Take time to realize..

180 11 0
                                    

Habang isinusulat ko ang title napakanta ako. Pramis! Kanta to ni colbie caillat diba? Oo, sinearch ko sa google nakalimutan ko na at to ang tagal na kasi. Common kasi ngayon e yung Thinking out loud na para bang ginawa ng National Anthem sa bansa naten pero wag kayo, tinalo iyan ng Jingle ng Ariel yung finally 7.50? Lol.

Take time to realize ...If you just realize what I just realized.. And we'd perfect for each other, and--

Nagbasa ka na ba ng hindi love story dito sa wattpad? Nag take time ka na bang puntahan yung Spiritual Section? Well aaminin ko in my whole entire na pagbabasa malimit ko lamang bisitahin yung part na yon. Mostly hinahanap ko sa Romance section dahil dun makikita ang mga best love story...

Nag f-fb kaba? Bat pag status na Jwu lang na simple ang ipost mo i la-like nila? Or mag ra-rant ng chismis o galit ang iba sa fb na kala mo pagkahaba haba na dinaig pa ang mga nobela ila-like nila at babasahin kahit mag consume pa ng maraming oras e bakit kapag bible verses na wala na? Bat kapag testimony na wala na? Bat kapag kabanalan na ang pinag uusapan wala na? Ganyan din ako date bat I can say na nauntog nako sa katotohanan.

Bat kapag nag a-ig pina-follow mo na lahat ng sikat na artista o personalidad pero yung mga Godly quotes hindi?

Bat kapag nag twi-twitter ka nag se-search ka ng trending na hashtag para makapag post ka? Pero hindi ka makapag post ng bible verse na makakapag bless sa iba at makakapag pa spread sa words ni God.
#GustoKoNakaTrend

Siguro umpisahan natin ang pagbabago natin sa pagbibigay ng pansin at importansya sa ating Panginoon. Well, hindi ko sinabi iyan para sabihing malinis ako at nag ja-judge ako. I can say na nasabi ko yan dahil ginawa ko yan at nalaman ko na ang tama. Wala namang mali na magustuhan mo rin yung mga yon at maki trend, pero hindi lahat ng maganda at uso ay tama.

At hindi ko sinasabi iyan para sabihing napaka makasalanan natin or what nag pa parealize lang po ako, hindi ko din po sinabi iyan para magparinig sa iba. Sinabi ko iyan para ma Realize natin ang ating ginagawa. Habang ngang tina-type ko to sumisikip ang dibdib ko knowing na maraming beses ko palang in-unfair si God, kung paano ko siya isinet aside knowing na bawat isa sa atin ay lagi nyang inuuna at minamahal.

Hindi pa naman huli, May time pa naman para magbago.

Ang sabi nga PUT GOD FIRST AND EVERYTHING WILL FOLLOW.

The Dare (Inspirational-Spiritual Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon