Episode 6

0 0 0
                                    

Into The Unknown
Season 3 Ep. 6

Lisa: Istorbo naman to. Gabi na eh.

Binuksan ni Lisa yung pinto...

Lisa: Hoyeon. Key. Anong ginagawa nyo dito?
Key: Nandito kami para singilin kayo sa pagbaby sit namin kay Callie.
Lisa: Seryoso?
Hoyeon: Joke lang. Tinawagan namin sina Jonghyun at Wonyoung.
Lisa: May reunion tayo?
Key: Wala. Namiss lang namin kayo.
Lisa: Pasok.

Pumasok si Key at Hoyeon...

Hoyeon: Asan na yung batang makulit?
Jennie: Tulog na.
Lisa: Nagpaantok sa road trip.
Key: Lisa, may alak ka dyan?
Lisa: Ako pa ba? Gusto mo soju?
Key: Lason ba yun?
Lisa: Hindi. Alak ng Korea. Inuwi ko 😁
Hoyeon: Buti hindi kayo hinarang sa customs.
Lisa: Hindi naman.
Key: Hintayin na natin sina Jonghyun at Wonyoung. Parating na din siguro mga yun.

Hindi nagtagal, dumating na din sina Jonghyun at Wonyoung...

Jonghyun: Bro, namiss ko kayo.
Wonyoung: Asan si Callie?
Jennie: Tulog na.
Hoyeon: Lisa, ilabas mo na yung soju mo. Magluluto lang kami ng pulutan natin.

Nilabas ni Lisa yung soju nya at nagset-up sa patio...

Jonghyun: Bilisan nyo magluto para game na.
Wonyoung: Wag na kasi kayong magluto. Maglabas na lang tayo ng chips.

Naglabas na lang ng chips si Jennie from pantry...

Jennie: Ok na ba ito?

Punong puno ng chips yung hawak ni Jennie na basket...

Jonghyun: Ok na yan. Lisa, baka naman mabitin tayo sa alak mo?
Lisa: Gusto mong makita inimbak ko?
Jennie: Hindi mauubusan yan. Pagdating namin dito sa pinas, naghanap yan ng Korean Store. Inubos nya yung display sa shelf. Pati yung nasa storage room nila.
Lisa: 😅 Baka kasi maubos ako ng stock kaya kinuha ko na lahat.
Key: Grabe ha.
Wonyoung: Game na.

Nagsiupo na sila...

Binigyan ni Lisa ng tig-iisang soju silang lahat...

Jonghyun: Ganito talaga?
Lisa: Oo. Para wala ng serve serve.
Hoyeon: So, kamusta nga trip nyo?
Jennie: Ok naman. May konting sabit pero ok naman.
Key: Sabit?
Jennie: Si Amo. Yang kaibigan nyong magaling. Humalik ng babae sa Korea. Yung hinalikan, kababata ko pa.
Wonyoung: Master? Totoo?
Lisa: 😅 Oo pero ok na kami ni Attorney. Simpleng kiss lang naman yun. Wala na yun.
Hoyeon: Ay nako. Kung si Key gumawa nun, baka mapatay ko pa silang dalawa.
Jennie: Pasalamat nga si Chahee eh. Nakauwi na kami dito sa pinas nung sinabi sakin ni Amo.
Wonyoung: Balikan natin. Ako na bahala sa crime scene.

Nagtawanan silang lahat...

