40

1.3K 27 0
                                    

The moment Laurence stopped talking to Damon, he already started contacting Fiona. Gabi na rin kasi at baka mabigla si Fiona kung kinabukasan pa sasabihin na may date pala siya ng araw na iyon.

But Fiona isn't answering. Even in GC and in her private number.

He tried to contact Heidi but she's not answering either. Kahit si Nova na nasa ibang bansa ay hindi alam ang ginagawa ng dalawa, kung bakit hindi sila sumagot sa tawag.

Laurence is problematic. Minsan lang humingi ng pabor si Damon, at birthday nito kaya hanggat maaari ay gagawan niya ng paraan. Tutal ay madali lang naman ang hininging pabor, hindi lang talaga ma-contact si Fiona.

He grabbed his wallet and walked outside. It's already 7 pm, problemado itong mahal ang magiging pamasahe niya pauwi dahil masyado ng gabi.

He commuted. 30 mins drive.

Fiona's house is a simple bungalow house with wide garden and backyard.

He rang the doorbell. Matingkad ang ilaw sa loob ng bahay, pero ang inggay na narinig niya ay malakas kumpara sa inggay na dapat maririnig niya kung nasa loob ng bahay ang tao.

"Kampay!"

He heard couple of screams and laughter. Naiiling siya nang ma-realize na si magkasama si Heidi at Fiona kaya parehas itong hindi sumasagot.

Walang pag-aalinlangan siyang umakyat at tumalon sa hindi kataasang gate, hindi na umaasang maririnig siya ng dalawa dahil sa inggay nito.

Halos marindi si Laurence sa sigaw at malakas na tawa ni Fiona hindi paman din siya nakakalapit. Lumiko siya sa gilid ng garahe para makita ang kabuuan ng bakuran kung nasaan sila.

Hindi siya napansin ng dalawa kaya naglakad pa siya.

Ilang hakbang nang tumikhim siya. Natigil ang tawanan, halos malaglag naman si Fiona sa upuan dahil sa pagkabigla, nakatalikod kasi ito kay Laurence.

"Kanina pa akong nag dodoorbell," Katwiran ni Laurence bago humila ng upuan. Kumunot ang noo nito nang makitang may sling bag na naka-patong dito

"Kelan ka pa nag-ganto," Biro niya kay Heidi at inabot doon ang bag. Tulalang inabot iyon ni Heidi at hinayaang umupo si Laurence sa dapat na okupadong upuan.

"Ang kalat niyo," Natatawang sabi ni Laurence habang pinagmamasdan ang kalat na pagkain sa mahabang lamesa at ang ilang shotglass at bote ng alak sa lamesa.

"Anong ginagawa mo dito?" Bulong ni Fiona at luminga linga sa paligid

"May favor ako," Umpisa ni Laurence at dumampot ng bbq sa isang plato

"Wag mo yan kunin!" Suway ni Heidi, "Ano yan.." Hinila niya ang plato, "Akin 'to eh!" Kabadong sabi nito

Kumagat ng isa pa si Laurence at kumportableng ibinalik ang stick ng bbq sa plato. "Ang layo mo naman sa plato mo," Pansin ni Laurence dahil hindi katapat ni Heidi ang platong inaangkin niya

"Laurence Estrella, bakit ka nandito!?" Malakas na sigaw ni Fiona na ikinagitla ng dalawa

"Sinet-up kita ng date!" Ani Laurence nang makabawi sa gulat. "Type mo," Dagdag pa nito

Naging interesado si Fiona at umayos ng upo. "Describe mo! Good boy ba?" Usisa nito. "Teka, bakit personal? Wala ka bang cellphone?"

"Hindi," Iling ni Laurence, "Ayaw niyo sumagot ng tawag."

Napasimangot si Fiona nang maalala na nagoff silang lahat ng phone bago Nang-ningning ang mata nang maalala ang description ni Laurence. "Kelan yung date?"

"Bukas, lunch."

"Bukas agad?"

"Para siguradong matutuloy!" dahilan ni Laurence

Tumango si Fiona. "Pangalan?"

Umayos ng upo si Laurence. "Blind date nalang? Para may thrill?"

Pinili ni Laurence ang mga salitang gustong marinig ni Fiona kaya mabilis itong napapayag.

"Saan ka pupunta?" Mabilis na tanong ni Fiona nang magsimulang maglakad si Laurence papasok ng bahay niya

"Tubig. Ang mahal ng pamasahe mamaya, ayoko namang bumili pa ng tubig pauwi!" Sigaw ni Laurence habang nakatalikot at tuloy pa rin ang paglalakad

"Laurence!" Sigaw naman ni Heidi

Doon palang bumaling si Laurence. "Lasing na ba kayo?" Tanong nito

Umiling si Heidi. "Ayaw mo ng juice?" Alok nito sa juice na hawak niya

Umiling si Laurence at naglakad sa kusina. Nakasunod naman si Fiona at nakabantay.

"Wag ka masyado uminom, may lakad ka bukas," Ani Laurence bago isalin ang tubig sa baso

Tumango si Fiona. "Alam ko na yan"

Laurence frown. "Fiona, matagal na akong pumupunta dito, para naman akong magnanakaw, makabantay ka dyan"

"Okay, bye!" Mabilis na tumakbo si Fiona papasok ng kwarto niya kung saan nagsusuklay si Saskia na walang kaalam-alam sa nangyayari.

"What n-"

"Shh!" Suway ni Fiona at mabilis na tumayo sa harap ni Saskia

"Laurence is here." Hinggal na sabi nito, "Nasa kusina," Naghabol ito ng paghinga. "Umiinom ng tubig"

Unti-unting nanlaki ang mata ni Saskia. "Why?!" Pabulong na sigaw nito. "Laurence is here?" She whispered and looked at the door.

For some reason, she wanted to run towards him for the sake of just seeing him.

"Sinet up ako sa date tapos kino-contact pala ako, eh off ang phone ko," Nagpapanic na sabi nito bago tumabi kay Saskia na nakaupo sa kama at mabagal na nagsusuklay.

"I want to see him," Bulong nito at napatulala sa pinto.

"Ha?" Bulong ni Fiona. "Seryoso ba? Walang bawian, nandyan talaga siya sa kusina." Hinablot ni Fiona ang suklay at siya mismo ang nagsuklay kay Saskia. "Paglabas mo ng pinto, makikita mo na siya sa sobrang liit ng bahay namin"

"I feel confident" Bulong ni Saskia

"Naka ilang shot ka na rin kasi kanina, wag kang padalos-dalos!" Suway ni Fiona

Pero walang naramdamang kaba si Saskia. Naglakad ito palapit sa pinto, nakaabang si Fiona at kinakabahan.

Akmang bubuksan ni Saskia ang pinto nang magsunod sunod ang dating ng message sa isa niyang cellphone.

Ang cellphone na ginagamit niya kapag kausap niya si Laurence ay hindi niya pinatay, hindi inaasahang magmemessage ang binata ng araw na iyon.

"That's my phone." Ani Saskia at kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa study table ni Fiona.

"Di mo pinatay?"

"I didn't know he'll message me"

Parehas silang nakatitig sa mga messages. Doon lamang natauhan si Saskia, "Nevermind," Bulong nito. "Aalis na rin naman siya agad diba?"

Tumango si Fiona habang nakatingin pa rin sa mga message ni Laurence, hindi makapaniwala na ganon na magusap ang dalawa

"Maybe next time.." Sabi ni Saskia bago kinuha ang cellphone at tuluyang binuksan ang messages. "I'll stay being Sofia for now."

Start Again (Epistolary) ✔️Where stories live. Discover now