ᜃᜊᜈᜆ『1』

19 5 0
                                    

ᜃᜊᜈᜆ『1』

ROSITA

Kadarating pa lamang namin saaming tribo, ay bumungad na kaagad samin ang aming galit na mga magulang.

"Saan nanaman kayong dalawa nagsusuot?" bungad na tanong ni mama at Juanita, duet pa sila ng pagrereklamo.

"Nagsanay lang po kami sa kagubatan, huwag na pa kayo makipag talastasan inay." tugon ni Juanita.

"Oo nga ma, tama si Juanita oh." pagsang-ayon ko naman sa sinabi ni Juanita.

"Kayo talagang dalawa, nagkampihan nanaman kayo." saad ng ina ni Juanita.

"Oh siya kayo ay magtungo na sa baryo at magpahinga, kami ay magtutungo pa sa bayan upang bumili ng ating makakain." saad ng aking ina kaya namin agad namin itong sinunod at mabilis na nagtungo sa baryo.

Kaming tatlo ay parang magkakapatid na nila Juanita at Jay, ngunit bigla na lamang nawala si Jay sa gitna ng isang misyon, siya ay isang nagsasanay na mandirigma na nadestino sa isang misyon sa pagtugis sa isang pangkat ng mga halimaw, at sa araw ding yaon ay hindi na siya muli pang natagpuan, sabi ng mga kasamahan niya ay patay na raw siya, ngunit hindi ako  sakanila naniniwala at alam kong buhay pa siya. At pinapangako ko sa sarili ko na hahanapin ko siya, ano man ang mangyare.

Nagulat ako nang may bigla humawak sa balikat ko, "Hoy Rosi! ano nanamang nilalaman ng iyong isipan?" tanong niya sakin matapos niya akong gulatin, "Huwag mong sabihing nahulog kana kaagad kay Andres, diba nga ay si kuya lamang ang iniirog ng iyong puso." pabiro niya pang dugtong. Pero tama naman siya.

"Ano kaba Juanita, bakit naman ako mahuhulog sa mokong na yun baka ikaw?!" inis kong tugon sakanya.

"Marahil nga." tumatawa niyang tugon, "Sa tingin mo ba Rosi, babalik pa si kuya ay mali, sa tingin mo ba talaga buhay pa si kuya?" tanong niya sakin na medyo nakakainis.

"Ano bang klaseng tanong yan, syempre naman buhay pa si Jay." seryosong tugon ko sakanya.

"Pero bakit hindi pa rin siya bumabalik?" tanong pa niya.

"Maraming pwedeng dahilan, pero naniniwala akong buhay na buhay pa siya." muli kong pagtugon, "Nangako siya sakin, hinding hindi siya mawawala na hindi nagpapaalam." dugtong ko pa.

"Pero nagawa na nga niya." saad pa niya na kinainis ko.

"Ano ba Juanita?!" inis kong sigaw sakanya.

"Mainitin talaga ang iyong ulo Rosi, totoo lang naman ang aking sinabi." tugon pa niya kaya naman lumabas nalang ako. Argh! bakit ba ganun siya magtanong kapatid niya pa man din si Jay.

"Kapatid mo pa man din siya, pero parang gusto mong mawala na talaga siya." inis ko sabi.

"Sorry na Rosi hindi naman ganun ang gusto ko iparating, oh sige di ko na uulitin pero gusto mo ba ulit sumama samin bukas?" tanong niya.

"Kasama nanaman yung mokong na yun?" tanong ko na medyo inis pa rin.

"Oo syempre, tuturuan niya tayo." tugon niya naman.

"Ano namang maituturo niya, eh magkakaiba tayo ng kakayahan." tugon ko na para wari ba'y wala akong tiwala sa lalaking yun.

"P-Pano mo nagagawa yan, Rosita?" gulat niya sambit habang nakatingin sa braso ko. Kaya naman napatingin din ako sa braso ko na ngayon ay nababalutan ng berdeng na liwanag at hinahanging maliliit na damo.

ᜀᜎᜋᜆ᜔『✧』『ᜃ』Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon