"aaaaAaaaaArayyyyYyy" sigaw naming dalawa ni Sunny ng matamaan ng kahoy ang pwet namin!"ano bang pinag-gagawa nyo sa school ah?! Puro landi?! Ha?!" at isa nanamang malakas na hampas ang natamo ng mga pwet namin galing kay mama.
Kasalukuyan kaming naka-tuwad dito sa sala at pinapalo ni mama kong armalite. Palo at Sermon ang natamo ko-namin dahil kahit si Sunny ay nadamay.
Ang sakit na ng likod at pwet ko! Halos isang oras na kami dito. Hindi parin tumitigil si mama!
"eh tita! Hindi naman ako kasali!" naiiyak ng sigaw ni Sunny kaya naman ay napalo sya ng malakas lakas.
Ayan, ibuka mo pa bibig mo.
"tinigilan mo ko kanina!"
"eh papatayin mo naman si Teacher eh! Pag mamatay si teacher eh wala nang magtuturo sa amin!"
Sigawan sila ng sigawan kaya naman ako ay tumahimik na lang.
Ngina, parang ako pa ang bisita dito ah?
°°°
No talk. As in no talk talaga kaming dalawa ni mama.
Hindi nya kasi ako ginising ng nag-iispeech kanina. Tapos tahimik lang syang nagluluto, kahit sa pag-kain nya ay wala akong marinig na boses ni mama. Supra ultra no talk mega to the max.
Ngayon ay paalis na ako papasok sa skwelahan, hindi pa rin nya ako kinikibo.
"Ma. Aalis na ako." pero wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Tinignan nya lang ako ng matamlay at tumango.
Eh naman kasi yung isang yun! Hindi pa naghintay na magpasukan sa school para ipaliwanag ang side niya. Dito pa talaga bahay nambulabog. Nabuking tuloy.
Para akong lantang gulay na naglalakad papuntang school. Ayaw ko syang makita ngayon pagkatapos ng nangyari kahapon.
Kaya may naisip ako!💡
Magka-cutting ako ngayon!
Nasa labas pa ako ng Gate at Tinignan ang paligid.
Maraming bata ang papasok kaya naman imbis na pumasok sa Gate ay diretso lang ang lakad ko at walang lingunan ang ginawa ko dahil baka may kakilala akong pumasok at maudlot ang plano ko.
Nang makita Kong malayo na ako sa mga bata ay napasuntok ako sa hangin at napasigaw ng YESSS! ng walang boses.
Ano kaya yun?
Kaya naman ay naglalalad na ako at nag-hanap ng Malapit na tindahan.
At may malapit nga na convinience store! Sakto at may...
100? 100 lang dala ko?
Ayshhh! 100 lang pala ang nadala ko dahil sa pag-alala kay mama kanina!
Kasalan mo tong hudas ka!
Binili ko nalang kung saan aabot ang 100 pesos ko.
Sa isang corneto?
Tss. Ayan tuloy hindi ako uuwing busog nito.
Umupo na ako sa isa sa mga matataas nilang upuan at mesa at sinimulan na ang pag-lapang.
Naalala ko pala, itetext ko pala si Sunny para sa attendance ko. Baka absent pa ang malagay.
Kahit absent naman talaga ako.
Me:
Psst. Asa school u?Ilang minuto lang ang hinintay ko at nagreply naman si Sunny agad.
BINABASA MO ANG
Teacher (HIATUS)
Teen FictionSi Dalia ay napaka-inosenteng tao. Kaya naman hindi nya alam na pati ang pakikipag-relasyon sa mas matanda sa kanya ay bawal. Kaya ng malaman nya ito ay agad itong tinapos ni Dalia at binaon nalang sa limot ang lahat. Pero hindi kagaya ni Dalia si J...