—·—
SHE CLOSED the car's door at binitbit ang dala nyang shoulder bag. Sandali muna syang tumungo at sumilip sa bintana ng driver seat at kinatok iyon. Binuksan naman ng isang babaeng nasa late thirties ang bintana ng kotse.
"Gotta go," ani nito sa babae na nakangiti.
"Sige, anak. Aral mabuti, ah," the lady said as she carresed her cheeks. "Sunduin kita mamaya, pasok ka na."
She smiled. "Bye, Mom!"
Tuluyan ng umalis ang kotse kasabay noon ang pagpasok nya sa university. She entered the gate, her hand gripping tightly in her bag. Pagtapak nya sa step kung nasaan ang karamihan ng estudyante, maraming nagsilingon sa kanya at binati sya ng matamis at genuine na ngiti sabay good morning ng mga ito. Karamihan mga lalaki.
"Good morning, Ms. Beautiful." bati ng isang lalaking estudyante na sinuklian nya ng matamis na ngiti.
"Magandang umaga, binibini," bati naman ng isa pa sa di kalayuan. "Tulungan kita sa bag mo?"
"Ah, 'wag na. I can handle it," sagot nya rito. "Good morning din, by the way."
Para namang nahinto ang mundo ng lalaking binati nya ng good morning, namula din ang pisngi nito na ikina-tawa nya ng mahina. Malamang, ikaw ba naman batiin ng pinaka-magandang babae sa campus. She's the campus princess kaya nga lahat ng mata sa kanya nakatingin.
She continue walking hanggang sa marating ang building ng HUMMS. Agad syang umakyat sa second floor at pumasok sa loob ng classroom nya. In her way towards her room, marami rin ang mga bumabati ng "good morning" at nagha-hi sa kanya. Kahit pa sa loob ng classroom.
"Uy, Ms. Sardonyx, ang ganda mo po! Mas maganda pa kayo sa umaga! By the way, good morning." tawag sa kanya ng kaklase nyang babae na parang batang nagni-ningning ang mata ng makita sya. "Na-miss ko talagang pumasok. Halos dalawang linggo ko rin kasing hindi nakita ang maganda mong mukha."
Tumawa sya ng mahina. "Good morning din," bati nya pabalik at hinarap ang babaeng bumati sa kanya. "Atsaka ano ka ba, you're more beautiful than me. But anyway, thank you for the compliment."
Namula naman ang pisngi ng babae at napakagat pa ng pang ibabang labi na nahihiyang tumingin sa kanya. "M-Mas maganda ka kaysa sa akin..."
Ngumiti naman sya ng matamis sa babae. "Para walang away, parehas tayong maganda."
Natuwa naman ang babae sa sinabi nya. Lalo lang itong humanga sa kanya dahil sa pagiging mahinhin at humble nito.
"Ang bait-bait mo talaga Ms. Sardonyx!" ani ng babae na ikinangiti nya. "Ang ganda mo na nga, ang bait mo pa! Hindi na ako magtataka kung bakit maraming lalaki ang nagkaka-crush sa'yo."
"Ay naku girl sinabi mo pa!" singit naman ng isang bakla na tumabi sa babae. "Ang bait-bait talaga nyan ni Ms. Sardonyx. Beauty and heart, inside and out ang kagandahan! Kaya nga idol kita, Madam!"
Nahihiyang ngumiti naman sya. Sa totoo lang sanay na syang laging nasasabihan ng compliment, pero talagang nahihiya lang sya. Nao-overwhelmed sya sa mga taong humahanga sa kanya.
"S-Salamat."
"Every one get back to your seats." ani ng guro kaya naman silang lahat ay nagsibalik na sa kanya kanyang upuan nila. Umayos naman sya ng upo nang nagpatuloy na sa pag-di-discuss ang guro.
Hindi sya Teacher pero Ms. Sardonyx ang kalimitang tawag sa kanya ng lahat, bilang paggalang na rin. May maamo syang mukha at napakagandang ngiti na pwedeng makapagpaamo ng lion kung sakali. No sugar coating, totoong maganda sya. Inside and out.
YOU ARE READING
Samson Magical Academy
FantasyMagic and Fantasy Join Yuki, Sazy, Szam and Eight as they unravel the mysteries of their identities.