Chapter 2

233 7 0
                                    


Chapter 2:

"Feliana! Oy nasan kana? kanina pa ako naghihintay dito?!" ani ko, kausap ko ngayon ang best friend ko sa telepono. May usapan kami na magkikita sa mall 2:00 ng hapon tapos hanggang ngayon wala parin? Eh magkakalahating oras na ako rito sa restaurant

"Wag kang high blood friend OTW na me, atsaka Anong Feliana? Ianna girl! Ianna!" sigaw nito

"Ewan ko sayo, at Anong OTW, on the wouse? (house)"

"Hindi noh, oh ayan na! papasok na ako!" Aniya

"Mabuti naman!" Sagot ko

Plano kasi naming magshopping at bumili ng dress para sa birthday ni Tita Rihanna, syempre imbitado rin sya. Pupunta nga rin sana sina Mommy pero may business trip sila ni dad kaya ako nalang

"Hi girl!" napalingon ako sa likuran ko

"Oh? Akala ko ba papasok ka palang e bat nandito kana?" tanong ko sa kanya, ang bilis naman nya eh.. Nasa third floor ako

"papasok sa restaurant, ano kaba. Ano ako nagteleport?" walang hiyang sagot nya

"Ewan ko sayo, Feliana" tiningnan naman ako nito

"Bakit ba puro ka Feliana, Ianna nga. Masyado namang makaluma yang Feliana, bakit kasi Feliana ipinangalan ni Mommy sakin.. Hi di bagay sa magandang mukha ko" inis na sagot nito, kita mo tong babaeng to

"Oo na IANNA, umorder kana, peste ka pinahintay mo ko ng matagal" ako

"Hahaha! sorry na girl, don't worry sagot ko ang bill ngayon" mabuti naman

Umorder na kami at Maya Maya pa'y dumating na yung waiter na may dalang pagkain

"Hii! kuya, salamat! Anong name mo pogi?" nanlaki ang mata ko sa tinanong ng kaibigan ko

"Ano ka ba?!" pasinghal kong bulong sa kanya

"Ah kuya sorry, ah thankyou" sabi ko tumango lang ang waiter at ngumiti samin bago umalis

"Ano yun? Gosh Hindi kaba nahihiya?" tanong ko,

"Bakit naman ako mahihiya, sa ganda kong toh?" Inirapan ko naman sya sa isinagot nya

Marrying the Girl I Hate the Most(Under Revision)Where stories live. Discover now