Dahan-dahan 'kong minulat ang aking mga mata ng maalimpungatan ako sa malakas na tunog dito sa loob ng silid. The first thing I saw is the steel door on front. Narealize ko naman na nakahiga ako sa malamig na sahig na medyo mabasa pa.
Amoy bakal talaga sa loob ng silid na ito, nakita ko naman na nakatali ang mga pulsuhan ko gamit ang isang steel hand cuffs, na nakadikit ang buntot nito sa mga sahig kaya hindi talaga ako makakatakas.
Bumalik kaagad ang takot at ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng matandaan ko ang nangyari kanina sa comfort room.
Na-kidnap ako.
Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng mga mata ko, gusto 'kong umiyak. Sobrang natatakot ako sa sitwasyon 'kong ito.
Bigla 'kong natandaan ang matang nakita ko kanina bago ako nawalan ng malay. Sobrang familiar, napaka familiar ng matang iyon dahil hindi iyon mata ng isang pilipino.
"O-Oh god..." Nanginginig 'kong bulong at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko sa pisngi at hindi na iyon natigil. Sinubukan ko naman ihila ang bakal na nakatali sa wrist ko ngunit hindi talaga iyon matatanggal, mukhang kailangan din ito ng susi.
Isinandal ko na lamang ang sarili sa malamig na pader at tahimik na umiyak. Suot ko parin ang gown na ginamit ko kanina sa birthday party. Mukhang wala pa naman ginagawa saakin ang kidnapper na iyon.
Bakit ba ito nangyayari sa'kin? Wala ako naging kaaway, naging mabuting anak at tao ako kaya hindi ko alam kung bakit nangyayari ito saakin. Wala akong kilala na may galit saakin to the point kikidnapin ba ako.
May ginawa ba akong masama?
Bigla 'kong natandaan si Sebastian. Hindi ko na mapigilan na umiyak ng malakas sa sobrang lakas ng emotion na nararamdaman ko ngayon. Takot, pagkalito, galit at nerbyos. Nag-aalala na din ako sa mga kasama ko. Hinahanap na ba ako?
May ginagawa na ba sila para hanapin ako? Takot na takot na ako gusto ko ng umuwi.
"Ayoko pang mamatay.." mahina 'kong sambit na humihikbi pa ngunit natigil iyon nang marinig 'kong bumukas ang steel door sa harapan.
I immediately lift my head up at ganoon na lamang ang gulat ko ng makita kung sino ang nakatayo sa harapan ko.
Hindi pwede 'to... I can't believe this..
"A-Acoustic?" Gulat 'kong tawag sa pangalan nito. She just looked at me with unreadable expression--No, wala itong emotion sa mukha niya ngayon.
"B-Bakit..." Mahina 'kong sambit na napapahikbi muli. Mas lalo akong nagulat nang makitang may sumulpot pa sa likuran nito.
"H-Heath..."
-At Sebastian's-
I took a sigh for nth times sabay tingin ng oras sa relo ko. Wala parin si Hermione, mag t-thirty minutes na ngunit 'di parin siya bumaba.
"Heinz, check na natin, medyo kinukutuban na talaga ako," I whispered it to Heinz habang sya ay abala sa pagpapalakpak sa mga guests na nagsabi ng mga messages nila sa debutante.
Kanina ko pa sinasabihan si Heinz na puntahan na namin si Hermione kaso ang sabi niya ay matagal daw talaga mag CR si Hermione. Yes, I know. Sa 1 year ba naman naming magkasama ay kabisado ko na siya. Pero kahit kailan ay hindi siya umabot ng 30 minutes sa banyo.
"Please, Heinz. Iba na talaga ang kutob ko," I started to beg since nakikita ko na sasabihin nyang mamaya na. He exhale a big sigh at tumayo na ito.
BINABASA MO ANG
I'm His Submissive (Submission Series #1)
Ficção GeralOnce upon a time, there was an innocent (not really) lady named Hermione Taylor who doesn't know anything related to sex (that's a lie). She had a happy life, a caring mother, a doting father and a supportive brother. Other than her Perverted friend...