"aguruy ka te, hindi mo kinausap. Napilitan tuloy akong magsinungaling." saad ni Sunny habang kain ng kain sa mga prutas na dala ni Javis."sinabi ko bang magsinungaling ka?!" sabi ko kaya Napa-peace sign ito at patuloy na nilapang ang mansanas.
Napatingin ako sa pinto at napatanga doon.
Bakit naman sya pupunta punta dito ngayon? Akala nya madadala nya ako sa mga prutas? Eh wala nga akong sakit, bakit nya ako dadalhan ng prutas? Oh baka naman para yun sa mag-ina nya? Assuming lang talaga ako! Tss, kahit mag-explain ka pa sa akin ay-
"DALIA!" naputol ang pag-iisip ko ng biglang sumigaw si Sunny. Sinamaan ko sya ng tingin pero imbis na matawa ay tinuro nya ang pinto kung nasaan nandoon si mama kasama si...
JAVIS!
Anong ginagawa ng isang to dito?!!
"t-tita?" gulat na tanong ni Sunny kaya napataas ang kilay ni mama!
"bakit kayo gulat? Oh, teacher mo pala binibisita ka. Bakit di nyo pinapasok?" sermom pa nya samin tapos iginaya nya si Javis sa sofa. "maupo po kayo sir. Pasensya na sa Dalawang to. Mga pasaway kasi."
Lumapit si mama sa akin tapos kinurot ang tagiliran ko! Ang sakit pero hindi ako makasigaw! Kahit si Sunny ay kinurot.
Feel na feel to the bone!
"harapin nyo guro nyo, kayong dalawa pag may ginawa kayong kalukohan nako!"
Eh sa sya ang may ginawang kalukohan ma!
Umalis na si Mama at nag-paalam kay Javis na magluluto. Pinilit pa ni mama na dito kumain si javis kaya lang nag-pumilit na sa bahay nalang daw dahil nag-hihintay pamilya nya.
Pamilya agad eh buntis pa nga ang babae.
Ay shunga, malamang pamilya na bata na nasa sa tiyan.
"hoy!" siniko ako ni Sunny kaya nabalik ako sa realidad.
Realidad na may pamilya na sya.
Pero di ko kayang bumitaw~
"harapin mo na!"
"eh bakit ako. Baka ikaw jan may ginawang kagag*han."
"mukhang ba akong magagawa ko yun?"
"oo"
"Dalia and Sunny?" napaigtad kami ng tawagin kami ni Javis.
Isa pa to eh. Anong ginagawa nito dito? Eh diba may pamilya na nga sya diba? Jusko, may balak nga atang gawin akong side chick!
Sabihin mo lang, nasa kusina lang si Mama.
"s-sir? Tubig? Sige po." bumaling si Sunny sa akin. "kausapin mo na. Baka bigyan ka ng isang milyon layuan mo lang sya" babatukan ko pa sana sya kaso nakapasok na ang gaga sa kusina.
Wala akong nagawa kundi ang lumapit sa kanya.
Umupo ako sa harap nya at ngumiti ng pilit pero hindi naman nya sinuklian ang ngiti ko.
Suklian mo, nasa teritoryo kita.
"okay ka lang?" tanong nya.
At nag-tanong ka pa ha? Okay lang ako? Siguro! Ewan! Ambot nimo!
Nag-nod ako ng dahan-dahan at ngumiti ng peke.
Ako? Ako ba tinatanong mo? Sure ka sa tanong mo? Naging teacher ka ba talaga? Ha?! Bakit ang manhid mo! So, ano yung ginawa mo kagabi? Syete kaba?! Gusto mong sigawan kita ngayon at ipamukha sayo na okay lang talaga ako pag-katapos ng ginawa mo kahapong k*ng*n* ka!
BINABASA MO ANG
Teacher (HIATUS)
Teen FictionSi Dalia ay napaka-inosenteng tao. Kaya naman hindi nya alam na pati ang pakikipag-relasyon sa mas matanda sa kanya ay bawal. Kaya ng malaman nya ito ay agad itong tinapos ni Dalia at binaon nalang sa limot ang lahat. Pero hindi kagaya ni Dalia si J...