BTS

241 13 1
                                    

Summer ngayon at nag iisip ako ng mga bagay na pwedi kong gawin na makakapag worth it sa aking bakasyon yung tipo bang masasabi kong naging productive ako, So nag ki-keyboard ako, nag-aaral ng maitutugtog na new song. But syempre mag sasawa ka din at mag iisip ng ibang mapag-i-interasan, so nag wattpad ako. Actually matagal nako dito sa wattpad 4 years nadin ata. Nagsimula ako sa mobile internet non sa vodafone kung phone, E syempre libre din nun yung wattpad sa TM. Tapos umalis dahil nagkabayad na non, tas bumalik nung magka android phone ako dinownload ang app. Tas umalus ulet dahil nagsawa tas bumalik at paulit na proseso na lamang ang pagkatapos. I can really say na certified addict nako but now I can say na in moderation na, well dati kasi, hindi ako matutulog talaga para lang matapos yung binabasa ko, pag nasa school patago kung linalabas yung phone ko para magbasa nakadagdag pa ng excitement ko eh yung nag di-discuss ang teacher, pag kumakain, pag nag pa-practice sa church, lagi namang atang ganyan e. But good thing naman nagagawa kung pigilan ang sarili ko na magbasa sa church alam kopa naman ang priority ko at kung ano ang dapat gawin kapag nagwo-worship, focus padin naman ako kay God.

Pag inumpisahan mo ang story lalo na at maganda ito, sabik na sabik ka ng matapos ito para malaman ang ending lalo na kung magkakatuluyan ba sa si boy at si girl o magiging tragic ba ito? Or mag kaka-book 2 ba? Ganyan naman diba? Tayong mga reader ganyan naman lage, pagkatapos ng isa gusto pa ng isa at kung slow update pa ito mag se-search kapa ayon sa gustung gusto mong genre. At ang cycle na yan ay hindi na matatapos. Believe me its either mag sa-sawa ka or mauubusan ka ng magandang story.

Well, madalas akong gumagawa ng story line sa utak ko,kaso nga lang tamad akong ipost dito sa wattpad. At naisip ku den, kung bang magsusulat ako may maiiwan ba sa magbabasa? Well siguro kung mag-a-assume ako na may magbabasa na kahit mga 5 lang na katao,yung tipong ginawa lang pampalipas oras ang story ko dahil hiatus ang binabasang story or tbc, may mapupulot ba sila? Makakatulong ba yon sa pag go-grow nila bilang isang indibidwal? Well siguro makakapag bigay ako ng kasiyahan at satisfaction sa thirst nila sa pagbabasa pero at some point hindi parin ako nakatulong.

Well, bakit ko nga ba kinwento ang buhay ko? Malamang nahiwagahan kana sa sa ka eklabushan ko. E kase, nag come up ako sa ganito dahil gusto kong gumawa ng difference yung bag mag a-ala pena florida ako? Pero kidding aside, Gusto kong gumawa ng difference para magkaroon ng Impact. By doing an inspirational story dito sa wattpad na makakatulong sa lahat ng magbabasa. Youth kaman o teenies ang tawag, Young Professional o mga successful na nag ta-trabaho pero di parin maiwan ang passion sa pagbabasa or kung medyo lagpas ka na sa kalendaryo pero naimpluwensyahan ka sa pagbabasa sa wattpad.

Yung tipong gusto ko maging isa akong pebble na ihahagis sa tubig at magkakaroon ng watter ripple yung bang mga little waves na mangyayari. In short I want to make an impact at maging daluyan ng pagpapala ng Panginoon sa bawat buhay na mag te-take time na basahin ito at mga nakabasa na mag take time para i refer ito hindi dahil gusto ko ng maraming votes at readers o mga fans or what gusto kong may matulungan ako.

Kung nababasa mo na to,APIR tayo! Sana magpatuloy ka lang kapatid.

Bakit nga ba BTS ang title? Behind the scene yon diba? E ano ang scene dito baka nag cross sa mind nyo well Behind The Story kase talaga, background sa book na to.

So, hindi kaba na boring sa mga sinabi ko? Salamuch. Lol

The Dare (Inspirational-Spiritual Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon