Prologue

28 0 0
                                    

Nakakatawa talaga ang love. As in. Hahaha! Isa itong napakalaking…hindi ko nga maintindihan. Basta lahat ng pwede mo masabi tungkol dito, baliktarin mo man ay totoo pa rin.

Ang labo di ba? Pero ang linaw.

Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Hindi mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang dahilan. Maraming dahilan. Hindi mo na kaya pero kaya pa rin. Masakit magmahal. Pero ayos lang. Leche, ano ba talaga?!

Sabi ng kaibigan ko noon “Stupid people are the ones who fall in love.” Nakakatawa kase seryoso siya nung sinabi niya to sa’kin. Pero dumating ang panahon at na in-love din ang hunghang. At yun, tanga na siya ngayon. Capital T-A-N-G-A. Lahat kasi ng nakakaramdam ng love ay nagiging…ano nga ba? Nakaramdam ka na rin ba ng LOVE? Kung oo, masasabi mo bang tanga ang sarili mo?

Hindi mo masagot no?

Oo na kase! XD

Basta ang alam ko, kaya nitong baguhin ang isang tao. Trust me. Totoo ang mga sinasabi ko! Lahat ng malalandi, MALANDI pa rin! Juk lang. Ang mga malalakas, humihina. Ang mayayabang, marunong nang magpakumbaba. Ang mga walang pakialam, eh nangingialam na. Ang mga matatalino, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya. Ang mga may PUSONG-BATO, lumalambot!

Nakakatawa talaga. Hahaha! Eto na naman tayo sa tawa eh. Pero nakakatawa naman talaga. Lalo na kapag dumating ang love sa taong ayaw na talagang magmahal. Ha! Nahalata ko na eh. Kung gusto mo lang ma in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words. Gusto mo, isigaw mo pa. “AYOKONG MA IN-LOOOOOOOVE!” At poof! Ayan na siya. Bigla na lang susulpot at mang-aasar. Magpapaasar ka naman.

Eto pang nakakatawa. Pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo. APIR! Pero pag problem mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo duuuuuuun sa taong namomroblema. Naisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama?

Ibang klase rin naman yung mga taong tinamaan ng pana ni kupido. “Ngayon ko lang naramdaman to. Ang saraaaap mabuhay. Pwede na akong mamatay. Now na!” Er? Parang baliw lang.

At hindi lang yun. Ang sarap ding pagtawanan ang mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh go pa rin ng go. Shunga lang te?

Ano nga ba ang LOVE? Ang gulo talaga. Pramis. Gulong-gulo na talaga ako!

Pero gusto mo ba talagang malaman kung anong ibig sabihin nito???

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Is...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon