*alarm clock rings*
*yaaaaaaaaawn*
"Haaaay! Umaga na pala, kailangan ko ng mag ready first day of school pa naman ngayon."
Hi, ako nga pala si Xhansie ( Shansie) Ledesma. 14 yrs old at Grade 8 Student ng St. Ramon University. Matangkad, medyo morena, may maitim at mahabang buhok, volleyball player ako, adik sa Koreano alam niyo na mga boybands XD, madaldal ako, at minsan tinotopak din, maldita, pero minsan lang. Hihi. Medyo chubby ako kasi alam niyo na, sarap kasing kumain eh. Hahaha.
At kakakwento ko sa inyo di ko namalayang male late na pala ako. Kaya lumabas na ako ng kwarto at pumunta na sa kusina, tapos na rin akong maligo at naka bihis na ako ng uniform ko. Pagdating ko andun na sila mama at papa. Si mama kumakain na si papa naman umiinom ng kape. Umupo na ako at binati sila.
"Good morning ma, good morning pa!"
"Good morning Xhan, ang aga-aga ganda ng mood natin ah?" - Papa
"Oo naman pa, first day of school kasi ngayon eh. Excited na akong makita ulit yung mga kaibigan ko"
"Okay sige, tapusin mo na yang kinakain mo at ma hatid na kita sa school niyo"
"Okay po!"
Natapos na akong kumain at nilagay ko na yung plato ko sa kusina, nag toothbrush at kinuha yung bag kong kulay violet, yes adik kasi ako sa violet eh katulad ni Author hihihi. Nag pa alam na ako kay Mama at hinatid na ako ni Papa sa school.
Yieeeee, sobrang excited na akong makita ulit yung mga loka-loka kong mga bestfriends!St. Ramon University
Pagpasok ko ng gate binati ko ka agad si Guard.
"Good morning guard!"
"Good morning Xhansie!"
Close ako sakanila eh, kaya ganun. Haha.
Naglakad na ako papuntang campus namin, ang daming mga bagong estudyante at mga schoolmates ko din. Habang papalapit ako ng papalapit sa campus namin na eexcite na din ako. Makikita ko na ulit sila at siya.
Paakyat na ako ng makita ko si Clowee siya yung bestfriend ko simula nung Grade 7 kami. Syempre dahil miss na miss ko siya sinalubong ko siya ng power hug! "Kambal" yung tawagan namin dahil wala lang trip lang, walang basagan ng trip dito oy. Partners in crime kami niyan at madaldal at maingay din yan katulad ko kaya hindi na ako nagtataka kung bakit kami naging kambal."Kaaaaaaambaaaaaal! I missssh you shoooo muuuuuuuuch! - Clowee
"I missh youu mooore kambaaaaaal! T..teka hindi ako makahinga. K..kambal tama n..na"
Sabi ko habang hinahabol ang hinanga ko, to talagang babaeng to amazona kahit kailan at medyo tumaba siya. Pagtripan ko nga."Ay hihi. Sorry kambal na miss lang talaga kita eh. Alam mo na waaaaah! I miss you talaga!"
At yun nga hinug niya ulit ako pero hindi na katulad kanina na parang mamamatay na ako XD I hug her back.
"Nako kambal, hindi ako makahinga kanina ah, mas lalo ka kasing tumaba *smirk*"
Paakyat na kami ngayon sa room namin para makita ulit yung kabarkada namin.
"Ano?! Hindi kaya no! Ikaw nga diyan yung tuma--- WAIT! XHANSIE! PUMAYAT KA AH? OMAYGAD! BAKIT NGAYON KO LANG NA REALIZE?!"
"Sakit talaga ng boses mo sa eardrums kahit kelan! Hindi naman medyo lang siguro dahil din to sa pag vo-volleyball ko."
"Sabagay, mas gumanda ka na! Sana naman mafall at mapansin ka na niyan ni asdhdbddkfndjfkd"
Hindi niya natuloy yung sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bunganga niyang nakakabasag eardrums! Sabihin ba naman yung pangalan ni ano. Basta ni ano. Aish! Next time ko lang ipapakilala sainyo.