Bawat babae may iba't ibang tipo ng lalaki. Iba rin ang gusto nilang paraan para ligawan sila. Si Penelope ay isang dalagang nahilig sa pagbabasa ng romance books. Walang araw na hindi siya nagbabasa ng libro. Kahit gaano pa siya kaabala sa kaniyang trabaho ay nagagawa pa niyang magbasa ng kahit ilang pahina ng kaniyang nabili o nahiram na mga libro. Sa hilig niyang magbasa ay tumaas ang 'expectations' niya sa mga kalalakihan. Lahat ng nagbalak ligawan siya ay walang pumasa ni isa sa kanila dahil wala siyang ginawa kundi ikompara ang mga kalalakihang nababasa niya sa libro sa mga binatang nanliligaw sa kaniya.
Sa trabahong pinapasukan niya ay may makilala siyang binatang gagawa ng paraan para magkagusto lamang siya dito. At ang paraang naisip nito ay gayahin ang lalaking karakter sa bawat librong nabasa o binabasa pa lamang niya. Mapagtatagumpayan kaya nito ang paraan ng panliligaw niya sa dalaga't maririnig ang matamis na 'oo' nito?
~
Special thanks to Camz para sa title ko. Maraming salamat, Hiragana-xan! :)
BINABASA MO ANG
The Imitation Game of Love
HumorPaano nga ba paiibigin ang isang dalagang ikinokompara ang kalalakihang nababasa niya sa libro sa mga binatang nabubuhay sa totoong mundo? Book cover made by @heynette