Lisa: Kamusta business mo, Jonghyun?
Jonghyun: Ayun. Dumadami na din yung gas stations na napapatayo ko aroung Luzon. Nag-uumpisa na nga ako sa Visayas eh. After Visayas, Mindanao naman.
Key: Ayaw mong mag-international?
Jonghyun: Gusto. Pero focus muna tayo dito sa pinas. Ikaw, Wonyoung? Anong bago?
Wonyoung: Wala. Same same. Inaaya ako ng NBI na sumali sa Bureau. Ayoko din. Hindi ko mahahawakan ang oras ko dun.
Jennie: Pero atleast, marami kang mahahawakan na kaso. Marami kang matutulungan.
Wonyoung: Pwede. Still, pag-iisipan ko pa.
Lisa: Ikaw, Key? Musta buhay?
Key: Nasa film industry ako. Walang masyadong ganap sa industry na ito kapag ganitong matumal.
Jonghyun: Hindi mo naman na kailangan magtrabaho eh. Sa yaman mong yan, kahit apo siguro ng apo mo, kaya mong buhayin.
Key: Hindi naman. Naswertehan lang talaga dun sa gold mine na minana ng father ko sa lolo ko. Si Hoyeon, gusto nyang magtayo ng law office.
Jennie: Itutuloy mo na yung practice mo?
Hoyeon: Sana. Kaso hindi pwede.
Jonghyun: Bakit naman?
Hoyeon: We are trying to get pregnant. Diba mahirap magconcieve kapag stress?
Jennie: Yup. Yun din yung sabi samin ni Amo.
Wonyoung: Master, kamusta business natin dyan? Balita ko, may award kayo ah. Number 1 Coffee Exporter of the Philippines. Balato naman dyan.
Lisa: 😅 Hindi ko alam yun ah.
Jonghyun: Oo nga. Nabasa ko din yun.
Lisa: Hmmm... Hindi ako nainform. Pero yung business, ok naman. Meron akong pinabili na farm land sa Tanay at La Trinidad.
Jennie: Meron? Hindi ko alam na nagpunta ka ng office nyo.
Lisa: Inutusan ko si Toni. Ngayon, ongoing na yung planting nila ng mga puno. Lumalaki kasi yung demand sa ibang bansa.
Jonghyun: Congrats, Bro. Ang daming mamanahin ni Callie.
Lisa: Di mo sure 😁 Baka sundan na namin si Callie 😁
Hoyeon: Sabayan nyo kami ni Key. Para sabay din silang lalaki. Kapag girl sa inyo tapos boy samin, gagawin natin silang match from heaven.
Key: Ayoko din. Gusto ko, yung magiging baby natin, may free will sya.
Hoyeon: Joke lang naman eh. Jennie, musta naman sa firm?
Jennie: Matagal na akong hindi nakakapasok eh. Tsaka apprentice ko naman si Alex. Sya ang taga handle ng mga case. Kapag may hindi sya kaya or alam, kinoconsult nya sakin.
Jonghyun: Grabe noh? From student's council to club house, ito na tayo ngayon.
Wonyoung: Kaya nga. Naalala nyo pa nung ako yung taga advice ni Master at ni Attorney?
Hoyeon: Oo nga. Full of drama ang college life natin dahil kay Jennie at Lisa.

Nagtawanan sila...

Key: I got to admit. Yung story nyong dalawa yung talagang sinubaybayan ko.
Hoyeon: Full support kami ni Key sa story nyo eh.
Jennie: Thank you. Buti na lang hindi ako sinukuan ni Amo.
Wonyoung: Hindi ka nyan masusukuan, Attorney. Ikaw ang The One nyang si Master.
Lisa: Naman.
Jonghyun: Kapag may nanggulo pa sa relasyon nyo, bubugbugin ko na talaga.

Nagtawanan lang sila at uminom buong gabi...

Lisa: Ang hihina nyo naman. Lasing na kayo. Dito na kayo matulog.
Jennie: Kaya nga. Itatago ko lahat ng car keys nyo para walang makauwi.
Lisa: Hoyeon at Key, sa kwarto na namin kayo matulog. Dun na kami kay Callie.
Jennie: Wonyoung at Jonghyun, mamili na kayo ng room na gusto nyong tulugan. Fully furnished naman lahat ng room.
Hoyeon: Ok ok. Dito na kami matutulog.

Pumasok na sila sa kani kanilang kwarto...

Lisa: Attorney, sundan na natin si Callie.
Jennie: Tumahimik ka. Katabi natin anak mo matulog. Mamaya, marinig nya yang mga sinasabi mo.

Napangiti si Lisa at tinignan si Callie at hinaplos ang mukha nito...

Lisa: Ang swerte ko talaga kasi meron kayo ni Callie sakin. Hindi ko kayo ipagpapalit sa kahit kanino.

Hinawakan naman ni Jennie ang kamay ni Lisa...

Jennie: Love na love ko kayo ni Callie. Kayo ang buhay ko.

Tumayo si Lisa at hinila si Jennie...

Jennie: Saan tayo pupunta?
Lisa: Wag kang maingay. Dito tayo sa carpet matutulog.
Jennie: Bakit? Ang luwang sa bed ni Callie.

Hinalikan ni Lisa si Jennie...

Alam nyo na nangyari...

Next---

Into The UnknownWhere stories live. Discover now