"Anu ba naman Francis! Bakit pa kasi kailangan mong patulan ang mga iyon! Matalino ka nga pero kung makaasta ka akala mo wala kang pinag aralan! Di ka na naawa sa nanay mo. Dapat ikaw ang nag aalaga sa kanya!" Sabay suntok ng mesa na nasa harap ni Francis.
"Chief tama na baka ikaw naman ang patulan niyan." Sabi PO1 Esguerra sabay tingin na nakangisi kay Francis.
Siyempre tumitig din ng masama si Francis. Hindi siya magpapatalo kahit titig e.
"Iwan mo muna kaming dalawa dito at kakausapin ko nga ito!" Asar na asar na sinabi ni Chief e.
"Sige po chief." Biglang alis ng PO1 sabay sara ng pinto. Ngaun dalawa na lang silang naiwan sa interrogation room. Walang bintana pero apat ang cctv sa mga corner ng square room na ito. Actually maliwanag sa loob dala ng malaking florescent bulb.
"Walang tutunguhan ang buhay mo kapag ganyan ka." Sabay hila ng upuang monoblock at umupo si chief katapat si Francis.
Tumahimik ang paligid. Nakatitig lang si chief kay Francis. Pero si Francis nakayuko na lang. Nahihiya siya.
"Kilala kita Francis, hindi ka naman ganyang pinalaki ng tatay mo...papakawalan kita pero sa isang kundisyon. Sa bahay ka titira simula ngayon." Napatingin si Francis kay chief na gulat na gulat.
Namatay ang ama ni Francis dahil sa aksidente. Nabangga ang taxi na minamaneho niya isang araw matapos ang celebration ng highschool graduation ni Francis. Hindi na siya nakapag enroll ng college dahil wala silang pera ng nanay niya.
"Huwag na lang po. Sa bahay na ako uuwi. Walang kasama si mama doon." Sa wakas at nagsalita rin siya.
"Hayaan mo na si mama mo at ako na bahala sa kanya. Alam mo ito na ang kabayaran ko sa utang na loob ko sa tatay mo, wala ako dito kung di niya ako tinulungan noon." Napangiti pero malungkot si chief na sinabi iyon.
Matagal na nawala si chief bago siya bumalik sa lugar nila bilang isang hepe. Pero 2 months pa lang sila ulit nagkita ni Francis, puro away na ang naabutan niya.
Medyo magulo pa ang isip ni Francis pero sumama na rin siya. Nakatitig lang siya sa mga nadadaanan nilang mga punong kahoy. Malayo na sa nakagisnan niyang puro gusali.
"Makisama ka lang sa loob ng bahay. Ako ang bahala sa iyo." Sabi ni chief pero nakatitig pa rin sa bintana ng kotse si Francis. Hanggang sa makarating sila sa isang gate ng village at namangha siya sa nakita. Pero itinago lang niya ang kanyang reaksiyon.
"Mas maganda kung dito ka titira at mailalayo kita sa mga away na yan."
Sunod lang si Francis hanggang sa loob ng bahay. Namamangha siya sa luwang. Pero siyempre tinatago na naman niya ang reaksiyon niya. Dermatologist ang napangasawa ni chief kaya naman may kaya sila. Nauunawaan niya ang pamumuhay ni Francis dahil duon din siya lumaki kasama ang tatay ni Francis.
"Derek." Sabay katok ni chief sa pintuan ng gameroom.
"Bakit dad? Naglalaro pa ako dito e." Galing sa loob ng kwarto ang tinig na iyon.
"Oh andiyan naman pala sa loob. Cge pasok ka na. Punta lang ako kusina.
Kumatok lang si Francis ng dalawang beses sabay bukas ng pinto.
"Pasok ka." Pero nakatitig lang si Derek sa TV habang naglalaro. "Naglalaro ka ba nito?''
Di naman sumasagot si Francis.
Nakatitig din naman sa TV si Derek.
