"Miles! Kumain ka na dito puro ka na lang cellphone dyan." Sabi ng mama ko.
Ang hindi naman nya alam ay nag oonline class pa ako dito. Mahirap kaya mag online class no, sana nga bumalik na yung face to face para makaalis naman ako dito sa bahay.
Puro na lang kasi stress e.
“Opo ma, wait lang po nag oonline class pa ako.” Nung pagkasabi ko nyan ay bigla tinawag ang pangalan ko ng teacher ko.
Agad kong in-on ang mic ko and then nagsalita naman si mama.
“Nagdadahilan ka nanaman! Ikaw na nga lang kakain dito ikaw pa nagiinarte. Di naman nag oonline class talaga!” Agad ko in-off yung mic ko kasi nakakahiya narinig ng teacher ko yun.
“Miles? Are you still there?” Natauhan agad ako nung pagkasabi ng teacher ko sa akin at agad ko in-on yung mic ko.
“Sorry Ma'am, can you please repeat what are you saying a while ago? I'm having some bad connections here.” Pagkasabi ko. Nagdahilan na lang ako para di mahalata.
Sinabi naman ni Ma'am yung question at nakasagot naman ako. Natapos ko naman na yung online class ko at lumabas na ako.
“Miles! Bumili ka nga sa tindahan ng asukal. Wala na pala tayong asukal.” Sabi ng ate ko. Agad ko naman kinuha yung pera at lumabas na ko.
Habang naglalakad ako, nakita ko ‘yung nanliligaw sakin na taga dito sa amin. Pakening shet, kailangan kong magtago.
Agad ako naghanap ng matataguan, at nakatago naman ako. Kinakabahan nga ako baka makita ako.
Madami syang kasamang kaibigan, nagtatawanan sila. Siguro kasamahan niya yun sa basketball. Basketball player siya dito.
Nung makadaan sila agad ako lumabas at may tumawag sa akin.
“Miles!”
Natigilan ako, at boses nya yun. Eto na nga sinasabi ko.
Lumingon naman ako at ngumiti, “Hello, Justin. Ikaw pala yan di kita nakita.” Ayoko talaga to kausap eh, nahihiya ako.
“Hehe, musta ka naman? Ba't di ka nagrereply sa mga chats ko?” Hala, ito na nga. Di ako nagrereply kasi tinatamad ako makipagchat sa mga tao ngayon.
“Okay lang naman ako, Justin. Di ko pa kasi naoopen messenger ko kasi medyo busy ako sa acads. Ikaw, kumusta ka naman?”
“Okay lang naman ako, sige na may pupuntahan pa kami. Magreply ka na mamaya ah. Ingat ka!” Ngumiti sya sa akin at pumunta na sa tropa nya.
Mabait naman 'yang si Justin, at may itsura din. Sadyang ayoko lang muna makipag ganyan sa panahon ngayon. Kailangan ko munang yumaman.
Haha! Mahirap maging mahirap. :)
Bumili na ko sa tindahan at umuwi na.
“Tagal mo naman Miles, saan ka ba galing?” Sabi ni ate.
“Wala ate, nakasalubong ko nanaman si Justin haay.” Nagmake face ako.
“Ayieee, baka siya na talaga makakatuluyan mo ha.”
“Ngi ate! Bahala ka na dyan ah.” Binigay ko na yung sukli at asukal sa kanya at dumiretso na ko sa kwarto.
“Kunyari ka pa e!” Sigaw ni ate.
Loko talaga si ate. Ginawa ko na yung mga pinapagawa sa akin sa school at pagkatapos noon ay nagcellphone na ako.
Ay di ko pala natapos lahat ng schoolworks, itong cellphone kasi e. Haha, pwede ko naman gawin 'to bukas.
Habang nanonood ako ng videos sa tiktok, may nagchat sa gc namin.
“Hello class, baka magkaroon na tayo ng limited face to face class. Basta magpavaccine na kayo. See you soon."
Ayoko pa mag face to face! Nakakaiyak, wala pa akong glow up.
Bahala na talaga.
----
Hello! Sana magustuhan niyo to. Di ko pa alam flow ng story ko pero bahala naa. Medyo based on true life ‘to. Nye.
