“Gid daftanun everywen. Mah name is Prisca Portalini from the gorgeous city ov Portugal! En a believe in the saying… Beauty… is I, myself, and me. I theng que.”
Kagaya ng sabi ng magandang dilag sa stage, siya si Prisca Portulini o mas kilala ng mga magulang niya bilang Protacio Pulido, best friend ko yan. Sa maniwala kayo at sa hindi, bakla yan.
Hindi halata no?
Mas mukha pa nga siyang babae sa akin. Actually, mas mukha pa siyang tao kesa sa akin.
Unfair talaga ang life. Nung nagsaboy yata ng tigyawat si Lord ay nasalo ko lahat habang si Prisca ay tulog. Masyado nga akong maraming nasalo mula kay Lord: nasobrahan pati ilong ko at mata. Hindi naman siyaempre pwedeng magkaroon ng anim na mata kaya pilit pinagkasya sa dalawa kaya ayun… Medyo luwa… Medyo lang naman.
Natawag rin naman na akong maganda. Sabi nung bulag sa kanto na hindi ko sure kung bulag o nagbubulag-bulagan para bigyan ko ng limos.
“Question for Miss Portugal. Who is your inspiration right now?”
“Thank you for the very well asked question. I really think that it’s the best question any one has ever asked me. And to answer your question, I need an interpreter please.”
Nagtawanan naman ang mga ungas na audience. Syempre kasama ako dun. Loka-loka talaga ang bakla.
“Joking only. Eherm… I believe that the children are my inspereyshen. Teach them whale and let them lead the way.”
“Thank you Miss Portugal.”
Pumamewang, nag-wave, umikot with matching sway ng curly hair, saka rumampa. Kung hindi lang talaga nagsalita ang boses palaka na yun, aakalain mo talagang babae siya.
Hindi kasi siya tulad ng iba na makapal mag-make-up at bongga ang laki ng padding sa pwet at boobs. Ang ganda ng bakla ay natural! Ang lamang ko lang sa kanya, matres.
Since elementary ay magkaibigan na kami ni Pris. Ako pa nga ang nagbigay ng pangalan niya. O diba! Parang nanay lang. Ever since high school ay sumasali na siya ng Miss Gay contests at walang palya ang pagkapanalo niya. Dami na ngang nakakaaway niyan dahil sa contests. Ako naman ang tagapagtanggol niya kahit mas malalaki pa ang katawan ng mga baklang sumusugod sa amin. Kaya nga siguro nabasag mukha ko eh dahil ako ang tagasalo ng mga sapak ng mga bakla.
Pero okay lang. Para sa pinakamamahal kong kaibigan, kakayanin ko ang lahat. Naks! Drama.
Nung high school din kami nalaman ng tatay niya na bakla siya. Pinalayas siya nito sa sobrang galit dahil si Pris ang only boy sa limang magkakapatid. Nakitira siya sa lola niyang maldita na hobby na yata ang laitin ako. Hindi pa nasanay sa pagmumukha ko eh halos araw-araw na akong nasa kanila.
“And the winner for Miss Gay Wakwak is… Candidate number 13, Miss Portugal!”
BINABASA MO ANG
Pangit ka. Bakla ako.
HumorInyong subaybayan ang kakaiba, kamanghamangha, at makabagbag-damdaming kwento ng magkaibigang Lianne at Prisca. Tala ng May-akda: Hindi na ako maglalagay ng kahulugan sa mga kawikaan ng bakla. Bahala na lang kayong umintindi at dumugo ang ilong sa k...