Chapter 21.2

15K 259 95
                                    

Tumupad sa usapan ang girlfriend ni Ivan.

Nandito kami ngayon sa lugar kung saan gaganapin ang laban at tatlo lang ang kalahok na nakikita namin sa baba. Wala si Ivan. Disqualified na agad ito dahil hindi sya sumipot.

Nakatingin lang ako kay Steven na seryoso ang mukha at walang emosyon. Nakaready na itong lumusong at inaantay nalang ang pagsipol.

Nang marinig ang pagsipol ay sabay sabay lumusong sila Steven. Kinakabahan akong nakatutok sa bawat galaw nya. Napakabilis. Sobrang bilis.

Alam kong magaling talaga si Steven pero namamangha parin ako, lalo na ngayon. Rinig ko rin ang bulungan ng ibang tao sa paligid ko at tungkol yun kay Steven.

Kahit hindi kana tumingin sa scoreboard ay halatang si Steven ang nanalo dahil napakalayo ng agwat sya sa dalawa.

Nagtilian ang mga ibang nanonood nang makita ang resulta at ako naman ay napaluha.

He did it.

Automatic pag nanalo sya dito ay kasali na agad sya national team. Ibig sabihin non ay natupad ni Steven ang pangarap nya.

Baby, kita mo ba yun? Daddy mo yun. He finally made it.

Pinagmasdan ko si Steven na sumuntok sa hangin at nilapitan ito ng coach nya at ng ibang kateam mates nya. Kita sa mga mukha nito ang kasiyahan.

Nagpunas ako ng luha at tumayo na. Tumingin ako sa huling pagkakataon sa kanya at nakitang nakatingin ito sa direksyon ko.

"Congrats, baby." I mouthed, then walked away.












Kinabukasan ay masaya ang gising ko dahil kay Steven. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon para sa kanya.

Gusto ko syang kausapin pero sinabi ko sa kanya na titigilan ko na sya pag lumaban sya kaya di ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para harapin sya.

Gusto ko syang kamustahin. Gusto kong tanungin kung anong nangyari sa burol ng daddy nya, sa mommy nya, sa kompanya nila, lahat.

Ang alam ko lang kasi ay nakaburol parin ang daddy nya at hindi raw sya pinapapunta ng mommy nya roon. Naaawa ako kay Steven pero at the same time masaya para sa kanya.

Kilala ko si Steven, masaya yun pero kulang. Sabi nya gusto nya patunayan sa magulang nya na kaya nya pero ngayong napatunayan nya ay wala na ang daddy nya.

Tungkol naman sa pagbubuntis ko. Maayos naman daw ang lagay sabi ng doctor, kaya naman masaya ako dahil doon.

Walang ibang nakakaalam na buntis ako kundi si Macy palang. Saka ko nalang sasabihin sa iba, hahanap pa ako ng timing.

May balak akong sabihin kay Steven pero di ko alam kung pano. Kinakabahan ako. Alam ko naman na tatanggapin nya ito dahil mahal nya ako. Mahal nya ako. Pero dahil sa di malamang dahilan ay kinakabahan talaga ako.

Nandito ako ngayon sa bahay at kasama ko si mama na nakaupo sa sofa habang nanonood. Tutok sa tv si mama at ako naman ay minamasahe ang kamay nya.

"Nasaan ang daddy mo, Phoebe?" tanong ni mama. Hindi na ako nagulat dahil lagi nyang tinatanong ang bagay na yon.

"Nasa work." nakangiting sagot ko.

Ayun ang sabi samin ng doctor. Sakyan daw namin ang imahinasyon ni mama dahil mas okay daw yun kesa pilitin itong itama. Baka saktan ulit nito ang sarili nya.


Drowned To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon