Infinity 2

25 2 2
                                    


"Zico, i miss you too." And i hug him back.

At mas hinigpitan niya pa ang pag yakap sakin.

"Oh tama na yan, mukha na kayong lovers oh" - Charlene

May biglang umepal sa moment namin Zico ay este may sumabat ay ano may umepal nga ay basta. Ano ba kasi yung pinagsasabi.

Kumalas na ako sa pagkayakap sa kanya at umayos ulit ng upo, siya naman ay kumalas na rin ngumiti ulit at pumunta kung saan yung mga ibang kabarkada namin na mga lalaki.

"Sweet ng mag bestfriend kanina ah, may pa imissyou pa."

Tukso nila sakin.

"Eh sa inyo rin naman ah, ganun din naman ginawa ko."

"Iba kasi talaga kapag sa kanya na, alam mo? Parang may spark kung baga." - Clowee

"Pffft, spark? Eh bestfriend ko nga lang yaaaaan, tsaka normal na samin yun. Ano ba kayo."

Depensa ko.

"Ikaw Xhan ha? May hindi ka sinasabi samin? Aminin mo kilala kita." - Raphy

"Dada naman, yan ka na naman eh. Oo mahal ko siya pero bilang bestfriend lang"

"Bestfriend lang nga ba?" - Charlene

Na interrupt ang bukingan session este ang paguusap namin ng biglang pumasok ang aming new adviser.

Umupo na kami at nakinig sa kanya.

"Okay, good morning class. I am your new adviser I'm Mrs. Geroche, please stand let us pray."

Pagkatapos nun ay ginreet na namin siya.

"Good morning Mrs. Geroche."

"You may take your seat."

Habang nag di-discuss siya ng mga rules, something like that hindi naman ako makapag concentrate dahil nasa likuran ko siya, at isa pa tong katabi ko ang likot-likot hindi din nakikinig eh. Ewan ko kung anong ginagawa nito.

Nabalik ulit sa Earth yung kaluluwa ko nung may yumugyog ng upuan ko, paglingon ko si Zico pala.

"Ano?"

"Kamusta summer mo?"

"Maya na lang tayo mag-usap pagalitan pa tayo eh."

"Sige na nga, namiss lang naman kita eh." Tsaka nag pout pa.

Ay bakit ang cute nito?! Nagpapa cute ba to?
Ay Xhansie hindi kapa nasanay.

"Sus si Zico nag emote naman. Maya nga eh." Tumawa ako ng mahina, isip bata talaga.

Humarap na ulit ako.

"Okay yun lang, class dismiss. See you tmr class."

Sa dami ng sinabi niya, kahit isa ay walang akong naintindihan. Aaaish. Xhansie anong nangyayari sayo?

Tumayo na kami at nagpa alam.

"Thank you and so long Ms. Geroche."

Haaaaaaaay! Ang boring naman. First day na first day.
Pero okay din naman na hindi pa talaga nag di discuss yung mga teachers, papasok lang sila introduce then sasabihin kung ano yung requirements at magpapa alam na.

Last subject na ngayon namin sa umaga. Lunch break na pagkatapos! Yey. Kakain ako ng marami parang nagutom kasi ako bigla.

Tapos na rin namang magpakilala yung last subject teacher namin kaya ito kami ngayon. Ang ingay-ingay. Kwento dito kwento doon.
Nanonood lang ako sa kanila, wala ako sa mood bigla, ganito talaga ako kapag gutom. Kaya nanood lang ako sa mga kalokohan nila ni Jessie at Kylie. Hindi ko pala napakilala kanina sa inyo si Kylie. Kabarkada ko din at pareho sila ni Jessie, pero sabi niya samin Bisex daw siya. Kaya lang seasonal din to eh. Hahaha.
Yun nga, nanood kami sa pinanggagawa nila.
Si Kylie yung designer DAW ni Jessie at si Jessie naman yung model. Tawa lang kami ng tawa sa kalokohan nila.

Ng biglang nag ring yung bell at sa wakas! Lunch break na! Yehey!
Kinuha ko na yung bag ko at sabay kaming lumabas ng kabarkada, hindi ko na isa isahin kasi ang dami namin. Hahaha.
Dumiretso na kami sa canteen at ang dami na ng estudyante at parang wala na ring available na table.

"Parang wala na tayong space ah?" - Sabi ko

"Oo nga, so anong plano? Jollibee na lang kaya tayo?" - Clowee

"Sige!" Chorus na sagot namin. At nagkatinginan pa. Tumawa na lang kami.

Jollibee

Puro babae kami yung mga boys ewan ko kung saan kumain eh. Pero syempre andito si Kylie at Jessie. XD

Nakaupo na kami at hinihintay yung order namin.

Ang ingay namin, selfie dito selfie doon. Hahaha. Ang saya lang talaga pag sila yung kasama ko.

At sa wakas! Dumating na rin yung food namin. Wehehe. Its eating time.
Halos ng orders namin ay pare pareho lang. C1 at Coke float. Lol. Favorite kasi namin to.

Habang kumakain kami biglang nagsalita si Charlene.

"Xhan, yung kanina pala na hindi mo nasagot. Ano ba talaga ang may meron sa inyo ni Zico?"

At dahil hindi ko inexpect yung tanong ng bruhang to, nabilaokan ako.

Uminom ako at nagsalita.

"Ano ba namang klaseng tanong yan. Kumakain ako dito eh!"

"Eh pasensya naman? Nagtanong lang naman ako."

"Mamaya na yan, kumain na muna tayo." - Khamille

Haaaay. Salamat mabuti na lang talaga at sinabi yun ni Khamx at tumahimik na din sila.

"Pagkatapos nating kumain tanongin si Xhansie." - Kylie

Haaaaay, wala na talaga akong kawala. Sasabihin ko na ba? Handa na ba ako? Bestfriends ko naman sila eh. Sige na nga sasabihin ko na.

--------
AN: Sorry guys ngayon lang ako nakapag update. Nagkasakit kasi ako at ang daming problema. Niways how's Infinity 2? Vote and comment guys! xoxo :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNTIL INFINITY RUNS OUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon