ᜃᜊᜈᜆ『2』

12 5 0
                                    

ᜃᜊᜈᜆ『2』

ROSITA

Ligtas akong nakarating sa aming tahanan, ngunit nagmasid-masid pa rin ako sa paligid dahil posible pa rin na masundan ako ng isang engkanto.

Sa kabutihang palad ay wala akong nararamdaman, naririnig at nakikitang engkanto sa paligid, ngunit medyo kakaiba ang pakiramdam ko simula pa kanina noong nasa kagubatan pa ako. Marahil ay lamig lamang ito.

Pumasok na ako sa loob ng aming tahanan para magpainit ng katawan, para na din mawala ang lamig na nararamdaman ko simula kanina at pati na rin ang kilabot ko sa mga nakita ko.

"Rosi!" masayang sigaw ni Juanita na ikinagulat ko.

"Nakakagulat ka namang babae ka, ano ba ang iyong kailangan at ang saya saya mo?" tanong ko sakanya.

"Sa susunod na araw na, sa susunod na araw na... Ang... Taonang Pagsapi upang maging mandirigma!" masayang niyang balita.

"A-Ano? sa susunod na araw na agad?" nabigla kong tanong.

"Oo, oo, oo, sa susunod na araw na!" masayang masaya niyang sabi.

"Kung gayon ay kailangan talaga nating magsanay bukas, hindi ka pa muna pwede magsaya dahil mababa ang tiyansa sa pagiging mandirigma." paliwanag ko sakanya kaya bigla siya napatigil sa pagiging makulit.

"Ahh... ehh... Edi magsanay na tayo ngayon." saad niya.

"Hindi na pwede, malapit na dumating sila mama at ang inay mo, kakain na tayo hindi na pwede umalis." paliwanag ko sakanya, di na siya kumibo subalit ay umupo nalang siya sa silya. Parang lumungkot ang babaeng ito.

"Hoy, anong nangyare saiyo? bukas naman ay magsasanay tayo diba?" sabi ko sakanya.

"Oo nga pero... hindi ko na makikita si Andres pag naging Mandirigma na ako." malungkot niyang saad.

"Ha? nahulog na ang iyong loob sa mokong na yun? alam mong hindi kayong pwedeng dalawa, Juanita." pagpapaalala ko sakanya.

"Alam ko Rosi, pero anong magagawa ko?" mukmok niya habang naka-salungbaba.

"Mahal mo naba si Andres?" paninigurado ko.

"Hindi ko sigurado ang nararamdaman ko." kaagad niyang sagot.

"Pero siya ba, mahal ka ba niya?" tanong ko sakanya.

"Marahil, sabi niya sakin sa burol ay gusto niya akong makasama, kapag payapa na ang lahat at hindi na magkalaban ang ating tribong dimawari at ang kanilang tribong batongbakal." sanaysay niya habang pinaglalaruan ang kanyang daliri sa ibabaw ng mesa.

"Kung gayon ay hihintayin niya ang araw na magkikita muli kayong dalawa." pagpapalakas ko ng kanyang loob.

"Ikaw ba Rosi? Mahal mo ba si kuya?" seryosong tanong niya sakin, ngunit hindi ko agad siya nasagot.

"Rosita? ano mahal mo ba si kuya?" muli niyang tanong.

"O-Oo." tugon ko at napangiti naman siya.

"Kung gayon ay wala akong dapat ipagalala, dahil alam ko maghihintay siya tulad mo." masayang niya saad at tumawa sa inuupuang silya.

"Ambilis naman magbago ng iyong emosyon, sana ay ganun lang din kadali ang saakin." wika ko.

"Bakit malungkot kaba?" tanong niya.

"Ah hindi, pero ano... basta ano... basta." hindi ko maintindihan pati ang sarili kong sinasabi.

"Oh basta galingan natin, magiging mandirigma tayo, dapat ay maging mandirigma tayo nang magkasabay." wika niya at seryosong kinumpas ang kamay niya, kaya naman aksidente niyang nagamit ang kanyang mahika at nabutas ang aming dingding.

ᜀᜎᜋᜆ᜔『✧』『ᜃ』Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon