Paasa ka.

1.5K 34 13
                                    

Sa totoo lang, hindi ko ito kwento. Kwento ito ng isa sa mga close friends ko sa group namin sa church na sobrang natatangahan ako dahil na-in-love siya. Sa sobrang inis ko sa kanya, halos i-condemn ko na lahat ng katangahang ginagawa niya para sa better half niya kuno. Halos limang buwan ko na rin siya nakikitang ganoon. ‘Yung palaging humahabol sa better half niya, kahit obviously, hindi naman siya mahal nung tao. Ang mas masakita pa, halos lahat sa group namin sa church, alam na kaibigan lang ang turing ng better half niya sa kanya.

                Nagsimula raw kasi ang lahat sa outing ng group namin, siguro, nakita ‘yung abs ni better half kaya naman nahumaling at nahulog na roon. Heto namang si guy, hinakot na ata ‘yung good characteristics ng isang lalaki, literal na tall, dark, and handsome. Although wala namang perfect kasi may kaunti siyang tigyawat sa mukha, at wala rin siyang nakakamatay na ngiti. Sadyang malakas lang talaga ang appeal niya. Kaya, hindi ko rin masisisi ‘yung kaibigan ko. Kaya lang, sobra pa rin e.

                Maraming magkapareho sa kanila. Pareho sila ng course. Business administration. Halos sabay rin silang ga-graduate at iisang school lang ang kanilang pinasukan. Siguro, akala ng kaibigan ko, sobrang perfect na sila para sa isa’t isa. Kung ako ang tatanungin, okay akong maging sila. Kaya lang, kung maging sila, sana maging masaya ‘yung bawat isa para naman hindi unfair. Moreover (naks, may transition words), halos magkamukha rin sila. Pareho sila ng shade ng balat. Kayumanggi. Pareho na nga ‘yung itsura nila. Halos pareho na talaga sila sa lahat ng bagay. May time nga na pati suot ni better half ay pareho sa kanya. Kasi naman, bumili itong kaibigan ko ng damit na pareho silang dalawa. Syempre, kapag pareho, couple shirt na ‘yun. Kaya lang, napansin ko sa better half niya, parang hindi niya sinusuot ‘yon. Sayang. Sana pareho na lang silang nahulog sa isa’t isa. At least, wala akong sinusulat na medyo heart-breaking ngayon.

                Sa haba ng pagpapakilala ko sa kanila, nalimutan kong sabihing nasa kalagitnaan kami ng meeting. Kasama ko silang dalawa. Nasa gitna nga ako nilang dalawa e. Nararamdaman ko ang cheesy-ness dahil sa ka-sweet-an ng friend ko sa better half niya. Hay. Sana sila na lang talaga. Ayoko kasing nakakakita ng sad stories in life. Sana kung magagawan ng paraan ni better half para magustuhan niya ang kaibigan ko, sana, gawin niya na lang (pero syempre, kung doon siya sasaya).

                “Bakit pa ba natin sila hihintayin kung late na silang darating?” sabi ni better half ng friend ko. Palibhasa, lalaki kaya maikli ang pasensya. Pinag-uusapan kasi naman ‘yung isang Teambuilding event na in-oorganize namin para sa members namin. Walo lang kami sa meeting ngayon. ‘Yung may mga posisyon lang sa group.

                “Kasi kailangan nating mag-adjust sa kung anong kayang gawin ng bata. Hindi ba? Kaya naman tayo nandito ay para sa kanila. Tama ba ko?” sagot ng friend ko. Sa totoo lang, hanga rin ako sa kaibigan kong ito. Ang dami niyang magagandang ideas na naiaambag. Samantalang ako, walang kwentang, hindi nakikinig sa ginagawa nila. Ako nga ‘yung secretary, pero ibang minutes naman ‘yung ginagawa ko. Este, hindi pala minutes, kasi kwento nga pala nila ito.

                Natahimik kaming anim na kasama nila sa group. Tila may isang paru-parong lumilipad at lahat kami nakatingin roon. De joke lang. Syempre, natahimik kami kasi tinitimbang namin ‘yung opinyon nilang dalawa. Kung ako kasi tatanungin, agree ako kay friend. Regarding sa Teambuilding kasi, pinag-uusapan kasi ‘yung registration time. Last year kasi, 8:00am, ngayon ginawang 5:00am dahil malayo-layo rin ‘yung venue. Tumatawad si better half na ‘pag lagpas na ng time, iiwanan na. Akala mo naman ang laki ng problema.

                “Sige, ganito na lang, magbigay tayong twenty minutes na palugit. Maghintay tayo hanggang 5:20. Okay lang ba?”

                Agad namang um-oo si better half. Syempre, mas natuwa si friend dahil nakinig kami sa payo niya. Naks. Feeling ko tuloy ako na ‘yung president dahil sa heroic na suggestion ko. Nakakaiyak. Haha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal Kita Pero...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon