Nagising ako ng maramdaman ko ang yakap ni Tiara,Yakap na laging gumigising sakin noon sa Dorm.Ganito ang paraan niya ng pag gising sakin noon,Ang kaibahan lang ay parang wala siyang balak gisingin ako,balak niyalang atang yumakap kaya as usual nag panggap akong tulog.
"Alam mo ba nung libing ng lola mo pinahiya ako ng tita mo.."Malungkot na Sabi niya.Nagulat ako pero nanatili akong nakikinig sa mga sasabihin niya.Gusto kodin malaman ang mga pang yayari nung umalis ako.
"Tinatanong niyako kung anong ginagawa ko doon"Tumigil siya ng ilang Segundo."tch!malamang nakikipag libing sabi ko sakanya!"Medyo mahinang singhal niya.Natutuwa ako dahil sa tono ng boses niya parang gigil na gigil siya.
Baliw talaga,Pero natutuwa akong hindi ka nag paapi sakanya..
"Tapos tinatanong niyako kung nasan ka! Eh malamang sabi ko nag stay ka sa Dorm kasi nga ayaw niyang makita ka!Pero lintek na bruhang yon muntik banaman akong sampalin!Buti nalang talaga inawat siya ni Tito Mike!"Nagtaka ako sa huli niyang sinabi pero nag panggap parin akong tulog.
'Bat kaya umawat si tito?Ang alam ko ay galit din sakin yon'
"Nakakahiya ang pag iiskandalo nang tita mo doon! Grabe sinundan pako hanggang sa Dorm dahil hinahanap ka niya!"Muli akong natigilan sa sinabi niyang yon pero hinayaan kopadin siyang mag kwento.
"Alam moba pakiramdam ko ay wala akong kwentang kaibigan?Wala akong nagawa para icomfort ka!wala ako sa tabi mo nung nag luluksa ka e mag kasama lang naman tayo sa iisang Bubong!"Medyo malungkot ang tono niya pero Malambing parin kahit papano.Paniguradong naka nguso siya Ngayon habang nag ku kwento.
"Wala kang kasalanan Tiara"Malambing na sabat ko sakanya.Gusto kong sabihin sakanya na lahat ng ginawa niya noon para saakin ay sapat na.
Nanlalaki ang matang napaupo siya habang nakaturo pa sa'kin.Tinawanan ko Siya tsaka dahan dahang binaba ang daliri niyang nakaturo sa'kin.
* TIARA'S POV *
Napaupo ako sa gulat dahil Bigla nalang siyang nag salita!Umawang ang labi ko habang nakaturo ako sakanya pero walang lumabas na salita mula doon!
Taka niyakong tinignan"Bakit?"Tanong niya habang naka ngisi.Pinag mamalaki niyapa yatang nagulat niyako.
"K-kanina kapa gising!?"Inis na tanong ko sakanya tinawanan lang naman niya ako!
"Sinong hindi magigising sayo eh ang lakas ng bibig mo!"Iritang sabi niya tsaka tinakip ang palad sa bibig ko na agad din naman niyang tinanggal.
"Eh bakit ba ng gugulat kapa kung pwede namang makinig ka ng nakabukas ang mata mo!"Inis na sigaw ko sakanya.Tama naman diba?Pwede namang makinig nalang siya ng gising Hindi yung nakikinig siya habang nag papangap na tulog.
"Hoy! Hindi kita ginulat!Kusa kang nagulat!"
"Dahil nga bigla bigla kanalang nag sasalita eh ang alam ko tulog ka!"
"Bat dimo nalang ituloy ang sinasabi mo kanina!?Nag eemote kapa diba?"Iritado munit sarkastikong sabi niya.
"W-wala yon!K-kalimutan mo na!"Kunwari akong nainis,pero shet! Taksil na boses nautal!
"Tch! Seryoso Tiara hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo..Dahil choice kong maging ganon..At choice kong umalis."Pinakita niya saking seryoso siya kaya natigilan ako at napalunok.
Eto naba ang explanation na matagal konang hinihintay.
"Kung anomang sinabi sayo ni Tita Vic nung araw nayon..P-pasenya kana..Hindi kita naipagtanggol.."Napatitig ako sakanya dahil parang iiyak na siya.Nakonsensya naman ako dahil syempre kakagising niyalang diba tapos papaiyakin ko na siya agad.
YOU ARE READING
When Is Our Happy Ending?
Teen FictionYou know you lack a lot but he loves you completely, You know you are happy with whatever you have but what if you are not satisfied? Is it really possible to develop love between two people with miserable lives?