Adjustment

3 0 0
                                    

"Umuwi ka muna kaya sa Vizcaya para naman makaiwas sa gulo ng buhay dito sa Maynila. Tutal andun naman ang mga kapatid mo. Nakakatulong yun sa iyo."

"Chief walang mag aalaga kay Francis." Naiiyak na sagot ni Nova.

"Heto" sabay kuha ang kamay ni Nova at ibinigay ang pera. "Allowance at pamasahe mo yan. Ako na bahala sa iyo at nang anak mo. Tulong ko na sa inyong dalawa."

"Andaming pera naman ito chief!" Gulat na naiiyak pa rin si Nova.

"Mag empake ka na at ako na bahala sa lahat. Ipapahatid kita sa isa sa mga kasama ko sa terminal. Kaysa naman namomroblema ka dito. Hayaan mo ako na mag papaaral kay Francis." Nabigla siya sa desisyon niya pero pinanindigan niya na rin sa huli. "Sa bahay na muna siya titira."

"Huh" Gulat na gulat si Nova pero habang umiiyak siya, napag isip isip niya rin na makakabuti yun kay Francis.

"Chief" boses ni Esguerra habang nakatayo sa pintuan at hawak ang cellphone. "Kailangan ka sa presinto, kakilala mo yung naireklamo."

"Sige na Nova, mag ayos ka na ng gamit mo at hihintayin ka niya sa labas. Mauna na ako" Medyo nagmamadaling sabi ni chief.

Dagliang kinuha ni Nova ang kaliwang kamay ni Chief at siya ay nagpasalamat habang umiiyak.

Ngumiti lang siya pero nagmadali pa ring umalis si chief. Alam niya kung sino yung sinasabi ni Esguerra.

..........

"Anung ginagawa natin dito?" Nagtatakang tanong ni Francis. Kagagaling lang nina Derek at Francis sa enrollment. Actually pareho sila ng kursong kinuha.

"Clinic ni mommy ito. Hayaan mo libre naman tayo." Nakangisi si Derek pero parang naiilang si Francis.

Pagpasok ng dalawa sa clinic, nakita nilang may kausap na customer ang mommy ni Derek. Pero napansin din sila kaya lumapit ang mommy ni Derek sa kanila.

"Oh napadaan kayo, kamusta ang enrollment?"

"Ok naman mommy ayun nga lang mahaba ang pila. Pareho kami ng kursong kinuha ni Francis." - nag uusap lang ang mag-ina pero hindi na nakiiinig si Francis.
Lumilingon sa paligid ng clinic. Naisip niya na kaya pala maganda ang kutis ni Derek dahil sa clinic ng mommy niya.

"Ma'am Liezel may tawag po kayo sa phone." Sabi ng empleyado nila.

Lumingon at ngumiti lang si Liezel tapos nagpaalam na sa dalawa para sagutin ang phone.

"Tara na."

"Akala ko ba libre tayo sa clinic?" Nagtataka na tanong ni Francis.

"Hindi ah, ayoko. Hehe joke lang yun. Pinasyal lang natin si mommy. "

Mali pala ang nasa isip ni Francis. "Ay natural lang pala." Naisip ni Francis. Nag blush siya nang hindi alam ang dahilan. Napahiya lang siya sa sarili niya.

...

Katatapos naglaro ng basketball si Jeric. One on one sila ni Marco. Nagmemeryenda at nakaupo lang sa gilid ng kalsada sa baba ng hagdan ng harap ng kanilang bahay.

"Tol may bagong salta diyan sa kapitbahay niyo ah. " sabay inom ng gatorade ni Marco.

"Oo nga e. Parang mayabang yun. Sarap pagtripan."

Muntik nang di malunok ni Marco ang iniinom.

"Oy hepe yata yang tinutuluyan niya, ikaw din tol. Haha "

"Kahit na. Imbitahin kaya natin siya sa bonfire mamaya?"

"Ikaw bahala tol. E anu nman balak mong gawin?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tool for RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon