Tapos na yung recognition. My parents couldn't be any more proud and I'm sure those 4 girls' parents are beyond proud too.
Bukas na yung launching ng album nila. Their album was out on iTunes and spotify yesterday and so far my favorite in the album is Aking Prinsesa. TINAGALOG LANG NILA YUNG PANGALAN KO E NAKO.
Pinapunta ko yung mga pinsan ko dito sa bahay. As soon as they got here dumeretso agad kami sa kwarto ko, as usual.
Habang pinapakinggan namin yung Aking Prinsesa. Ewan ko bigla nalang kaming napaiyak? Siguro dahil kinikilig kami? Pero ewan ko iba eh.
"Ano ba ang drama niyo!" eto nanaman si Julia
"Excited ka lang eh." pasimple naman etong si Alli
"Ikaw din naman ah. Lahat kaya tayo!" halatang excited na rin itong si Hayley
Napansin kong tumahimik si Jenna. Ano kayang nangyayari sa batang yon? Pero eto ang pinaka ayaw ko.
Nakita ko yung wrist niya na may mga marka dulot ng paglalaslas. Jusko ayaw kong nakikitang ganito ang pinsan ko. Hindi naman siya ganito eh.
"Hindi ko lang talaga kasi kaya eh. Masyado na sila. Yung nga sinasabi nila sakin, satin."
"Ano ba Jenna diba sabi ko naman sayo na huwag kang magpapapekto sa kanila? Oo pwede nilang sabihin lahat ng gusto nila. Pero may magagawa ba sila? Wala diba. We're happy with what we're doing and it's all that matters. Don't let it get into your world."
"Ate naman pinadugo mo yung ilong ko."
"Panira moment ka talaga halika nga dito!"
Niyakap ko si Jenna ng sobrang higpit. Tapos bigla nalang kaming nag group hug. Nakakatuwa lang silang kasama.
Ayun nagpuyat ulit kami, pinatulog ko ulit sila sa bahay. Tweet dito tweet diyan.
Talagang excited na excited na kami sa launching!
Nagstalk kami ng profiles, tapos may mga nakita kaming mga hindi kanais nais. Ewan ko kung totoo pero.
May niligawan na raw si Joaquin, yung Bea daw ang pangalan? Jlover din. Pati yung apat. Sabi nila sa interview nila wala pa silang niligawan? Ano tong nakikita ko?
Siyempre gusto naming manigurado. Kaya nagtanong kami sa mga ibang ka fandom namin, totoo daw.
Aray.
Ngayon ngayon lang daw yong panliligaw na yon. Kaya siguro ganon yong tweets nila no? Akala mo para sayo pero hindi pala. Eh kasi nga fan ka lang diba?
Bigla kaming natihimik lahat sa kwarto. Tapos biglang nag iyakan. Para bang nawalan na kami ng ganang pumunta sa launching? Bat ganon.
Pero inisip namin na oo fan lang kami, pero kailangan talagang itago yung sakit. Kasi ang mahalaga lang naman yung maging masaya kami diba? Tsaka yung suportahan sila sa mga desisyon nila, eh diba yun ang trabaho ng mga fans. Oo, Masaya nga kami pero kailangan lang naman naming pilitin para iwasan lang ang masaktan.
Pinilit naming matulog pero di namin kinaya. Teka bukas na pala yung launching! Para tuloy kaming nawalan ng gana.
Pero inisip namin na kung hindi kami pupunta para san pa yung effort na ginawa namin? Anlayo na ng narating namin (ay haha). Tapos gigive up lang kami?
Literal kaming di natulog. Pag dating ng alas singko ng umaga para kaming mga zombies.
"Paasa sila"
"Masakit eh masakit."
Puro ganyan naririnig ko sa kanila.
"Diba nag-usap na tayo kagabi? WALANG GIGIVE UP. Kung gigive rin lang kayo edi you don't deserve to be a so called, "solid fangirl"
Nagmukha tuloy akong nanay. Tumango nalang silang lahat sabay tawa kasi mukha kaming mga zombie!

BINABASA MO ANG
One Last Time (Gimme 5 fanfic)
FanfictionA story about how 5 teenagers spend their entire life basically fangirling over a boy group named "Gimme 5". This story shows how hard it is to be a fangirl. That you'd basically sacrifice your whole life for them.