"Tapos ngayon namimiss mo siya? Matapos mo siyang iwanan bigla bigla? Anong gusto mo? Tatakbo siya sayo with open arms?" Sarkastiko niyang sambit saakin.
"Hindi naman siya laruan para kung ayaw mo na, iiwan mo lang. Tapos pag bored ka, babalikan mo ulit."
I sighed. "So what's your point Dr. Phill?" I said as I slumped lower in my seat.
"I just want you to reflect on what you did Gusto ko lang naman matuto ka. Ang feelings ng tao hindi dapat tinitake for granted."
One month na rin ang nakalipas ng muli kaming nagkita. Sinaktan ko siya ng sobra. Sobra. Ngayong nakita ko na siya, I felt like I don't exist. Parang walang Nickki sa mundo niya. I should feel happy na ok naman siya, but why do I feel the opposite? I suddenly felt guilty, sad... regretful."Ikaw naman kasi, kung makapagsabi ng mga masasakit na salita, WAGAS! Masyado mo siyang nasaktan. Tsk. Queen Bitch ka talaga. The worst part is, you broke his heart habang kausap mo yung bago mong rtush. Too bad he is your cousin kahit na mukhang fifth degree ang relationship niyong dalawa." May pailing iling pa siya na wari mo'y nanay na disappointed sa kanyang anak.
"Why do I feel guilty?" Sabi ko sa pinsan ko, si Lyza. Kwinento ko sakanya lahat-lahat. Eto ngayon, nakaramdam tuloy ako ng matinding batok. I deserve much more harder than that, trust me.
"Kasi narealize mong isa kang malaking gagita?" Sarcastic niyang pagkasabi saakin. Pero napaisip ako sa sinabi niya. I feel guilty e. Hindi ko alam kung bakit.
"Naguiguilty ako dahil nakipaghiwalay ako sakanya. Parang gusto ko siyang balikan na hindi. Ewan. Di ko maintindihan sarili ko." Naiinis na talaga ako sa sarili ko, dahil sa mga impulsive kong desisyon.
"Kahit naman siya hindi ka maintindihan. Pabago bago kasi isip mo. Make up your mind Nicks!" She acted like she's exasperated with my decisions.
I just bowed my head in utter shame.
"One day, makikita kitang kinikilig na aakalain kong mahal mo nga siya. The next day, you're saying that you think you don't love him. And then you make pasweet sweet and landi-landi with him. Tapos sasagot ka ng matamis na Oo. After a month, ibrebreak mo siya sa isang problemang madali namang solusyonan. Feeling ko, you don't love him at all. You are just infatuated." Sermon niya pa.
"I know."I really felt bad. As in really, really bad.
"Feeling ko alam mo naman na ang sagot sa magulo mong isip eh. Matagal mo nang alam kung bakit ka ganyan. Ayaw mo lang talagang aminin."
I knew that she's right. She knows me too well. Bumuntong hininga ulit ako at siya naman ay tumayo, kaya ako napatingin sakanya.
"You know what? Kausapin mo na lang ulit siya pag desidido ka na. Hindi yung mukha mo siyang tinitake for granted. Worst, pinaglalaruan. Tandaan mo, wala na siyang tiwala sayo."
Ouch.
Napapikit ako dahil natamaan ako sa sinasabi niya kaya nahiga na lang ako sa kama.
-Foundation Day (June 11,20**)-
7am palang nasa school na ako. May parade daw eh, pero alas nuwebe na ng umaga, wala namang nangyayari. Heto kami nakatayo sa harap ng mga booths ng college department namin. Tambay, nakatayo, walang magawa kundi magmasid lang ng mga tao at mga pangyayari sa paligid namin.
Isang Blood Typing booth, Science fair booth and Dedication booths lang ang mga tinayong booths ng college dept namin. May wedding booth rin daw kami (Cliche, I know) pero medyo malayong parte mula sa tatlong booths namin na pinagpipyestahan ngayon.
"Hey guys! Ayan..." Sabay abot ng mga papel. " ...mga colored paper." Binigay ni Jane lahat saamin. Grabe, ipamimigay ba namin ito? Hindi naman ako officer eh. "Piso lang bawat dedication guys. Bilhin niyo na at magpadedicate. Sige na guys! Para sa Department natin to! Woooooh!" Lakas maka foundation spirit!
Binilang ko ang mga hawak ko. May lima ako, at yung mga kasama ko naman tig dadalawa. Naman! Bilhin ko na nga lang lahat! Ano lang naman ang limang piso hindi ba?
BINABASA MO ANG
Eleven Eleven
Short Story11:11 many people believe that nowadays. Is it really real?