I LIKE YOU, BUT I LOVE HER

5 2 0
                                    

"Camilla, ano bang gusto mong pag-usapan natin?" He asked. Nang makarating siya sa dati naming tagpuan.

Sumimsim ako ng kape. At nilapag ito. Nakatingin lang siya sa'kin at sinusundan ng tingin ang bawat kilos ko.

"Tungkol sa'tin." Tugon ko.

"Kung may plano kang makipagbalikan sa'kin ay huwag mo nang subukan. Masaya na kaming nagsasama ni Sarah, huwag mo na kaming guluhi---"

"Hindi ako makikipagbalikan sa'yo." Putol ko sa kaniyang sasabihin.

Natawa ako sa aking isipan. Sa tingin niya ba ay ganoon ako kadesperada, para makipagkita at makipagbalikan sakaniya? Masyado naman atang mataas ang tingin niya sakaniyang sarili.

"Eh ano bang paguusapan natin dito?" Kunot noo niyang tanong.

"Why did you choose my bestfriend over me?" Straight forward kong tanong. He was slightly surprised by my question. Ilang sandali narinig ko ang kaniyang halakhak.

"I already told you about that, right?" Aniya.

"Yeah, pero gusto ko lang maliwanagan. Para matahimik na rin ako. I just want to know the truth." I said. Ngumisi siya.

"Well, the truth is, niligawan kita, to get close to your bestfriend," He said. Pinigilan ko masaktan sa kaniyang sinabi. Pero ang hirap, lalo na kapag nalaman mo na yung totoo. Masakit pala talaga pag narinig mo mismo sakaniya ang totoo.

"I know, you like me. Pero hindi ko akalain na uto uto ka pala." Dugtong niya at humalakhak ulit.

Umayos ako ng upo, at uminom ng kape, para kumalma. Tumingin uli ako sakaniya.

"F-flint, I want to know, kung nagustuhan mo ba ako? O minahal mo man lang ba ako kahit kaunti?" Umaasang tanong ko.

"Oh well, honestly, gusto kita Camilla," Tugon niya. Nagkaroon ako ng kahit konting pag-asa.

"Ang bait mo, iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Kakaiba ka mag-alaga, atsyaka nand'yan ka nung may mga problema ako." Pag-amin niya. Natuwa ako. kahit pala papaano, na appreciate niya ako.

"P-pero bakit hindi ako? Gusto mo pala ako, bakit hindi ako yung pinili mo? Bakit si S-sarah pa?" Halos rinig ko sa aking boses ang pagmamakaawa.

Malungkot siyang tumingin sa'kin.

"Yeah, you're right, I like you, I like you Camilla, but I love her," He said, akala ko wala ng mas sasakit pa sa mga binitawan niyang salita kanina, pero meron pa pala.

"I like you, but I love her," Huminga siya ng malalim at deristong tumingin sa aking mga mata.

"I hope, mapatawad mo ako Camilla, I'm sorry, I have to go." Huling sabi niya, bago lisanin ang coffeeshop na dati naming tagpuan.

Humawak ako sa aking pisngi, basa ito. Ngayon ko lang napansin na umiiyak na pala ako. pinunasan ko ito at umalis na rin sa coffeeshop.

This will be the last time I will cry for that man. I already know the truth. All I have to do is accept it and move on.

I like you, but I love herWhere stories live. Discover now