“Wow…” sabay pa kami ng sabi ni Lianne habang sakay ng escalator papuntang fifth floor. Wala kaming kajoin paakyat pero maraming people sa taas.
Parang buong floor ay isang malaking tindahan ng kung anik-anik. Sa dulo, may nakalagay na “Welcome to Eba at Adan’s World”. Ang bonggaycious ng lugar. Parang paradise. May mini falls pa na pwedeng tikman ang umaagos na juice. Parang sa Charlie and the Chocolate Factory the Movie. Tiningnan ko si Lianne na mukhang tutulo na ang laway dahil nakanganga. Wiz ko na ite-tell na mas lalo siyang shumonget dahil naeexpose ang yellow teeth niya.
Humanap ako ng mga poging boylet pero bigo ako. Gayunpaman, may naka-getlak ng attention ko. Isang maliit na puno sa gitna. May shining shimmering splendid na pinkilicious na bunga. Parang pink apple pero bilog. Angcute. Mukhang yummy.
“Ano na naman yan bakla?”
“Tingnan mo BFF.” Hindi ko maalis ang sighting sa bunga.
“Wow. Ano kayang halaman yan?”
“I wanna taste.”
“Edi kumuha ka tas bayaran mo na lang sa counter.” Nakatitig pa rin ako with pure amazement.
May I stretching ako ng arms para i-reach ang pinkilicious bunga nang biglang. “Welcome to Eba at Adan’s World!” Nagulantang ang lola mo sa nagsalita. Isang mahaderang hukluban with bling-blings na shining shimmering din. “You must be new here.”
“Ah, oo Miss. Magkano yung bungalicious na to?”
“There are some few rules here if you do not know yet.” Ay! Inisnab ang beauty ko. “We are on a special sale. You can buy anything and everything. You can even taste the foods for free. We have special giveaways for every visitor. Everything is for sale and available except…” At may diin pa ang except. “that fruit.”
Sobrang disappointed ako kaya sumagot ako. “Name your price.”
“Pris! Ano ka ba?”
“I’m so sorry but it’s really not for sale. And believe me, you do not want to have that. Even a bite.”
Biglang disappearing galore na lang ang mahadera. Si BFF naman ay hinila na ako sa iba pang parts ng floor. May I taste kami ng lafangs at nakahanap na rin siya ng gift. Nakakita na rin ako ng gown. Nakakalerkey ang lugar na ito dahil kumpleto sa lahat. Parang super duper sari-sari store na may class.
Pero hindi pa rin mag-disappear sa paningin ko ang forbidden pinkilicious.
“Kinarir naman nila ang namesung na Eba at Adan. May forbidden fruit din.”
“It’s not forbidden.” Know ko na hindi si BFF ang sumagot dahil malaki ang boses. Boylet?
“Excuse me?” pa-cute pa ang voice ko. Ang-hunky-doodle-doo!
“Lahat ng bagay dito for sale, except for that one. Meaning, it’s free.”
Uy, di ko naisip yun ah. “Are you sher about that?” O ha! Slang pa!
“Yes ma’am. I work here.” Lumapit pa siya at nasamyo ko ang halimuyak ng kanyang katawan. Oh yeah! “And do you know why that lady forbids you to eat that?”
“Why? And please tigilan mo na ang pagi-english dahil nireregla na ang ilong ko.”
Tumawa si pogi. “Sorry… Well, kasi ito ang fruit of dreams. Take a bite and all your wishes will come true. At ayaw niyang mag-share.”
“Ahh..” Naintindihan ko yun kahit English. Mukhang may sira si pogi sa utak.
“Make a wish then take a bite.” Yun lang at gone with the wind na siya.
“Lianne! Halika at samahan mo ko.” Hinila ko na siya habang nagtatanong kung saan kami pupunta. “Tulungan mo akong gumawa ng krimen.”
“HA?”
“Joke lang. Tara.” Ka-face-to-face na namin si pinkilicious fruit nang i-explain ko kay Lianne ang say ni hunky.
“Baka naman pinagtitripan ka lang nun. Mamaya malason pa tayo nyan.”
“Adik! Sige na. Ako kukuha tapos sabay tayo lumafang!”
“Eeeehhh… Sige, bahala ka.”
Getlak na ko ng two pinkilicious bunga at giveaway ko na kay Lianne ang isa.
“Make a wish na BFF.”
“Mukha tayong tanga.” Pero nakapikit na siya. Sighting ko muna ang mga people na hindi naman kami tinitingnan. Pagkapikit ko ay nagwish na.
Gawin mo akong tunay na babae.
Gawin mo akong tunay na babae.
Gawin mo akong tunay na babae.
“One, two, three!” Then sabay naming ni-lafang ang fruit. Corrected by! It’s yummy!
Tiningnan ko si BFF at papikit-pikit siya. “Nahihilo ako.”
“Bakit?” Hahawakan ko sana likod niya pero parang nagdilim ang everything at parang nasa dreamland na akey.
“What did you do?” Boses yun nung mahaderang wrangler kanina. Pumikit-pikit ako para maaninag sila. Nakatitig sa akin si Papa Hunky. Nakakashokot siya impernes. Inaninag ko rin si BFF pero di ko siya makita… Parang salamin yata ang nasa harap ko…
*Blackout*
BINABASA MO ANG
Pangit ka. Bakla ako.
HumorInyong subaybayan ang kakaiba, kamanghamangha, at makabagbag-damdaming kwento ng magkaibigang Lianne at Prisca. Tala ng May-akda: Hindi na ako maglalagay ng kahulugan sa mga kawikaan ng bakla. Bahala na lang kayong umintindi at dumugo ang ilong sa k...