"HEY YANNA!"
Lumingon ang nagngangalang Yanna.
"Oh Frizz, bakit?" Tanong niya rito nang makalapit sakanya si Frizz.
"Gig." Sabi ni Frizz habang nakangiti.
"Time?" tanong ni Yans.
"9pm, Sa Eastwood. Dating place. Call?" Ang tipid talagang magusap nitong mag bestfriend na to. Nagnod lang si Yans at nagbeso-beso tapos itunuloy na ang paglakad sa pupuntahan niya. Ganun rin naman si Frizz.
Si Yans ang babaeng napakagaling sa musika. Ang galing kumanta, professional kung tumugtog ng piano, gitara, violin, at electic guitar. Siya ang babaeng sakto lang ang tangkad at pangangatawan. Morena ngunit makinis ang balat at malinis siyang tignan. Siya ang babaeng walang kaarte-arte, at ang mali lang ay ang hindi gaanong pagsasalita. Pero kapag kumanta, mapapamura at mapapanganga ka na lang sa ganda ng boses niya.
Siya ang babaeng sumisikat sa napakaramig lugar, ngunit hindi niya ipinagyayabang, "di rin siya nagbabago ng ugali at personalidad. Napaka surreal, hindi ba? May ganito pa bang tao sa mundo?
Kasalukuyan siyang naglalakad sa mapayapang lugar na napapaligiran ng puno at mga bulaklak sa tabi ng isang building... hanggang makarating siya sa pinakalikod ng school. Umupo siya sa ilalim ng puno at inilabas ang kanyang cellphone. May pinindot siya tapos itinapat niya ito sa kanyang tenga na mukhang may tinatawagan.
[ Hello? ]sagot ng tinawagan niya. Napangiti lang si Yanna at di sumagot.
[Sino to? ] Di pa rin talaga sumasagot si Yans. Hinayaan niya na lamang ang katahimikang naririnig nilang dalawa.
[Tsk. Ewan] Ibinaba na ng tao yung call, pero kahit ganun, nakangiti pa rin si Yanna at pinakinggan na lamang ang kanyang kakantahin mamayang gabi.
Araw araw siyang nagpapalit ng number para matawagan ang taong iyon, sasagot naman yung kabilang linya. At siya naman ay hindi magsasalita. Papakinggan niya lang ang boses na iyon, kumpleto na ang araw niya. Weirdo talaga siya.
Biglang nag-alarm ang phone niya. Nagulat siya ng bahagya. Nang nakita niya, napangiti siya lalo at tumingin sa langit.
'Eleven Eleven na. Sana makausap ko na siya't makilala sa personal. Yung hindi na sa phone.'
Ang hopeless romantic ng taong ito.
***
"Gavin! May gig ulit siya. Sa dati, sa may Eastwood." Sabi ng barkada nitong si Gavin.
Si Gavin ang admirer ni Yans. O sige na nga, matagal niya na itong gusto. Yun nga lang, siya na ang pinaka tipikal na torpe ng bayan.
Gwapo naman siya, matalino, popular dahil sa isa siyang Freelance Model. Kinukuha siya ng big companies, pero isang big NO ang ibinibigay niya. Saka na lang daw, pag tinanggap rin ni Yanna yung kanya.
Matangkad si Gavin, mukha siyang amerikano, pero nangingibabaw sakanya ang pagkapilipino dahil sa tono ng pananalita niya at galaw. Magandang mata, matangos na ilong, maputing balat, mapipulang labi at magandang pangangatawan. Maraming nagkakandarapa sakanya, pero sarado na ang paningin niya.
Matindi rin tong lalaking ito. Hanggang tingin lang ang mga babae sakanya, siya rin naman... hanggang tingin lang rin sa taong gusto niya.
Saklap.Nagalarm bigla ang phone ni Gavin habang naglalakad siya pauwi. Napangiti siya. 11:11 AM.
Sana mapansin niya na ako. Sana masabi ko na sakanya. Sana di na ako matorpe pa.
"Minsan lang ako maniwala sa ganito, wala naman sigurong mawawala hindi ba?" Bulong nito.
***
BINABASA MO ANG
Eleven Eleven
Short Story11:11 many people believe that nowadays. Is it really real?