" Shit!. Bakit di namamatay ang boss na yan!!" Bigla siyang napalingon kay Francis at tumayo sabay abot ng kamay. "Derek. Tambay. Hehe."
Nakipagkamay naman si Francis.
"Francis.." Naintimidate siya konti. Halatang mayaman ang itsura ni Derek.
"So kaanu-ano ka ni Dad? Nakangiting tanong ni Derek. Sabay bitaw ng kamay at kinuha ang CP.
"Ah e matalik niyang kaibigan yung tatay ko."
"Hmm ikaw ung kinukwento niya hehe. Pero mukhag di ka naman basagulero. Sabi niya sa akin sisipagin akong mag aral kung andito ka. Tignan mo naman ang sinasabi niya, pano ako sisipagin kung kasama ko basagulero. Haha"Di naman nag rereact si Francis.
"Pasensiya na niloloko lang kita." Sabay tingin sa CP. "Huh!! 6:30 na pala!. Asar naman.!
"Bakit?" Nagtaka si Francis.
"......wala....ok lang siguro." Mahinang salita ni Derek habang nakatitig sa bintana.Sa dining room, si Derek lang at ang chief ang maingay. Pinag uusapan ang kung anu-ano. Tahimik lang ang mommy ni Derek at si Francis.
8:30pm
"Dito ka matutulog. Minsan lang dito may nakatulog nung namasyal ang biyanan ko. Oh eto pantulog." Sabay abot ng pajama at white t-shirt kay francis. "Sige maiwan na kita."
Pumasok na sa kwarto si Francis at sinara ang pintuan. Hindi naman siya nagbihis. Humiga lang siya sa kama. Nag iisip kung ano nga ba ang gagawin niya sa bahay na iyon. At kung ano ang balak sa kanya ni chief. Pero hindi pa naman siya inaantok kaya naisipan niyang lumabas muna. Sa bintana nga lang siya dadaan. Pero nasa first floor naman ung kwarto niya kaya ok lang.
Nadudumihan na ngbuhangin ang sapatos ni francis sa kakalakad sa seashore. Nagmamadali siyang patungo sa may nag bonfire. May party kasing nagaganap.
"Francis!" Gulat na gulat siyang may tumawag sa likuran niya. Si Derek pala. Sinundan siya.
"Bakit ka sumunod dito?"
"Wala lang. Akala ko kasi kung lalayas ka."
"Umuwi ka na kaya baka ako pa pagalitan ng daddy mo." Mabilis pa ring naglalakad.
"haha matanda na tayo pagagalitan pa ba? Tsaka bakit ka pupunta duon sa bonfire? Mayayabang ang mga nandoon!" Sunod din ng sunod.Biglang tumigil si Francis sa paglalakad.
"Tsaka huwag ka diyan dumaan. Dito tayo para di tayo makita."
Tila dalawang spy na nakatago sa mga damuhan ang dalawa habang pinapanuod nila ang mga taong nasa party.
"Sino yung naka red?" Tanong ni Francis.
"Kapit-bahay natin yan. Si Jeric. Bakit mo natanong?"
"Wala lang......uwi na tayo."Biglang tayo at lakad ni Francis. Sumunod naman itong Derek.Pagbukas ni Derek sa pintuan ng bahay nila..
"Saan kayo galing?." Nagulat ang dalawa ng madatnan nila si Chief.
"Diyan lang sa may beach dad. May tinignan lang po."
"May curfew dito. Kung ayaw niyong mahuli kayo ng gwardia. Matulog na kayo." "By the way sa monday mag-eenrol na kayo." Sabay alis ni chief.Mabilis ang mga pangyayari. Lalong di tuloy makatulog si Francis. Hindi pa siya handa sa mga ganoong bagay. Ang mamuhay ng marangya at mag-aral. At paano na ang nanay niya? Hindi naman siya inampon ng Fajardo family kaya pwede pa rin siyang umalis kahit anong oras. Pero ito na ang simulang hakbang upang makaganti na siya sa pumatay sa tatay niya.