GRAVEYARD SHIFT

11 1 0
                                    

†   PROLOGUE    †

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

†   PROLOGUE    †

Ayon sa mga sabi-sabi ng mga tao dito, convinience store daw ang kadalasang binabahayan ng mga ligaw na kaluluwa. Dito raw kasi pumupunta ang mga tao pagkatapos bumisita ng lamay o ng sementeryo, at dahil dito ay naiiwan ang mga ligaw na kaluluwang sumusunod sa kanila sa convinience store. Nakikita mo raw sila sa mga malalaking convex mirror ng tindahan, o kaya magpaparamdam sa mga shelf ng tindahan. Naniniwala ka ba?

*****

"Salamat po," pangiting pamamaalam ko sa isang customer na bumili ng isang condom at junk foods. Netflix and chill yata ganap nito.

Paglabas niya sa sliding door ay nakita kong may lumapit na babae sa kaniya at saka inakbayan ito. Sweet naman, sana mabutas rubber niyo.

Bumuntong hininga na lang ako at napatingala sa flourescent bulb na nasa kisame. Mag-aalas dose na ng hatinggabi, isang oras na lang bago matapos shift ko ngayon dito sa isang convinience store na malapit sa sementeryo. I know, sobrang weird and creepy ng location nito pero that's where the demographics of this store are. Walang ka-kompetensya ang tindahang to kaya may mga customer talagang bumibisita dito.

Tatlo kaming nandito ngayon at dalawa lang kaming nagtatrabaho ngayong shift na 'to, 'yong isa kasi manager at nasa likod natutulog. Dalawa na nga lang kami ditong nagtatrabaho di ko pa makausap nang maayos 'tong kasama ko. Palagi kasing suot headphone nito. Well, I feel bad kung tatanggalin niya ito. Ang ingay ko pa naman.

Umalis ako sa counter at pumunta sa kwarto, likod lang nitong counter, para uminom. Sobrang dry na ng lalamunan ko.

"Pert, may isang box pa ng canned soda rito. Pakilagay sa shelf!" Pasigaw kong utos sa kasama kong si Rupert na kasalukuyang nagma-mop sa sahig. Suot-suot pa rin niya ang headphone kaya sumigaw ako.

Lumingon din naman siya sa gawi ko kaya napathumbs-up ako kung narinig niya ako. Nagthumbs-up din siya sabay tango kaya halatang narinig niya ako kaya bumalik na ako sa counter.

Tinapik ko ang mga pisngi ko at inayos ang sarili. Isang oras na lang pero walang nangyayari. Siguro swerte ako ngayon.

"Welcome po," otomatikong tugon ko nang marinig ang chime na nakakabit malapit sa sliding door.

Isang babaeng nakablack dress at may suot pang sunglasses ang pumasok. Siguro galing lamay 'to. May sumunod naman sa kanyang bata na medyo gunit-gunit ang damit at may bahid ng tila putik sa mga yapak nito.

Wait...

Hindi yata putik 'yon!

I stared at the footsteps of the child and that's when I realized it's not mud... But blood! Thick reddish black blood!

Oh shit... Here we go again.

Nakita kong tumayo si Rupert at tinignan ang kakapasok lang na babae at sa batang nasa tigiliran lang nito, nakatingin sa babae at bumubulong na parang may sinasabi.

Nanindig ang mga balahibo ko nang dahan-dahang itinabingi ng bata ang ulo habang patuloy na nakatitig sa babae at mabilis na ginagalaw ang bibig na parang may binibigkas na ritwal.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang tatlo — kay Rupert na tuluyan nang ibinaba ang headphone nito, sa babaeng tuloy pa ring kumukuha ng beer sa fridge, at sa batang multong sumusunod sa kanya. Yes po, multo po ang bata. At another yes po, totoo po ang multo.

Ito na nga ba ang sinasabi kong mangyayari. Hindi pa rin narerehistro sa utak ko na totoo ang mga multo, na totoo itong mga nakikita ko ngayon. Ever since that day happened, my life changed horrifically.

"I sensed somethi—"

"Yawa na asong gala!" Napasigaw ako ng wala sa oras nang may biglang nagsalita sa likuran ko! Si Sir Anton lang pala! Nagising na pala 'tong taong ito.

"S-Sir naman wag naman po kayong susulpot nang ganyan. Hihimatayin ako nito," bulong ko habang kapa ang dibdib kong kasinglakas ng tambol ang pitik.

"Masanay ka na," aniya habang inaayos ang sarili. Aba, anong 'masanay ka na'? Anong akala niya sa akin? Basta-basta na lang iwe-welcome ang mga multong 'to with open arms? Nope, under my dead body.

Pasimpleng lumapit si Rupert sa babae dala-dala ang kahon ng canned soda, ini-entertain naman ni Sir Anton ang babae, at ako naman ay hindi alam anong gagawin at nanigas lang sa pwesto ko.

Oh my God, ano 'tong pinasok ko!?

Ayon sa mga sabi-sabi ng mga tao dito, convinience store daw ang kadalasang binabahayan ng mga ligaw na kaluluwa. Dito raw kasi pumupunta ang mga tao pagkatapos bumisita ng lamay o ng sementeryo, at dahil dito ay naiiwan ang mga ligaw na kaluluwang sumusunod sa kanila sa convinience store. Nakikita mo raw sila sa mga malalaking convex mirror ng tindahan, o kaya magpaparamdam sa mga shelf ng tindahan.

Naniniwala ka ba?

Kasi ako oo at hinding-hindi ko ito nagugustuhan!

"Pssst! Nicky!" Bulong ni Rupert sa akin.

Lumunok muna ako ng laway, magsisimula na nga ang literal na graveyard shift namin.

END OF PROLOGUE

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Graveyard ShiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon