Touch

2 1 0
                                    

𝘔𝘢𝘺𝘣𝘦 𝘐 𝘸𝘢𝘴 𝘥𝘦𝘴𝘵𝘪𝘯𝘦𝘥 𝘵𝘰 𝘧𝘰𝘳𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘧𝘢𝘭𝘭 𝘪𝘯 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘱𝘦𝘰𝘱𝘭𝘦 𝘐 𝘤𝘰𝘶𝘭𝘥𝘯'𝘵 𝘩𝘢𝘷𝘦. 𝘔𝘢𝘺𝘣𝘦 𝘵𝘩𝘦𝘳𝘦'𝘴 𝘢 𝘸𝘩𝘰𝘭𝘦 𝘢𝘴𝘴𝘰𝘳𝘵𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘧 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘴𝘴𝘪𝘣𝘭𝘦 𝘱𝘦𝘰𝘱𝘭𝘦 𝘸𝘢𝘪𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳 𝘮𝘦 𝘵𝘰 𝘧𝘪𝘯𝘥 𝘵𝘩𝘦𝘮. 𝘞𝘢𝘪𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘦 𝘮𝘦 𝘧𝘦𝘦𝘭 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘢𝘮𝘦 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘴𝘴𝘪𝘣𝘪𝘭𝘪𝘵𝘺 𝘰𝘷𝘦𝘳 𝘢𝘯𝘥 𝘰𝘷𝘦𝘳 𝘢𝘨𝘢𝘪𝘯.



"I'm Dominic S. Ravier, 18 years of age"

Tsk. Hindi bagay sa mukha niya ang pangalang Dominic.

"Nagagalak kaming maparito ka sa aming seksyon Mr. Ravier. Maari ka ng maupo katabi kay Mr. Rodriguez" wika ni Maam Angelita habang tinuturo ang bakanteng upuan sa tabi ni Larry.

Post-pone daw ang meeting nila Maam Angelita kaya may klase kami ngayon. Dagdag problema pa dahil kailangan ko pang magsulat muli ng sanaysay dahil pinunit iyon ng lalaking kamag-anak si Lucifer.

Tumunog ang bell senyales na tapos na oras ni Maam Angelita at kailangan na naming mag-prepare para sa susunod na subject.

"Pst." Napatingin ako sa likuran ko. Nililigpit pa ni Shaira ang notebook niya.

"Balita ko pinatawag ka daw ng principal, ano bang nangyari ha?" tanong niya sakin. Dalawang taon ko ng kaklase si Shaira at medyo close na kami. Palagi niya akong nililibre at pareho kaming mahilig magpainting. Nababuntong hininga ako at napatingin sa direksyon kung saan nakaupo si Dominic. Naka-headset ito at straight lang ang tingin.

"Hoy! Sinong tititingnan mo?"

Nakalimutan kong tinatanong pala ako ni Shaira. Sinundan niya ang tingin ko at napangiti siya.

"Crush mo 'yung bago nating classmate 'no? ayiee" pang-aasar ni Shaira. Gusto kong sumuka sa sinabi niya.

"Kadiri" tipid kong sagot at binalik ulit ang atensyon ko sa harapan. Tumayo si Shaira at umupo sa lamesa ko. "Ano ba kasing nangyari kanina sa hallway? Narinig ko ang pangalan mo sa mga estyudanteng andun" wika niya.

Pinakita ko ang sapatos kong butas-butas. "Paano nangyari yan?" gulat niyang tanong.

"Nilaslas lang naman gamit ang cutter. Alam moba sinong may gawa? Yung transferee"

Napabuka ang bibig ni Shaira. "No way, ang gwapo niya para maging bayolente" saad niya pa.

Porket gwapo impossible na magawa ang bagay na 'to.

"Unfair nga eh kasi damay ako sa punishment. Hindi man lang ako pinakinggan ni Maam Zulueta dahil kararating lang daw ng gung-gong na iyan dito"

Kumuha ako ng isang blankong papel at nagsimulang magsulat ng essay ko. Tatlo kaming pinagbigyan ni Maam Angelita para isumiti ang assignment hanggang lunch time lang. Pero dahil late comers ang mga papel namin ay babawasan niya lang daw ito ng limang puntos para maging fair sa mga naunang nag-submit.

[Canteen]

"Ate pabili po ng dalawang gulaman"

"Isang bote ng mineral nga"

"Hijo kulang ang pera mo"

Nasa canteen na kami ngayon at kumakain. Recess time kaya napaka-ingay ng mga estyudanteng nagtutulakan para magka-unahan sa counter. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahagip ng mata ko si Dominic. Kalmado lang ang mukha niya. Tsk.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Broken PiecesWhere stories live. Discover now