Kailangan kong makakopya kundi lagot ako. 

"ahem" umubo ako kaya napatingin si Larry. May katangkaran ito at makisig ang katawan. Tahimik na tao si Larry at medyo mailag sa ibang tao, well except sa'kin kasi simula pagkabata ay close na kami kasi palaging bumubisita si Aling Lilita sa bahay namin ni Ante para maglaba. 

"Anong subject nga 'yun? m-madali lang naman siguro 'no? hehe" ganto ginagawa ko pag may nakalimutan akong assignment. Si Larry ang palaging to-the-rescue lalo na sa math. Bahagyang ngumiti si Larry. Yes! pakokopyahin niya ako.

"Ano kasi Kiara...hindi mo pwedeng kopyahin ang assignment na ito kasi own opinion mo lang dapat" wika ni Larry habang nakakamot sa kanyang batok. Patay!

Broken PiecesWhere stories live. Discover now