IN DUBAI, EVERTHING is convenient. No wonder for a city bedazzled with metal skyscrapers and streets lined with sports cars, everything must be fast. Just a hop out of the train station, and the cold wind already pressed her skin, she would be walking for a few minutes to a public beach.
Naka-maong jacket siya dahil sa temperatura. Tuwing Nobyembre ay nagsisimula na ang tinatawag na winter season. Winter was what people call it here kahit hindi naman nag-niniyebe ang kalangitan, ito kasi ang mga panahon kung saan malamig ang hangin na para bang sumusuot sa kalamnan ang lamig. It would fog a lot sometimes blocking the streets. Marahil ay magugulat ang iba na merong winter season dito, ang akala din ng pamilya niya, buong taon ay mainit at puro disyerto kung saan siya nagtatrabaho.
Noong nasa airport siya noon sa Pilipinas ay umiyak ang nanay niya dahil baka maltratuhin daw siya ng mga Arabo. Nangiti siya at sinabi niyang hindi naman siya magta-trabaho sa bahay.
Nang dumating na siya at nagsimula na siya sa pagtatrabaho, tatag ng loob talaga ang puhonan niya para maka-survive. Sa trabaho niya, nakakatagpo siya ng iba't-ibang lahi, iba't-iba rin ang ugali. Minsan, sariling kababayan mo pa ang mag-lo-look down sa iyo.
Napa-upo lang siya sa buhanginan, buti na lang ay bukod sa jacket ay may dinala siyang scarf. Iyon ang nilatag niya sa buhangin kung saan masasamyo niya ang hangin mula sa dagat. Dahil nga National Holiday ay marami ring tao sa beach, ang iba ay naroon sa mga hilera ng restaurants mula sa di-kalayuan, may mga couples, magba-barkada at mga pamilya.
Pinatay niya ang cellphone niya.
Bahala na si Sam, tutal ay alam naman nito kung paano uuwi at babalik sa accommodation nito. Kulang pa nga ang ginagawa niya ngayon kabayaran sa panloloko nito! She just needed time for herself. Time to think...
Medyo naluluha siya dahil naalala niya lahat ng pinagdaanan niya ulit, lahat ng lungkot na kinimkim niya. Lungkot para sa pamilya na kinagisnan niya sa Pinas. Oo nga, at convenient lahat dito, pero bawat gastos niya ay limitado. Minsan ay nag de-delata at kape siya bilang ulam para makatipid sa gastusin lalung-lalo na kung gipit rin siya at may mga emergency sa Pinas. Hindi na siya nagbakasyon nakaraang taon dahil ang perang ibabakasyon niya sana, iyon ang ginastos niya para sa mga papeles ni Sam.
She stared blankly at the sea, unaware of the moving presence walking towards her at her back.
RICK IS DESPERATE, HE NEEDS KYLA to see him canoodling with another woman tonight at exactly midnight in the evening.
And he is running out of time, may apat na oras na lang siya upang maghanap ng papayag sa gagawin niya.
From Dubai Mall, stalking Kyla, ay napadpad siya dito sa beach. It was just a breezy ride, and he felt the adrenaline rush through him habang sinundan ng taxi niya ang sasakiyan na lulan si Kyla – a red Ferrari. He was thinking while following his girlfriend, since when did she became a top-notch liar?
Tatlong taon na noon silang magkasintahan ng magdesisyon si Kyla noon na mag-abroad. Nurse ito kaya't naging temptasyon talaga dito ang mangibang-bansa dahil sa malaking offer, mas triple o kwatro-higit pa sa nakukuha nito sa Pinas. At first, he was against it, engineer siya at sinabi niya dito na siya na lang ang bahala.
Kung gusto talaga nitong magkaroon ng extra na pantustos sa pamilya nito, he can give her some allowances at least. Ngunit sa huli ay naintindihan niya rin ito, dahil iba din naman talaga ang satisfaction na nakukuha kung sariling sikap at pinaghirapan mo ang pera. Marriage is out of the picture yet three years ago, dahil ng minsan niya itong tanungin ukol sa kasal, hindi pa daw ito handa. Siguro'y magiging handa na ito matapos ng apat na taon pag nakabawi na daw ito sa pamilya nito. Isa pa, para naman ito sa future nilang dalawa, parte ng savings nito ay para sa magiging kasal at bahay nila.

BINABASA MO ANG
Met You in Dubai
RomanceDianne met Rick in an awkward and funny circumstance near the Dubai Mall fountain. Two adults who wants to mend their broken hearts, they go in a thrilling adventure in the heart of the most dazzling city in the world, Dubai.